"Ay, s'ya pala 'yong girl?"
"Mukhang s'ya nga! Suwerte naman!"
Yeah I know! Wala eh, sa akin nahumaling, wala akong magagawa r'yan.
"Tss... mas maganda naman tayo d'yan eh."
Aba, teka! Ano'ng sabi niya? Sige lang, push mo 'yan.
"Ang dami mo na agad fans sa likuran ko," pagbibigay alam ko sa kanya at para na rin ma-distract sa naririnig ko. Napatingin sa kanila si Cee, malamang ay narinig niya 'yong mga sinasabi no'ng mga babae kasi naging seryoso bigla ang mukha niya.
"Hayaan mo sila," pag-aalo ko naman at baka kung ano pang gawin.
"Tsk, mas maganda ako d'yan," naririnig ko pa rin talaga. Naku, naman! Ayaw pang tumigil! Aba talagang, kailangan paulit-ulit?
"Teka lang, Mojow," tumayo siya at lumapit sa mga babae. Narinig ko 'yong bulungan nila na sobrang excited. Landi-landi rin 'pag may time? Ganoon ba?
"Hi, girls!" panimula niya.
"Hi, pogi!"
"Ah, ano kasi, gusto ko lang sabihin na may kanya-kanya naman kayo ng ganda eh, dumedepende na sa magandang ugali para balanse, pakibalanse, ha? Hindi ko kayo ino-offend, payo lang, sige, bye!" Halata sa tono niya ang sarcasm.
Natulala silang lahat at natahimik sa nangyari. Ano kayo ngayon? pagkatapos niyang gawin 'yon ay bumalik na siya sa tabi ko.
"Salamat, Cee," sabi ko sabay ngiti sa kanya. Sincere ang ngiti kong 'yon dahil pakiramdam ko ay iniligtas ako ni ironman na ang nag-iisang plan ay attack.
"Kung may magsasabing merong mas maganda sa'yo, ako lang ang may karapatan," bawi niya. Alam ko naman na babawi siya. Ay, naku! Ganyan 'yan!
"CEEra ulo!" pang-aasar ko pero nangingibabaw pa rin ang tuwa.
Maya-maya ay nagkayayaan ng umuwi. Si Cee na naghatid sa akin dahil busy si Philip sa business niya.
Nang gabing 'yon ay bumalik sa isip ko lahat ng nangyari buong araw. 'Yong puso ko parang naninimbang na sa kanilang dalawa. Hay... magulo basta.
Makatulog na nga.
CEE
Linggo na!
"Good afternoon po, tita," bati ko nang pumasok sa bahay nina Mojow at abutan si Tita na nasa kusina.
"Good afternoon, Cee," sagot naman niya sa akin kasunod ang isang ngiti.
Ang sweet talaga ni Tita sa akin, parang si Mommy lang din.
"Si Mojow po kaya?" kasalukuyan siyang may hinahalo sa kawali. Ang sarap ng amoy.
"Ah, nagbibihis na, sisimba raw kayo?" pag-uusisa niya.
"Opo," sagot ko naman.
Hindi nagtagal ay bumaba na rin si Mojow mula sa kuwarto. Naka-jeans siya, doll shoes at collared red shirt. Parang matic na dapat ko siyang asarin about it.
"Birthday mo?" tanong ko sa kanya. Alam na! Natatawa ako pero pinipigil ko.
"Ha?" tapos napatingin siya sa kanyang suot, malamang nag-loading pa sa kanya 'yong joke.
"Heh, feel ko lang mag-red para suwerte," dagdag niya sa sinabi. Halata sa tono ang pagdepensa sa sarili.
"Sus, suwerte ka na naman eh, 'di mo na kailangan 'yan, kasama mo kaya ako," aba totoo naman! sino'ng hindi se-suwertehin kung ganito kahambog ang makakasama mo?
"Kailan ka kaya titigil sa pagka-vain mo, ano?" alam naman niya ang sagot pero tinatanong pa rin.
"Kapag hindi na sumikat ang araw," natatawa ako pero malamang seryoso rin ako.
"So, imposible?" makulit siya, ha? Hindi siya nag-iisa!
"Parang gano'n na nga," I mean it dahil sabi nga nila, vanity is equals to Cee and Cee to vanity.
"Hay, ang odd mo, tara na nga," sabi niya at mukhang naumay na sa akin.
Paglabas namin ng bahay nila ay naglakad kami papuntang simbahan, nabara pa akong bingi nang sinabi niya na maglalakad kami imbis na sasakay sa sasakyan ko.
Nakarating kami ng sakto sa oras sa simbahan at mabuti hindi kami late dahil may naupuan pa kami.
"Uy, Mojow, may tanong ako sa'yo," pang-aabala ko sa kanya na alam kong mali dahil nasa simbahan kami pero hindi na makapaghihintay eh.
"Ano 'yon?" tanong naman niya.
"Bakit ka sumisimba?" curious lang talaga ako sa isasagot niya.
"Para magpasalamat sa Diyos para sa lahat, ikaw?" sagot niya sa akin. Generic answer pero totoo naman.
"Gano'n din, pero ikaw naman lagi ang laman ng mga dasal ko," which is based on facts.
"Ano naman ang ipinagdarasal mo tungkol sa'kin?" halata sa mukha niya ang koryosidad.
"Ipinagdadasal ko na sana lagi kang masaya at safe," bunyag ko sa kanya ng mga dalangin ko.
Hindi na ako nagulat nang mapangiti siya sa sinabi ko dahil kahit ako ang sabihan noon ay ganoon din ang magiging reaksyon ko at isa pa, nakakaaliw ang ngiti niya, nakaka-good vibes.
Naku, boss God, sana huwag nang matapos ang kasiyahan na ito. Ang cheesy man pakinggan pero kinikilig ako sa ngiti niya, para akong kinikiliti.
"Weee! Emote!" minsan na nga lang maging seryoso, nabasag pa ako. Ito talagang mahal ko oh, wala ng pag-asa. 'Wag kang mag-alala, kahit ganyan ka, ayos lang.
Lumipas ang ilang minuto at mga kanta sa misa hanggang sa Ama Namin na 'yong kakantahin.
Nagkatinginan kami at sabay tumingin sa kamay namin tapos naghawak kamay kami. Boss! Sana huwag nang matapos ang Ama Namin. Natawa na lang ako sa isip ko. Favorite part ko na ito ng misa.
Pagkatapos ng kantang 'yon ay nagkangitian kami. Ang ganda talaga ng Mojow ko!
Boss! Ikaw na bahala sa akin bukas, ha? Huwag mong pababayaan si Mojow habang nasa trabaho ako. Hindi ko na siya mababantayan tulad ng dati pero siyempre, pupunta pa rin naman ako sa kanila. Basta alam mo na 'yon. Sana sagutin na niya ako, how I wish.
--
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 32
Start from the beginning
