"Ah, titingnan daw 'yong pamamalakad dito. Kasi malamang siya ang papalit kay president balang araw," sabi uli ni boss.
"Ah, may edad na ba 'yong anak?" tanong ko.
"Hindi ko lang sure, ngayon lang naman 'yon pupunta rito pero ayon sa narinig ko ay wala raw 'yon interes sa company, 'yon ang sabi ng iba kahit siya pa 'yong CEO,"
Aba, relate ako roon ah, wala rin kasi akong interes sa pag-handle ng business namin.
"Chick o Lalaki?" tanong ko. Gusto ko lang naman magkaroon ng idea talaga.
"Mukha ba kaming close?" aba, mukhang nakulitan na sa akin si boss, ah.
"Sungit mo naman ngayon boss, meron ka, 'no?"
Mga babae talaga! Kapag sila ang nagtatanong ng walang hanggan, okay lang, tapos kapag lalaki ang tanong nang tanong, naaasar kaagad, unfair din.
"Oo, meron ako, meron akong nararamdaman!" sabi niya.
"Para sa akin? ARAY-" biro ko. Grabe! Hinampas ako sa braso.
"Baliw ka! Gutom na ako! Kakainin kita r'yan eh, rawr!" tapo na act siya na parang kakagatin ako. Wala akong ganang kumain ngayon.
"Oh, boss," may inabot ako sa kanya.
"Cookies?" may ginawa nga pala akong ganito out of stress.
"Oo, baka makain mo ako nang buhay eh, gawa ko 'yan!"
"Aba! Akalain mong marunong ka palang mag-bake," pinag-aralan ko pa 'yan, ha?
"Actually boss, nag-aral lang ako para magpa-impress kay Mojow," pero mahilig na talaga ako noon pa.
"Gusto kong ma-meet ang Mojow na 'yan at kakalbuhin ko, one time lang."
"Hala, bakit?" war freak lang, boss?
"Haba ng hair eh, biruin mong nag-aral ka pa para lang matuwa siya!" akala ko naman kung bakit!
"Kumain ka na lang, boss, mukhang nalipasan ka na ng gutom," sabi ko.
"Sige, walang gayuma 'to ah?" patawa rin itong babae na 'to.
"Wala boss, ano'ng tingin mo sa akin desperado? 'Di na 'yon kailangan, boss," sabay ngiti ko sa kanya.
JOAN
Nandito ako ngayon sa kusina, pinapanood si Mommy habang nagluluto. Nag-iisip... hay... bakit ba kasi ako affected sa CEEra ulong 'yon? Eh, magkaibigan lang naman kami, well, oo manliligaw ko, ah, ewan!
"Joan," sabi ni Mommy nang malumanay. Hindi ko pinansin dahil may iniisip nga kasi ako.
"JOAN!" sigaw ni Mommy sa akin.
"Mommy? Kailangan nakasigaw talaga?" nabingi kasi ako.
"Eh 'di mo ako pinapansin eh."
"Kanina ka pa tulala, Joan, may problema ka ba?" bago ako sumagot sa tanong ni Mommy ay nakichika na rin samin sina Nika at Belle.
"Wala naman, Mee," sabi ko. Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga kapatid ko.
"Sus, ate! Kung makikita mo 'yang mukha mo sa salamin, para kang namatayan, Okay ka lang ba?" Hala! masyado na bang obvious?
"Hindi ah, okay lang ako, ano ba kayo?" sabi ko, medyo defensive na.
"Ate, ayon dito sa Psychology book na binabasa ko, someone is lying when your words don't agree with your facial expressions and as I can see, your words 'Okay lang ako' don't agree with your sad face," sabi ni Belle. Eto talagang isang ito, dinadaan na naman ako sa mga natututunan niya mula sa libro. Para bang ginagawa akong instant pasyente niya.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 36
Start from the beginning
