Chapter 37: Detectives

Start from the beginning
                                    

"yan yung nagbigay ng phone mo!" sabi ni Jason.

"yung first year?" tanong ko.

"yup, at sa Cooper's corp. nagtatrabaho ang mga parents niya" sabi ni Rod.

Tumingin kaming lahat kay Bryce, "ano'ng alam ko jan?" tanong niya.

"kailangang makagawa tayo ng paraan para mapalabas ang mga parents niya at makausip natin siya" sabi ni Jason.

"ako na ang bahala jan" sabi ni Bryce at naglabas siya ng phone niya then may idinial siya, "Jerry, gawa ka ng paraan para mapalabas sina Mr. and Mrs. Santiago sa bahay nila mamayang gabi" sabi niya tapos hindi man lang niya hinintay na magsalita yung kusap niya't binaba niya agad.

Haay nga naman ang mga spoiled rich kids na may buttlers, nasanay na sila sa pagbibigay ng direct orders.

"okay na, it's time to eat" sabi ni Rod at isinara nila yung mg laptops nila.

"hoy Lexa, okay ka na ba talaga?" tanong ni Elias.

"yes, I'm fine" sabi ko na medjo naiinis na ako, pang ilang bese na kasi niyang tinanong.

"good, good" sabi niya we ordered a lot of food.

---

Naiwan sina Kurt, Rod at Elias para may magbantay sa mga CCTV at para may magcontrol sa security system ng bahay. Ang galing nila no!? oo, mahirap paniwalaan talaga.

So the five of us got to the front door and Bryce rang the door bell twice. Nung hindi padin nagoopen yung door at naging impatient na si Nathaniel, pinaglaruan niya yung doorbell at kung ano anong kanta ang sinubukan niya eh monotone ang doorbell nila. Kaya while waiting, nag games muna kami ng Guess-What-Song is it.

"ano ba!" sabi nung girl na biglang nagbukas sa door at napayakap kami ni Allen kay Jason sa gulat, "oh! Hi kuya Bryce!" excited na bati niya kay Bryce na nasa harap ng door, nasa likod niya kasi kami.

"hi!" bati ni Nathaniel sa kanya then nung nakita ako ni girl, isasara niya sana kaso naunahan siya ni Jason and he swiftly went inside nang hindi niya itinulak si girl.

"a-alam niyo bang..trespassing yang ginagawa niyo!?" tanong niya habang isa isa kaming pumasok.

May itinulak si Jason na upuan at napaupo si girl at saktong pinatay nina Rod at Elias yung ilaw sa sala then tinurn on ni Nathaniel yung flash light niya at ibinigay kay Bryce na walang nagawa kundi ang inilagay niya sa taas ni girl para siya lang yung nakikita. Yung parang sa mga movies lang.

"at alam mo ba na kidnapping ang ginawa niyo kay Allexa?" tanong ni Nathaniel habang naglakad slowly sa harap ni girl at may hawak pa siyang pipe na bubbles ang lumalabas.

Nung papunta kasi kami dito, may nakita si Allen na costume shop kaya bumaba kaming tatlo at kumuha ng ditective costume na mga coats na brown sa kanila ni Nathaniel habang black sa akin, tatlong bubble pipes, monocle glass at mustache and detective's hat. Pero siya lang ang may magnifying glass.

"at alam mo bang pwede kang makick out sa school dahil doon?" I asked na naglalakad na din sa harap ni girl.

"at pwede ka ding makulong" sabi ni Allen na ginagaya kami.

"ano ba ang sinasabi niyo? Wala akong alam!" sabi ni girl na tatayo sana pero Jason pushed her down, gently lang naman.

"talaga? Kung ganoon Miss Santiago, ipaliwanag mo nga.. ito!?" sabi ni Nathaniel na naglabas ng picture mula sa bulsa ng coat niya.

"uhm.." sabi nung girl, huh! guilty! "picture mo na nakapajamas?" sabi niya at daling tinignan ni Nathaniel yung hawak niyang picture.

"wrong picture" sabi niya and kinalkal yung isang bulsa niya, "ha! Ipaliwanag mo nga..ito!?" he showed her a picture na naman.

"bakit may picture ka na nakapajama ka sa bulsa mo?" tanong ni Jason.

"shh! I am serious here!" sabi ni Nathaniel na sinusubukan na magmukang ditective talaga, you know? With the facial expression and everything? Siya na ang expert kaya nagconcentrate nalang kami ni Allen sa pagkicreate ng bubbles.

"huh, paano kayo nakakasiguro na akin ang mga yan?" sabi ni girl sa mga pictures.

"dahil, miss Santiago, ikaw lang ang nagiisang babae sa school natin na nakasuot ng Prada shoes na kakalabas lang" sabi ko.

Itinaas nung girl yung noo niya na parang proud pa siya, "yes, ako lang" sabi niya

Inilagay ni Nathaniel yung monocle glass niya saka pininch ang tip ng Mario mustache niya.

"I see that you are guilty" sabi niya.

--^^--^^--^^--

Dedicated to Lesley Astraquillo.^^*

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now