"Thanks, guys!" sabi niya sabay upo.
"So, what's the catch?" tanong ni Mike.
Madaldal din 'to, ha? Gwapo rin parang 'yong pinsan niya, matangkad, tisoy, maporma rin na parang siya. Kung hindi ko sila kilala ay mapagkakamalan ko silang magkapatid.
"Catch? We're just hanging out, man," sabi ni Philip na seryoso ang mukha.
"Oh, come on, man, maybe, there's something," pilit niyang pina-aamin ang pinsan.
"What's new?" tanong niya.
"Nothing's new," sagot ni Philip.
"Hey, Joan, when are you going to say yes to this man over here?" Ay, tinapa! Kailangan talaga tinatanong? Huwag ko kaya 'yang sagutin? Let's see! Uy! Nagmamaganda si ako.
"Hmm, I'm not sure yet, we're not rushing naman eh, let's just see," sagot ko at english 'yon! Oh my gosh! My nose is bleeding!
"Okay... so, you're still choosing between the guys, huh?" tanong niya sa akin. 'Di ka naman prangka masyado, ano? Ano ba talagang tinatanong mo?
"Yeah," sagot ko naman. Parang alam ko na ang kasunod na itatanong niya. Huwag na oh, 'wag mo nang itanong, please naman, oh, dahil ayaw kong marinig ang pangalan niya.
"By the way, how's Cee?" tanong niya sa akin. Ay! Kangkong na baliko! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko, itinanong na nga.
"Am I right man, it's Cee, right?" tanong niya kay Philip.
"Yes, it is," sagot ni Philip sa pinsan. Tapos tumigin na uli sa akin si Mike na para bang naghihintay ng sagot ko sa tanong niya.
"Ah, eh, he's good, busy, I guess," sagot ko. Good naman siguro siya, ano? Kasi malamang kung hindi siya ayos, siguro ay nasa headline na siya ngayon o nasa obituary.
"You guess? You're not sure?" tanong niya. Talo pa nito si Tito Boy magtanong.
Makapag-urirat ng statements na sinasabi ko, wagas! Kaunting pasensiya lang, Joan, kaya mo 'yan.
"Yes," sagot ko sa kanya. 'Pag ito nagtanong ng 'why?' susuntukin ko na talaga 'to.
"Why?" tanong niya. Kaya 'yon, sinuntok ko na nga siya, kaliwa't kanan. Joke! Siyempre sumagot ako sa tanong niya. Eh sasabihin ko ba sa kanya? Sa kanila?
"It's more than two weeks since we last spoke," sh*t! Nasabi ko na tuloy, hay...
"Oh, I see, that's kind of awful, huh?" sabi ng Mike na 'yan.
"Yeah," sabi ko at sobra na ang mga tanong, gusto ko ng umuwi.
"Philip, Mike, excuse me lang, ha? I need to go, I don't feel so good today," sabi ko. Masamang pakiramdam ang peg.
"I'll drop you home," alok ni Philip.
"No, thank you, I can manage, you should stay," sabi ko naman at nagtangka ng tumayo.
"I insist, I took you here so I'm taking you home," tumayo na rin siya.
"Okay," sagot ko.
"We're going now, Mikey Mike, see you around, man," sabi ni Philip at nag-fist bump pa sa pinsan bago kami tuluyang umalis.
"Bye, man! Bye, Joan! Take care," narinig kong sabi ni Mike noong palabas na kami.
Siyempre, joke lang talaga 'yong masamang pakiramdam. Eh kasi naman, baka 'pag hindi pa ako umalis doon ay kung ano-ano pa ang itanong ng makulit na tao na pinsan ni Philip.
Baka ultimo deodorant kong gamit, itanong na. Pambihira naman, oh. Ang ending, inihatid din ako ni Philip sa bahay at nagpaalam na siya para bumalik sa Serenity.
CEE
Makapunta nga ng convenience store para makabili ng slurpee, kahit malamig dito sa mall, ang init pa rin ng pakiramdam ko, naglakad lang ako nang naglakad.
Bukas na pala ang Starbucks na 'to at maraming tao sa loob, kainit-init magkakape. Kung sabagay, may malalamig nga palang kape, patawad naman!
Teka lang, si Philip ba 'yon? Tinitigan ko nang mabuti at baka nagkakamali lang ako, siya nga. Malapitan nga, matagal ko na ring hindi nakakausap ang isang ito, makikibalita na rin tungkol kay Mojow kahit paano.
"'Pre, ano'ng balita?" tanong ko nang makapasok sa loob at makalapit sa kanya.
"Oh, hi Cee, I'm with Joan, do you want to join us?" offer niya sa akin.
Mabait din talaga ang isang 'to. Mukhang may date sila ni Mojow ngayon tapos niyayaya ako. Kahit gustong-gusto kong sumama at makita si Mojow, 'wag na muna.
"Ah, nagmamadali ako eh, pakisabi na lang, hi, sige, alis na ko, p're," sabi ko sa kanya kahit ang totoo gusto ko nang hanapin kung saan nakaupo ang mahal ko.
"Oh, okay," sabi naman niya. Umalis na rin ako pagkatapos noon.
Pumunta na ako sa convenience store na ironically katabi lang ng Starbucks.
Ano ba 'yan? Parang gusto kong bawiin 'yong sinabi ko kay Philip. Isang dingding lang ang pagitan namin ni Mojow eh pakiramdam ko ilang universe ang harang dahil hindi ko nga siya malapitan. Hay... ang saklap naman ng buhay kong ito.
Ano, slurpee? Ang lungkot, ano? Grabe! Samahan mo na nga lang ako. Buti ka pa, hindi kj, hindi tulad noong psycho na 'yon.
Baliw na ako, confirmed! Pati slurpee kinakausap ko na. 'Wag lang sasagot, ayos pa ako.
Tapos maya-maya may umupo na lang sa tabi ko.
"Alone?" tanong niya sa 'kin. Sino nga ba 'tong lalaking 'to? May itsura, puwede nang pagtiyagaan pero mas gwapo pa rin ako.
"Yeah," nakatatamad kasing magsalita, wala ako sa mood maging friendly ngayon.
"I saw my cousin, Philip awhile ago and he's with Joan," sabi niya pa. Ah, oo! Naalala ko na! Si Mike 'to, 'yong bumisita sa photoshoot na 'di umano ay pinsan ni Philip.
"I saw them, actually," sabi ko naman.
"Why didn't you join them?" tanong niya.
"I think it's good to have their time alone," pagsisinungaling ko. Aba! kung puwede ko lang ba silang abalahin kanina ay ginawa ko na.
"But, Joan told me, you haven't spoken to her for a while now, busy, dude?" tanong niya pa. Wala siguro itong makausap kaya nandito.
"Sort of," sagot ko naman sa kanya.
"Good," simpleng sabi niya at ngumisi pa. May dala pala siyang big gulp. Sumipsip siya roon kaya napatingin ako.
"Good?" tanong ko naman.
"Uh, good that you respect their alone time," sabi niya at sumipsip uli mula sa straw.
"Yeah, of course," sabi ko naman at sumipsip din sa slurpee ko.
"I'll go now, dude, see you around," sabi niya at nagbadya nang tumayo.
"Okay," sagot ko naman at ibinalik ang tingin sa slurpee na ngayon ay hawak ko ang straw.
Umalis na siya at maya-maya ay umuwi na rin ako. Wala na akong kausap, ubos na si Slurpee eh. Naglakad ako papuntang parking lot ng mall.
Ang layo pa nga ng parking space noong sasakyan ko. Nakapapagod maglakad! Tapos habang naglalakad ako, may nag-text.
From: Unknown
Torture 'di ba? 'Yong taong mahal mo nasa piling ng iba?
Napakasama naman talaga nito, nang-aasar na naman! Hay, okay ignore. 'Di nagtagal ay nakarating din ako sa kotse, sumakay ako, umiyak at umuwi.
--
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
CZYTASZ
It Started with a McFLOAT
RomansNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 35
Zacznij od początku
