Chapter 25: Ang Mansanas. Bow.

10.1K 354 15
                                        

Chapter 25

Ayaw magtransfer ni Renee sa school namin dahil ang hideous daw nung uniform namin kaya she gave me the blessing to protect the love of his life, Bryce. Wala naman akong problema doon kasi medyo okay na kami ni Bryce, napaka bipolar nga lang niya.

"ate!" sigaw nung nasa likuran ko and I turned around.

"hi Allen!" masayang bati ko, "mabuti nalang ikaw ang una kong nakita"

"haha bakit naman po?" pinantayan niya ang paglakad ko.

"hmm, kasi ang cute cute mo!" I pinched his left cheek at tumawa siya.

"ate namaaan" reklamo niya nung di ko mapigilang paglaruan ang mga red cheeks niya.

"hoy Lexa!"

Nagpause kami ni Allen, please don't be one of them-

"Pekto" I said in grief, I looked at his back, "and others"

"ba't ka naglalakad?" tanong ni Kalbo na pinantayan ang lakad namin ni Allen.

"wala siyang pera" sabi nung isa sa likod namin saka sila nagsnort.

"oo nga eh, parang kayo din" sabi ko at tumigil sila sa pagtawa sa likod, "everyday akong naglalakad ah, ba't ngayon ko lang kayo nakasabay?"

"nakasakay kami sa bus, kaso nakita namin kayo kaya kami bumaba" sabi ni Elias na nasa tabi na ni Allen, magkasingtangkad lang sila pero dahil nga sa porma ni Elias, nagmumuka siyang mas matanda kahit magka age lang sila.

"wow bumaba talaga kayo para lang makasabay si ate Allexa?" tanong ni Allen at sabay sabay kaming nagstop sa paglalakad at tumingin ako sa kanila.

"uhm.." sabi ni Kalbo saka tumingin kay James na katabi niya, "bakit nga pala tayo bumaba?"

"ewan ko! Sabi niyo baba na kaya ako bumaba!" sagot ni James.

"namiss kong tumakbo" out of the blue na sinabi ni Pekto at nagtinginan sila, I know that look, I know what they're thinking.

"mahuhuli pangit one hundred times!" sigaw ko sabay hila kay Allen at tumakbo kami, it took them 3 seconds para marealize kung ano'ng nangyayari saka lang sila tumakbo.

Malapit na kasi kami sa school gate kaya anlakas ng loob kong tumakbo! Haha

Nauna kami ni Allen sa room at andoon na yung apat.

"close the door!" sigaw ko kay Allen and he did. After 20 seconds or so saka nakarating yung mga classmates namin, buwahahahaha ako naman na ang nasa loob!

"hoy Lexa! Buksan mo to!"

"katok muna kayo!" sagot ko

"kumatok ka na" nadinig kong bulong ni Ilong.

"ikaw na" sabi nung isa

*tok *tok *tok

"who's there?" tanong ko, lintik lang ang walang gantiiii!

"lokong Lexa! Gaganti pa!" sabi ni Kalbo.

"ako na, ako na" sabi nung isa, I think that's James. Kumatok siya nung parang sa Frozen, "do you wanna build a snow man?"

Walang sumagot.

"hello?" tanong ni James

Walang sumagot.

"hoy Lexa! Kumatok at kumanta na ako!" sigaw ni James.

"Allexa? Anjan ka pa ba?" marahan na tanong ni Kalbo.

"Allexa?"

"Ate, buksan na ba natin?" tanong ni Allen.

Kanina pa kasi kami nasa tabi nina Nathaniel at Jason na may tinitignan na magazine.

Me and My Boys VOLUME 1Where stories live. Discover now