"Oh, ano'ng sabi? Insan sabihin mo na lahat, kinakabahan ako sa itsura mo," hindi talaga ako mapakali.
"Naaksidente raw ang Papa mo," ano ba talaga ang nangyayari?
"Ano?"
"Pauwi na raw from work tapos may nakabanggang kotse, nasa ospital daw ngayon. 'Di ka raw nila makontak e kaya sa landline tumawag," napahinga ako nang malalim sa mga naririnig ko.
"Stable na naman daw ba?" sana naman Lord.
"Oo naman, daw kaya 'wag ka na raw mag-alala," walang hiya talaga 'tong hayop na nagte-text na 'to! Puwede bang lumabas ng screen niya kahit isang beses lang papatayin ko lang.
"Ayos ka lang ba, Insan?" tanong niya.
Sh*t! Kung masasabi ko lang sana kay Insan 'tong problema ko baka matulungan niya pa ako pero hindi ko hahayaan na madamay pa siya o kahit na sino sa problema kong ito.
"Uy, Insan, 'di ba may sasabihin ka pa sa'kin?" tanong niya dahil napatulala na lang ako sa hangin.
"Ayos lang ako Insan, wala 'yon, nevermind," sabi ko sa kanya.
"Oh, sige, sabi mo eh! Sige, pasok na 'ko sa kuwarto. Pasabi na lang kay Anda, 'yong kape ko ah," sabi niya at pumunta na sa kanyang kuwarto.
Bumalik ako sa kitchen at sa sobrang stress ko ay naisipan kong mag-bake ng cookies. Pantagal stress lang din. Mabuti nga at meron sa pantry nila ng ingredients. Maya-maya ay dumating si Anda sa kusina.
"Hmm, antharap naman ng amoy n'yan, Thir Thee," sabi niya na wari ba ay nagayuma ng aroma ng niluluto ko.
"Gusto mo?" tanong ko naman sa wari ba ay naglalaway na kasambahay.
"Oo, naman," sabi niya naman.
"Sige, kumuha ka lang, dalhan mo na rin si Insan sa kuwarto niya, nagpapatimpla nga pala ng kape," sabi ko sa kanya habang tumitikim ng isang cookie.
"Thige, thir," sagot niya at kumuha ng platito sa estante at ilipat do'n ang ilang piraso ng cookies.
"Anda, favor naman," sabi ko sa kanya.
"Ano 'yon, thir?" tanong niya, nagpapainit naman siya ngayon ng tubig sa heater.
"Padala naman nito sa bahay nina Mojow, bukas," sabi ko habang inililipat ang cookies sa plastic container.
Miss ko na rin kasi siyang ipagluto ng sweets at sure ako na miss na rin niya ito. Ang takaw kaya no'n. Natawa pa ako sa isip ko kapag naalala ko kung gaano siya kalakas kumain ng cookies.
Ilang araw na rin kasi akong hindi pumupunta sa kanila. Pinagbabantaan kasi ako noong hinayupak na psycho na unknown texter. Siyempre ayaw ko naman siyang mapahamak lalo na ngayon na mukhang seryoso nga siya at pati si Papa dinamay.
Hay... hanggang kailan kaya niya ako paglalaruan? Hayop talaga eh! Dinadamay niya lahat ng mahalaga sa akin. Sino ba siya sa akala niya?
Pero ito lang talaga ang masasabi ko. 'Pag nalaman ko kung sino ang taong 'yon, humanda siya sa ganti ng guwapong tulad ko.
Lumipas ang dalawang linggo nang walang naha-hassle na kahit sino. Sinusunod ko kasi lahat ng utos no'ng psycho kahit labag sa kalooban ko.
Ang lungkot lang dahil gano'n ko na rin katagal hindi nakakausap si Mojow. Hindi ko nasisilayan 'yong napakaganda niyang mukha at 'yong asaran namin, nakaka-miss. Hay... Nakade-depress... tatalon na lang ako sa tulay. Hay...
Ay! huwag na pala, pakakasalan ko pa si Joan Marie dela Vega eh. Magiging Joan Marie Villonco pa siya.
Paano 'yon mangyayari kung matatagpuan akong palutang-lutang sa ilog?
Sinubukan ko rin naman na huwag gamitin 'tong phone at baka sakaling tumigil na, pero letse! Tinadtad naman ako ng sulat na puwede na akong pagkamalang kartero.
Hay... tapos no'ng hindi ko naman binasa 'yong mga sulat, laging nanti-trip sa landline. Lakas talaga ng tama nito!
Hay... aba ang lakas ko naman makabuntong hininga... eh sa nakalulungkot talaga!
Si Mojow kasi ang bumubuo ng mga araw ko. Ang hirap na hindi siya makita pero tulad nga ng sinabi ko, ayaw ko rin siyang mapahamak sa kahit na ano'ng paraan.
Wala pa akong mapagsabihan ng nangyayari sa'kin dahil baka kung ano'ng gawin no'ng psycho sa kanila.
Sa sobrang lungkot ko ay kinontak ko ang mga kabarkada ko noong hayskul para mag-inuman. Nagsabi na rin naman ako kay Tita at pumayag naman siya.
Kaysa naman daw sa labas pa kami uminom eh sa bahay na lang daw para safe. Ang sweet nga ni Tita e, ipinagluto pa kami ng pulutan.
Nami-miss ko nga si Mama kapag nakikita ko si Tita since identical twins sila. Eto ako ngayon nasa sala, hinihintay dumating ang dalawa kong kaibigan. Sila talaga 'yong lagi kong kasama noong high school kami.
After 23228482742 years of waiting.... joke lang, 30 minutes lang naman talaga. Ano ba 'yan? Ang OA ko ngayon, kainis! Wala eh, pinapasaya ko na lang din ang sarili ko sa panahon ng krisis.
Ha? Ano'ng krisis? Ah, este panahon na malayo at hindi ako makalapit sa taong mahal ko. Saklap lang!
Kapag 'yon naagaw sa akin. Hindi ko talaga mapapatawad ang psycho na 'yan. Baka ako ang maging psycho at hanapin ko siya at i-salvage!
Magtago na siya sa saya ng nanay niya dahil kahit saang butas pa ng karayom siya magtago, hahanapin ko siya at in case patay na siya, ido-double dead ko siya. Bukas, luluhod ang mga tala!
Natawa na lang ako sa mga kalokohan na naglalaro sa isip ko. Takte! nababaliw na yata ako dahil sa kalagayan ko. Oy, huwag naman, parang nakahihiya naman na graduate ako ng BS Psychology tapos sa mental institution ako pupulutin.
Naku naman! Hindi ako nababagay roon. Sa billboards nababagay ang itsura ko na ito.
"P're, okay ka lang ba? Tumatawa ka yata nang mag-isa?" tanong no'ng isa kong kaibigan. Nakalimutan ko na may bisita nga pala ako.
"Ay, oo, pare okay naman, may iniisip lang," sagot ko at tumawa nang kaunti.
"Eh, bakit ba bigla-bigla ka na lang nagyayang mag-inom?" tanong sa'kin no'ng isa ko pang kaibigan.
"Wala naman pre, na-miss ko lang kayo," sabi ko sabay tapik sa balikat nila. Nasa gitna kasi ako kaya inakbayan ko pa sila.
"Shet pare! ang cheesy ng sinabi mo," sabi ng ulol na si Cloud.
Pogi naman si Cloud pero siyempre mas gwapo pa rin ako. Mahaba ang buhok, adik sa anime at sa online games, medyo mahiyain pero sobrang talino, ang galing sa mga diskarte.
"Ay, naku! Tara na nga mag-inom," sabi ko at dinampot ang bote ng alak, tinagayan ang isang baso.
"Ako na ang tanggero," sabi naman ni Chuck sabay agaw sa akin ng bote.
Si Chuck naman ang bad boy ng trio, walang babaeng sineseryoso dahil sabi niya, pampalipas oras lang ang mga babae. Pogi rin ang isang 'to pero as usual mas gwapo pa rin ako.
"Oh, sige na p're, game na," sabi ko at ininom ko na 'yong sinalin ko sa baso ko.
Nag-inuman kami, kanya-kanyang kuwento sa mga na-miss naming happenings.
Lahat kami nagsisimula sa 'C' ang pangalan, Cee, Cloud at Chuck.
May grupo nga kami no'ng high school, ang tawag sa'min ay C3. Grupo kami ng mga gwapo sa school. Hindi, joke lang! Grupo namin 'yon magkakaibigan dahil pare-parehas kami ng trip sa buhay. Basta, nakatatamad isa-isahan pero ang masasabi ko lang ay totoo kong kaibigan ang dalawang 'to.
Kahit magkakaiba kami ng degree na kinuha noong college ay hindi naman kami nagkalimutan. Kung ang mga babae, may tinatawag na besties, kami naman 'yong best buds.
Tagay rito, tagay roon hanggang sa maging emosyonal na ang usapan. Kanya-kanya kaming share ng mga problema namin sa buhay pero hindi ko pa rin nabanggit 'yong tungkol sa nanti-trip sa akin. Hanggang sa malasing na kami kakainom at kakukuwento.
--
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 34
Start from the beginning
