"Sus naman si Mojow, tampo agad, 'wag ka ng magtampo, maganda ka naman talaga d'yan eh," pag-aalo ko sa kanya dahil isa pa, totoo naman talaga ang sinasabi ko.

"Hmp!" 'yon lang ang narinig ko mula sa kanya.

"Nga pala, may pasalubong ako sa'yo," dumaan kasi ako ng Mcdo bago umuwi kaya bumili ako ng paborito niya. Nakaaaliw kasi ang mukha ni Mojow kapag uminom ng float, para ba siyang bata na tuwang-tuwa.

"Ikaw talaga, akin na nga 'yan," oh see? Naiba na agad ang mood niya? 'Yan ang power ng comfort food niya.

"Bati na tayo?" tanong ko naman agad habang binubulatlat na niya 'yong brown bag.

"Pasalamat ka, gutom na ako," sabi niya at sumubo ng isang pirasong fries at nginuya 'yon.

"I know right," simpleng sabi ko.

Habang kumakain siya ay nagkuwento na ako sa kanya ng mga pangyayari buong araw. Mula sa maangas na si Alex hanggang kay Boss.

"Eh? Ayos ah, pakilala mo ako para 2 na kaming bubugbog sa'yo," sabi niya sabay tumawa pa.

"Peace kaya kami ni Alex," which is totoo naman. Ayaw ko nga makaaway 'yon.

"Fine, kumusta naman ang mga katrabaho mo ro'n?" tanong niya sa akin at natutuwa naman ako dahil kinukumusta niya ako.

"Ayos naman, si Boss Mari nga ang trainer ko, astig nga e, do'n ko pa siya nakita."

"As in 'ypng kinukuwento mo sa akin na online writer?" tanong niya na para bang hindi rin makapaniwala.

"Oo, siya na nga, lakas nga ng trip no'n gwiyomi nang gwiyomi."

"Ah... ang cute ng kantang 'yon, napanood ko sa TV,"

"Uso na pala 'yon 'di ko alam, 'di na kasi ako nakakapanood ng TV eh," napatingin ako sa orasan at hindi ko namalayan na 9 pm na pala, napasarap ang kuwentuhan namin. Kapag masaya ka sa ginagawa mo, limot sa oras.

"Uy, Mojow uuwi na 'ko, babalik na lang ako bukas," sabi ko naman sa kanya at nagbadya nang tumayo.

"Sige, ingat!" matamis na sabi niya.

"Salamat!" sagot ko at lumabas na ng bahay nila. Habang naglalakad ako pauwi ay tumunog bigla 'yong phone ko. May nag-text pala, kaya lang unknown number. Ano ba naman 'yan? Unknown na naman?

Binuksan ko na rin at baka kaibigan ko o kapamilya na kailangan ng tulong.

From: Unknown
Ang saya mo, ano? Galing ka na naman sa espesyal na babae sa buhay mo. Paano kung sabihin ko sa'yo na 'wag ka ng magpapakita sa kanya kundi mapapahamak siya, ano'ng gagawin mo?

"Pakshet! Animal ka! Psychopath! Sino ka ba? Bakit mo ginugulo ang buhay ko?" sigaw ko tapos may nag-text uli sa akin.

From: Unknown

Ops, h'wag kang magalit, sabihin na lang natin na isa akong taong bored na walang magawa kaya buhay n'yo ang pinagkakaabalahan ko.

Luminga-linga ako sa paligid dahil palagay ko, nakikita at naririnig niya ako mula rito pero walang hiya talaga! Wala naman akong nakita! Kaya nagdere-deretso lang akong maglakad. Maya-maya ay may nag-text na naman sa akin.

From: Unknown

Oh, relax lang at 'wag kang magalit, HAHAHA! tulad ng sinabi ko kanina ay maging masunurin ka lang at magiging okay tayo.

Hay... sino ba ang sira ulong ito na walang magawa sa buhay niya?

'Pag bubunutin ko na lang siya sa bahay ng may magawa naman siya! Hindi 'yong buhay ko ang binubuwisit niya.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now