Tumambad sa akin ang isang babaeng malapad ang pisngi, may bangs na one-sided, chinita, uy, parehas kaming pikit. Naka-corporate attire rin siya.

Teka, parang kilala ko 'to, she looked really familiar, saan ko ba ito nakita? Sa Serenity? Hindi... sa Mcdo... puwede... parang mahilig din itong kumain eh, halata sa pisngi. Teka, hindi ko naman siguro ex 'to, ano?

"Hello, sa'yo," sabi niya ng nakangiti at napaka-welcoming.

"I think, I know you," sabi ko at nag-iisip pa rin kung paano ko nga ba siya nakilala.

"You know me as in, me?" sagot niya at may diin sa huling 'me' na parang sarcastic pa.

"Oo, you look familiar. Nagkita na ba tayo somewhere?" tanong ko sa kanya. Hindi ko talaga maisip eh. Parang nakita ko na siya na hindi. Ah, ewan! Basta ganoon 'yong feeling.

"I don't think so," simpleng sabi niya.

"Wait lang," sabi niya uli habang nag-iisip pa rin ako. Tapos tumalikod siya at kinuha ang phone niya sabay tiningnan.

"Nice, nag-tweet," narinig kong sinabi niya at ngumiti pa na parang kinilig.

"Ano nga uli 'yon?" bumalik siya ng tingin sa akin at inayos pa ang eye glasses na may purple din na frame.

"Bagong HR trainee ako rito, I'm Cee. Ano bang pangalan mo?" pakilala ko sa kanya. Hindi man lang siya kinilig sa pagpapakilala ko? Kasi kadalasan, kapag nagpapakilala ako sa mga babae, kinikilig agad. Aba! Hindi tinablan ng chinito eyes ko ang chinita eyes niya!

"You'll know soon," sabi niya sabay hairflip pa. Ano ito shampoo commercial? Mga babae nga naman! Ang daming arte!

"Gano'n? Pa-suspense? Hindi ba puwedeng ngayon na?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Kinorte niyang 'O' 'yong dalawa niyang kamay. 'Yong pagbibilang ka ng 1,2,3 mula sa hinliliit. Pinagdikit niya 'yong dulo ng hintuturo at hinlalaki tapos nilagay niya sa kanyang mga mata tapos inikot-ikot niya. Baliw yata ang isang ito! Bagong labas sa Psychiatrict ward?

"Ako 'yong assistant ni Sir Kris," pakilala niya sa wakas.

"Ah, ikaw pala ang trainer ko," sagot ko naman. Oops! Madam pala ito. Igalang! Baka mapalayas nang wala sa oras.

"Ako nga," simpleng sabi niya. Ang tipid niyang magsalita! May bayad per word?

"Hindi talaga puwede malaman ang pangalan mo?" pangungulit ko naman. Eh napapa-isip pa rin ako sa kanya pero hindi niya pinansin 'yong sinabi ko. Pero parang familiar talaga siya sa akin.

"Back to work, i-sort out mo muna 'yong files na nasa table mo, alphabetical. 'Yan ang unang task mo today," sabi niya na may ngiti, humarap na uli siya sa computer at nakita ko na may ginagawa siya sa  Excel.

"Yes, ma'am!" sabi ko na punong-puno ng energy. Nang natapos ko na ang pinagagawa ni Miss 'You'll know soon' ay dinala ko naman agad 'yon sa kanya tapos sabi niya ipatong ko na lang daw sa kanyang lamesa.

"Excuse me, Ma'am, may ipagagawa ka pa?" tanong ko naman sa kanya.

"Ibili mo ako ng kape," sagot niya na seryoso ang mukha. Aba! Ginawa pa akong secretary niya pero kung sabagay, baka kailangan talaga itong pagdaanan ng trainee.

"Seryoso?" tinanong ko na rin at baka nanti-trip lang. Tapos ginawa na naman niya 'yong weird na movement gamit ang dalawa niyang kamay.

"Ano ba 'yang ginagawa mong 'yan? Baliw ka ba, ma'am?" Sorry! Hindi ko na talaga napigilan itanong. Ang cute naman kaya lang ang weird.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now