"Hindi naman eh, 'wag ka nga magbintang," sabi ng lalaki habang humahabol ng hininga.

"Tatanggi ka pa! Huling-huli ka na nga, binobosohan mo 'yong babae. Tsss... mag-sorry ka!" sabi no'ng babae sabay sapok sa lalaking ayaw sumunod. Inay ko po! Sino ba ang babaeng ito? Sobrang angas!

Napalunok ako bigla, may mas amazona pa pala kay Mojow. Grabe! Katakot naman siya.

Unti-unti nang napaligiran ng mga nagbubulungan na mga tao ang babaeng may kipit na lalaki sa kanyang mga braso. Kahit kami ni Insan, napatingin.

"Naku naman!" sabi ni Insan sabay kamot sa ulo. Na-stress si Insan sa tabi ko, napansin ko lang. Kilala niya 'yong babae? Baka kaibigan niya 'yong lalaki? Sa babae ako.

"Hindi sabi, bitawan mo nga ako," sabi uli ng lalaki at nagpumilit pa rin sa sinasabi niya.

"Hindi mo aaminin? Naku, init na init na itong kamao ko sa pagmumukha mo. Ang ayoko sa lahat sinungaling at nambabastos ng tao lalo na ng babae. Mag-sorry ka!" sabi uli no'ng babae at hinigpitan lalo ang ipit sa leeg ng lalaki.

"Oo na, oo na!" whoa! Kahit may kalakihan 'yong lalaki ay suko siya sa tapang no'ng babae, grabe!

"Bilis!" utos nito. Nakatingin lang kaming lahat.

"Eto na nga," mas lalong umigting ang bulungan ng mga taong nakapaligid.

"Ang tagal! Bilis na!" sabi uli ng babae, wari ba ay naiinip na sa paghihintay.

"Sorry," sabi no'ng lalaki na halatang wala sa loob niya kaya sinapak siya no'ng babae.

"Tinatawag mo ba talaga ang kamatayan mo? Nag-sorry ka nga, labas naman sa ilong, ayusin mo," babae ba talaga siya? May balak yatang maging wrestler, ang tapang! Walang sinasanto.

"Alexandria Trinidad!" sigaw ni Insan. Kaya naman napatingin ako sa kanya. Kilala pala niya 'yong babae. Nagtinginan tuloy sa kanya ang mga usisero at usisera.

"Kris? Uy, Kris!" sabi no'ng babae at ngumiti kay Insan nang matamis. Si Insan naman ay ngumiti rin pero para ring sinasabi na 'tama na 'yan.'

"Ano na?" sigaw uli nong babae at nag-shift muli sa matapang na amazona.

Hala, parang may dissociative identity disorder na nagbago ng alter. Para ring anghel kapag kay Insan tapos demonyita pagdating doon sa lalaki. Ang gandang subject for analysis, ay! 'Wag na pala, baka mabugbog ako.

"Sorry na nga, miss," sabi no'ng lalaki roon sa babaeng nasa harap nila na wari ba ay nagmamakaawa na rito.

"Hindi pa tayo tapos, kapag inulit mo pa 'yon, hindi lang 'yan ang aabutin mo sa'kin," sabi no'ng babae sabay sampiga roon sa lalaki at bitaw.

Nanlalaki na ang mga mata ng mga tao sa paligid. May narinig pa nga ako mula sa bulungan nila.

"Naku, buti nga sa kanya, manyak talaga ang isang 'yan."

"Talaga lang, sis. Wala 'yang pinalalampas. Nakahanap siya ng katapat niya."

"Kaya lang naman, hindi natatanggal 'yan dito dahil malakas ang kapit sa admin."

"Agree ako sa'yo, sis."

"Kaya kayo, mag-ingat kayo."

Matangkad 'yong babae pero mas matangkad pa rin 'yong lalaking binugbog niya. Mas matapang at malakas lang talaga siya kaya walang nagawa 'yong lalaki. Ayaw na rin sigurong patulan no'ng lalaki pero siguro, hindi lang niya talaga kaya, tapos ang usapan.

It Started with a McFLOATNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ