"Hindi, gwiyomi, gwiyomi," tapos tumawa siya, ang dami na niyang ginawang movements gamit ang dalawa niyang kamay. Tuluyan na yata siyang nabaliw.

"Ano'ng mukha 'yan, Cee Villonco? Akala mo hindi kita natatandaan?"
Aba, kilala nga niya ako! Sabi ko na nga ba! Napaisip na naman tuloy ako kung ano'ng pangalan niya.

"Galing mo talaga, idol! Pagpatuloy mo lang ang paggawa ng mga kuwento. Marami kaming nai-inspire sa mga ginagawa mo. Kahit weird ka, okay lang! Achuchuchu..." sabi niya na para bang ginagaya ako tapos ngumisi pa sa akin.

"Mariyey?" tanong ko. Nanlaki 'yong mga mata ko. Kaya naman pala familiar siya sa akin. Siya 'yong gumawa ng mga video na hindi ako maka-move on at pinaiyak pa ako.

"Kahit weird, okay lang daw eh muntikan mo na nga akong dalhin sa Psychiatrict ward! Balita?" sabi niya tapos nakangiti pa rin sa akin.

"Grabe! Dito lang pala kita matatagpuan," sabi ko na para bang hindi makapaniwala dahil kaharap ko na siya.

"Hinahanap mo ako?" tanong niya naman.

"Ah, eh, hindi naman," pagpapalusot ko. Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni Mojow na baka raw diskartehan ko pa ang isang ito.

"Ah, akala ko nga," sabi ko naman.

"Sabi mo kasi hindi ka nakikipag-meet eh," depensa ko naman sa kanya dahil 'yon din ang sinabi niya noon.

"Oo nga, malay ko ba kung sino ka, malay ko ba kung adik ka pala tapos kidnapin mo 'ko," paliwanag niya. Mabuti na lang at wala na kaming ginagawa.

"'Yong mukhang ito? Adik? Kidnapper?" tanong ko at itinuro ko pa talaga ang mukha ko to give emphasis.

"Alam mo, deceiving ang looks, akala mo harmless pero sila pa ang may masamang balak. Kaya ikaw, mag-ingat ka sa mga taong nasa paligid mo except sa'kin syempre, harmless ako," sabi niya tapos nag-hairflip pa.

"Psych kaya ako, alam ko na 'yang mga ganyan," depensa ko uli sa kanya.

"Okay, sabi mo eh," suko naman siya sa akin.

Hindi ko napansin na lunch break na pala. Well kanina pa naman kasi talaga na walang masyadong ginagawa.

"Uy..." sabi ko sa kanya.

"Ano?" tanong niya naman.

"Ipaggawa mo naman akong video. 'Yong parang kuwento, parang ginagawa mo," nagkuwentuhan pa kami. Hindi pa raw siya gaanong katagal dito pero palagay niya ay tatagal siya dahil maganda ang benefits. Na-ikuwento ko rin sa kanya si Mojow, ang sabi naman niya ay good luck sa akin. Marami siyang tips pero sa amin na lang 'yon.

Sabay na rin kaming nag-lunch dahil marami pa kaming pag-uusapan. Si Insan naman kasi kasabay si Alex at lumabas sila. Kami naman ay sa cafeteria kumain ni Ma'am Mari and I must say na malaki pala ang cafeteria rito. At dahil first day ko, hindi ko pa alam ang kalakaran.

"Cee, nakuha mo na ba 'yong ID mo?" tanong niya sa akin.

"Oo, bakit?" tanong ko naman.

"Yan ang gagamitin sa pagbabayad ng food," sabi niya and nag-nod ako sa kanya.

"Ah, sige," sagot ko naman.

Ayos ah, walang bayad ang pagkain, ayos din, walang hassle sa pagbabayad.

Pagkatapos namin um-order ng pagkain ay pumunta na kami sa isang empty table. Kumain kami at nagkuwentuhan uli. Sabi ko sa kanya, "BODOL" na lang tawag ko sa kanya. Short for Boss at Idol pero ayaw niya.

"Mukha naman akong BODOL-BODOL gang, 'wag 'yon," sabi niya tapos tumawa pa.

"Hanap," baka kasi may naisip siyang maganda.

"Ikaw kaya nagpasimula n'yan," paalala niya sa akin.

"Oh, sige, b. i. na lang," suggest ko uli sa kanya. Ewan ko ba pero feeling ko talaga, kailangan magkaroon ako ng tawag kanya bago matapos ang araw na ito.

"Para naman akong bad influence n'yan," comment naman niya sa sinabi ko.

"Oh, sige na nga, Boss na lang," nakaisip din ng bagay sa kanya.

"Ikaw ang bahala,"

Bumalik na kami sa office, tinuruan niya ako ro'n sa pay roll at software na ginagamit niya sa attendance ng mga empleyado, gets ko agad siyempre.

"Oy, hindi ganyan, Cee, dapat ganito 'yong sa first column," sabi niya sa akin. Sabi ko nga mali, oo na, gets ko... nang kaunti pa lang. Bago pa lang kaya tinuro sa akin. Alangan namang gamay ko agad? Buong hapon kaming nagtuturuan ng sinasabi ko kanina tapos ayos naman. Nakapapagod din pero natutunan ko rin. May choice ba ako?

Pagkatapos namin magturuan, bumalik na muna ako sa cubicle ko. Napansin ko ang sulat na natanggap ko kaninang umaga. Hindi ko pa nga pala nababasa. Dinampot ko ang sulat at binasa ko.

--

Author's Note:
Vote and comment. Thank you!

P. S.
Kahit nag-cringe ako sa appearance ko rito, pero hindi ko na rin tinanggal. Hahaha!

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now