"Hi, Kris!" sabi no'ng babae na amazona na parang maamong tupa na ngayon.
Para bang tapos na mag-dissociate at may front ng ibang alter. Ano bang naiisipan ko? Wala naman siguro siyang DID! Maganda siya kahit sobrang tapang at nananapak. No'ng lumapit nga siya sa amin, lumakad na uli kami at baka ma-late na kami.
"Ikaw talaga, umagang-umaga, may inupakan ka agad," sabi ni Insan do'n sa babae.
"Tss! Alam mo naman na hindi ko matitiis na may naagrabyado sa harapan ko," paliwanang niya na bakas sa boses ang pagka-inis kaya medyo kinabahan ako. Baka kasi bigla na lang siyang magrambo.
"Alam ko 'yon pero hinay-hinay lang ha, baka mamaya patulan ka, patay tayo d'yan. At tsaka may matatanggap naman kaming reklamo tungkol sa'yo sa HR," sabi ni Insan na halatang nag-aalala para sa kanya. Don't tell me, love life ang isang ito? Naku! Magpinsan nga tayo!
"Tss, subukan nila at makakatikim sila sa akin. Subukan niya, nakuhaan ng CCTV lahat ng ginawa niya," matapang na sabi nito sa ilalim ng hininga.
"Ops, chill, ay siya nga pala, pinsan ko, si Christian Paolo Villonco," napansin din ang kagwapuhan ko.
"Cee na lang, Insan, grabe ka naman makapagpakilala," sabi ko na medyo kinakabahan kaya dinadaan na lang sa tawa.
"Cee, si Alex, Alex si Cee," Pakilala niya uli.
"Hi, Cee! Nice meeting you," sabi ni Alex na may ngiti sa labi tapos nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.
"Uso makipagkamay, Insan," sabi ni Insan sabay tawa. Alam din niya siguro ang naiisip ko.
Napatingin ako sa kamay niya, ngayon na lang uli ako natameme sa babae mula noong nakilala ko si Mojow. Kung sabagay, hindi naman siya babae lang na basta, isa siyang super human. Natawa ako sa isip ko! Baka mamaya suntukin ako nito kapag tinawanan ko siya. Joke lang, Alex!
"Hindi kita sasapakin, don't worry, basta hindi ka katulad ng isang 'yon," sabi niya sa akin at ngumiti.
"Ah, oo naman, kampi tayo," tapos tinanggap ko na ang kamay niya.
Pagkaalis ng kamay namin sa pagkakakapit, nagpaalam na siya sa amin.
"Dito na ako, see you later sa inyong dalawa," sabi ni Alex sa amin at pumasok na siya sa Art department. Tapos maya-maya nakarating na kami sa HR Department. Marami rin palang staff si Insan kung tutuusin.
"Cee, d'yan ka sa cubicle na 'yan," sabi ni Insan sa'kin na seryoso ang mukha. Ganito yata talaga sa corporate world.
"Sige," sagot ko naman at pinilit i-compose ang sarili.
"Huwag ka na lang maingay na magpinsan tayo, ayoko ng tsismis," bulong niya sa akin at tumango na lang ako.
"'Yong assistant ko ang magte-train sa'yo," sabi uli niya at bumalik na sa upuan niya.
"Sige, sir," sagot ko sabay ngiti sa kanya pero binawi ko rin agad. Ngumiti na lang din siya pero hindi nagtagal.
Naupo ako sa sinasabi niyang place ko. Naks, may desk na agad ako kahit trainee pa lang. Eh, 'di lalo na kapag naging CEO na ako rito.
Dream on, Cee! Noong una, ayos pa pero nang tumagal, ang boring na! Walang makausap.
Tumingin ako sa paligid, hindi ko alam kung alin ang assistant ni Insan pero lahat sila ay busy, hindi maabala at the moment. Nagco-computer nga 'yong isa na nasa may tapat kong cubicle. Tumayo ako sa kinauupuan ko tapos binati ko siya.
"Hello," sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot kaya lumapit ako sa table niya at umupo ro'n sa upuan na nasa tapat ng lamesa niya.
"Excuse me, miss na nagco-computer na may purple na folder, purple na ballpen at lahat ng gamit sa lamesa ay purple, hello," nakahalata yata na siya ang tinutukoy ko kaya umikot ang upuan niya at humarap sa akin.
VOUS LISEZ
It Started with a McFLOAT
Roman d'amourNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 33
Depuis le début
