Subukan ko kayang tawagan?
Nag-dial ako pero ayaw naman sagutin ng psychopath na 'yon. Naba-badtrip na talaga ako! Kanina pa siyang umaga.
'Yong pasensya ko kaunting-kaunti na lang. Line 'yon sa isang pelikula, 'wag pala 'yon. Nakakapikon naman, oo!
"Hiya!" itatapon ko sana 'yong phone ko sa sobrang asar sa unknown texter na kaya lang naisip ko, mamahalin nga pala 'yong phone ko, sayang naman! Pero wait, may naisip ako bigla.
Mai-block nga 'yong psychopath, puwede nga pala. Hay... buti na lang meron dito sa phone ko.
Habang naglalakad ay kinalikot ko ang phone ko dahil hinahanap ko 'yong block setting. Tapos may nag-text na naman ang walang hiya.
From: UNKNOWN
Nakakatawa ka! HAHAHA! Sige, hanap lang ng block setting. Hacked na 'yan, 'di mo na ako maba-block, Sad 'no? HAHAHAHA!
Aba't nang-aasar talaga 'tong animal na 'to ah!
Hanggang nakarating ako sa bahay napapa-isip pa rin ako. Hindi ko kasi talaga maintindihan ang nangyayari. Para ba akong pinaglalaruan. Ano 'to revenge ng pagiging playboy ko?
Puwede ba move on na lang kung sino man ang gumagawa nito kung 'yong mga naka-fling ko ang may gawa nito, ang pathetic kasi eh.
Ipakukulong ko talaga kapag nalaman ko kung sino siya. Panira kasi ng buhay. Nagiging tunog pusakal tuloy ako sa sobrang inis.
Lumipas ang mga araw at tuloy-tuloy pa rin ang pagpapadala niya sa akin ng kung ano-ano'ng messages. Nasisira tuloy ang araw ko.
Tinawagan ko nga si Mama, gusto ko sanang magkuwento ng nangyayari sa'kin kaya lang naputol naman 'yong line tapos nag-text na naman 'yong psycho.
From: UNKNOWN
Magsusumbong ka? Gusto mo bang manganib ang buhay nila? Pati ng business n'yo? Kayang kaya kong gawin 'yan.
Letse talaga, oh! SINO KA BANG HAYOP KA? PINAPAINIT MO TALAGA ULO KO!
Inabutan ko si Insan sa kitchen...
"Insan, may sasabihin ako sa'yo," sabi ko. Wooo! Kahit man lang kay Insan masabi ko ang problema ko sa walang hiya na manipulator na 'yan na papatayin ko 'pag nalaman ko kung sino.
"Ano 'yon, Insan?" tanong niya.
Tapos biglang umepal na naman 'yong phone ko. Ibaon ko na kaya 'to sa lupa nang hindi na maka-text sa akin?
From: UNKNOWN
Sinusubukan mo talaga ako.
From: CEE
HAYOP KA! 'WAG MO NGA AKONG IDAMAY SA KALOKOHAN MO SA BUHAY KUNG AYAW MONG PULUTIN SA KANGKUNGAN PSYCHO KA!
Tapos biglang nag-ring 'yong landline phone nina Insan. Eh nasa sala 'yon kaya pumunta pa kami ro'n. Oo, kabuntot ako, makiki-usyoso lang.
"Insan saglit lang, sasagutin ko lang," sabi niya at pumunta sa gawi kung nasaan ang telepono.
"Sige," sabi ko naman at prente lang sa pagkakaupo.
Pagkasagot niya ay bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat.
"Ano? Okay lang ba siya?" magkasunod na tanong ni Insan sa kausap sa kabilang linya. Napaisip tuloy ako kung ano'ng nangyayari.
"Ah, sige, sige, sasabihin ko," sabi ni Insan sa kausap niya sa phone. Ibinaba na niya 'yung landline phone headset.
"Sino 'yon, Insan?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"Kapatid mo, si Cheska," simpleng sabi niya na hindi mawari 'yong itsura.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 34
Start from the beginning
