"Alam mo, insan, minsan lang may ganyang offer, I-take n'yo na, all expenses paid ba?" Payo ko sa kanya pero siyempre, buhay niya 'yan, dapat pag-isipan nang maraming beses.

"Oo," simpleng sagot niya.

"Oh, wala naman pala kayong gastos, eh," pakiramdam ko, konsensiya niya ako na napakakulit.

Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko 'yong usapan namin kagabi ni Insan.

Lumabas na ako ng kwarto, kakatok na sana ako sa kwarto ni Insan Kris pero biglang bumukas 'yong pinto.

"Na-sense kong kakatok ka," sabi niya at ngumiti sa akin.

"B2?" tanong ko at ngumiti rin sa kanya tapos natawa siya sa kalokohan ko.

"Ako nga B1, hay, ang korni, insan, tara nang kumain," yaya niya sa akin.

"Tara," tapos nagtawanan pa kami bago bumaba.

Pinagluto kami ni Tita ng fried rice, hotdog, sunny side up eggs, at bacon.

Naks, pang mayaman, naka-bacon. Natawa ako sa isip ko, napapadalas yata. Pagkatapos naming kumain ay siyempre nag-toothbrush tapos nagpaalam kay Tita at lumabas na kami. Wala siyang kotse kaya sa kotse ko kami sasakay. Rich kid ako eh. Sasarhan ko na sana 'yong gate pero may biglang lumapit sa'kin.

"Sulat po," sabi ng isang lalaki kaya naman napalingon ako.

"Ah, okay," simpleng sagot ko.

"Pa-sign na lang po rito," hindi naman siya mukhang kartero pero sige, sulat daw eh.

"Ah, sige," sabi ko na lang din sa kanya.

Sulat? May sumulat sa'kin? Tiningnan ko 'yong sulat, ah este 'yong likod ng envelope tapos binasa ko.

"To: Christian Paolo Villonco,"

Walang return address? Secret admirer? Puwede... sino naman kaya? Sus! baka naman isa sa mga exes ko na gusto makipagbalikan, pwe!

"Insan, tara na at baka ma-late tayo," sabi ni Insan na kasalukuyan ng nasa loob ng sasakyan.

Isinara ko na ang gate tapos lumakad na papunta sa sasakyan. Mamaya ko na lang babasahin itong sulat at baka nga mahuli pa kami, first day ko pa naman sa trabaho.

Sumakay na nga ako sa driver seat, bumiyahe na kami at maya-maya ay nakarating na kami sa building ng Brilliant Pages.

"Good morning, Sir," bati ng isang babae kay Insan tapos ngumiti.

"Good morning!" sagot ni Insan.

Naks! Respetado si Insan dito. Nae-excite tuloy akong maging CEO. 'Yong tipong tatabi lahat tapos nakatungo sabay SGs ang kasabay sa elevator, ang angas!

Sumakay kami sa elevator at marami kaming kasabay. Ganito siguro talaga kapag umaga. Corporate attire ang suot ko ngayon.

Siyempre, pormal dapat dahil trabaho na ito. Kahit trainee pa lang ako, pasasaan ba ay doon din ang punta.

Halos lahat ng nakikita ko, naka-coat at tie, mayroon din na naka-long sleeves tapos ang mga babae, naka-skirt at blouse. Maraming maganda rito pero siyempre, walang tatalo sa ganda ng Mojow ko.

Nakarating din sa 9th floor, lumabas kami ng elevator, marami kaming kasabay na bumaba rin sa floor na ito. Akala ko nga ganito ka-boring sa corporate world pero may naririnig akong interesante sa kabilang elevator.

"Umagang umaga, pinapainit mo ang ulo ko, manyak ka! Tinatawag mo ba ang kamatayan mo?" sigaw ng isang babae na lumabas ng elevator na ipit sa braso ang leeg ng isang lalaki. Nanlaki ang singkit kong mga mata sa nakikita ko, grabe!

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now