Okay, operation huwag munang isipin ang isang 'yon. Think of other things, think about you and Philip or your family. Papalapit na pala si Philip dala ang order niya para sa amin.

Nakatutuwa kasi kahit alam kong stressed out siya ay ang laki pa rin ng ngiti niya kapag nakikita ako. Happy? Oo naman kasama ba naman ako.

"Hey, Joan! I saw Cee outside," sabi niya sa akin ng makaupo. Letseng bayawak naman oh! Binganggit pa nga!

"Ah..." 'yon lang ang nasabi ko.

"He's on a hurry but he said hi," sabi ni Philip at napaisip naman ako kung bakit hindi niya naisipang pumasok dito para personal na sabihin ang gusto niyang iparating.

Teka... hi? 'yon lang talaga? Wala bang "sorry hindi ako nakapagparamdam sa'yo ng lampas 2 linggo, I miss you. I swear, walang ibang babae," wala bang gano'ng sinabi, Philip? Ano ba 'yan inaaway ko na pati si Philip sa isip ko.

"Ah, gano'n ba?" 'yon lang din ang nasabi ko. Okay, balik sa operation, huwag siyang isipin.

Uminom kami ng kape at nagkuwentuhan, napag-usapan din namin ang kapatid niyang si Phoebe at ang successful niyang online clothing store.

"Ah, good naman kung gano'n," sabi ko sa kanya pero 'yong isip ko, naglalakbay talaga sa kung saan.

"Joan, any problem?" tanong niya.

Naku po! Nahalata na nga niya pero to answer your question... oo, malaki dahil nabu-buwisit ako sa Cee na 'yon.

Mula noong nagtrabaho, kinalimutan na ako, nakakaasar! Bigla na lang siyang naglahong parang bula.

Sunugin ko kaya ang bahay nila baka sakaling lumabas sa kanila.

"Wala naman, Philip," sabi ko sa kanya na halatang hindi niya pinaniwalaan.

"You look sad," napakunot din ang noo niya pagkasabi noon.

"Eh?" tanong ko naman at nagpipilit ngumiti kahit paano.

Oh my gosh! nagre-reflect talaga sa mukha ko kahit ano pang deny ko sa sarili ko. Ngiti, Joan, ngayon na, ngiti. Ngumiti ako, 'yong malaki.

"Ang laki nga ng ngiti ko, malungkot ka d'yan!" talagang pinandigan ko ang sinasabi ko.

"Your eyes tells a different story," sabi niya, Philip naman eh!

Can you just drop the topic? Ayaw kong pag-usapan ang bagay na ito. Naaasar lang talaga ako!

"Ano'ng gusto mo mag-gwiyomi pa ko rito?" sabi ko tapos pekeng tawa.

"Nah, you don't have to," sabi niya pero malamang sa alamang ay nag-iisip pa rin sa ikinikilos ko. Maya-maya ay may lumapit sa table namin.

"Man, nice to see you here, and your with-oh, hi, Joan!" pagbati ni Mike, 'yong pinsan ni Philip.

"Hello!" sabi ko naman sa kanya at ngumiti pa ako nang kaunti.

"Are you with someone?" tanong ni Philip sa pinsan.

"Nah, forever alone, man," sagot ni Mike at ngumiti pa.

"You're a casanova man, you have a bunch of that," sabi ni Philip at ngiting-ngiti habang nagsasalita.

"Shut up, man, you're giving Joan a bad impression of me. Do you mind if I join you, guys?" tanong ni Mike na palipat-lipat ang tingin sa amin ni Philip.

"Joan?" tanong ni Philip.

"No, I don't mind," siyempre ii-english na rin ako, kahit ang totoo, I mind.

It Started with a McFLOATNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ