"Oh? Naligaw ka yata?" biro ko sa kanya. Wala naman kasi kaming usapan or anything.
"Ang ganda ng bati ko sa'yo Cee, ikaw talaga!" sabi niya sabay umangkla pa sa braso ko.
Dati rati naman galak na galak ako kapag babae na mismo ang umaangkla sa braso ko kasi pakiramdam ko, good shot pero bakit ngayon, parang may mali, ah, ewan, weird.
"May kailangan ka ba? Seryoso, may trabaho pa kasi ako," excuse ko sa kanya.
"Na-miss nga kita Cee, lumabas naman tayo," sabi niya. Anak ng, ang kulit! May trabaho nga, 'di ba?
"Busy kasi ako," sabi ko, still calm and nice. Makahalata ka na, Sasa!
"Cee naman, parang wala tayong pinagsamahan," nagpa-pout pa ang isang ito. Akala yata ay madadala ako ng mga pa-cute niya, cute pero walang epekto.
"Hindi nga, seryoso, busy ako. Marami akong ginagawa sa loob pati sa bahay," oo, marami, nakaupo, nakatulala, naniningin ng files, repeat.
"Eh 'di tutulungan kita, sa bahay n'yo na lang tayo magkita. I'll bring food," 'di ba makahalata na ayaw ko? Wala ako sa mood lalo na at may nami-miss ako at wala akong magawa sa bagay na 'yon.
"Hindi na nga ko nakatira sa bahay namin, kaya next time na lang, bye!" sabi ko.
Patalikod na ako pero hawak pa rin niya ang braso ko, tapos bigla pa akong hinatak pabalik sa kanya. Ang lakas naman niya!
"Dali na kasi, Cee," sabi niya.
Ang kulit ng lahi nito! Sabing ayaw ko nga! Wait lang, si Vanessa ang kausap ko, 'di ba? Bakit si Mojow ang nakikita ko ngayon? Natigilan ako ng ilang seconds, si Mojow nga.
"S-sige na nga," sabi ko.
Hindi! Si Vanessa nga! Badtrip! Nagha-hallucinate na ba ako? Ano ba 'yong nasabi kong 'yon?
"Really?" tanong niya.
"Joke lang," sabi ko sa kanya.
"Aww..." sige na nga at baka magwala pa ang isang ito kapag binawi ko pa.
"Fine, bye!"
"Yes! I know you won't resist my charm, see you! I'll bring food."
"Okay, sige."
Kung malalaman lang niya na napilitan lang ako at kaya lang ako pumayag ay dahil, akala ko ay siya si Mojow. Kung sabagay, may pinagsamahan din naman kami nito kahit hindi nagtagal ang relasyon namin.
Paano ka naman kasi tatagal sa babaeng sobrang vain at possessive pero 'wag ka, siya itong party girl. Tama na ang isang vain sa isang relasyon kasi kapag dalawa, lagi lang mag-aaway, pagbigyan na at baka umiyak pa. Alam kong nagloko ako, pero nauna siya, gumanti lang ako.
Mojow, faithful pa rin ako sa'yo, don't worry.
Pagbalik ko ng office, ang ingay ng mga katrabaho ko. Nagtsitsismisan kaya naki-epal ako.
"Ano'ng meron, boss?" tanong ko. Baka kasi mamaya, dahil pala sa akin kaya sila ganoon.
"Bibisita raw rito 'yong anak ng president natin. Ang CEO," sabi niya. Wow! Anak ng presidente, babae kaya o lalaki?
"Eh? Kailan daw?" tanong ko. Para maka-absent, joke lang!
"This Thursday raw."
"Ah, talaga? Eh ano'ng gagawin dito?"
Sus, alam ko 'yang mga ganyang anak ng presidente, mag-o-observe tapos walang kahirap-hirap na makukuha 'yong pinakamataas na posisyon dahil siya 'yong tagapagmana.
أنت تقرأ
It Started with a McFLOAT
عاطفيةNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 36
ابدأ من البداية
