Napatingin siya kay Cee at nakita ang seryoso nitong mukha na alam ko naman na joke time lang. Kailan ba naman nagseryoso 'yan eh number one loko ang isang 'yan?
"Joke lang, bro," sabi ni Mikel dahil akala niya ay totoo talaga.
Hindi siya nagsalita, seryoso lang ang peg?
"May request ka ba?" tanong ni Kris sa akin at siyempre, isa lang ang laging nasa isip ko.
"Ah, 'yong 'I just want you' ni Aj Rafael, alam mo ba 'yon?" tanong ko naman sa kanya, just to make sure na alam niya dahil kung hindi ay babaguhin ko.
"Ah, oo, alam ko, nice choice," sabi niya kasabay ang isang ngiti. Nakikita ko tuloy 'yong pagkakahawig nila ni Cee.
Pagbalik nila sa stage ay sumama nga ang CEEra, kaloka! Akala ko ay nagbibiro lang kanina.
"Good evening uli, guys. Kami ang Forget Me Not," sabi ni Kris bilang vocalist ng banda.
Tapos may mga babaeng nagsigawan sa may likuran, mukhang mga fans nila.
"We love you, Forget Me Not!" sabay-sabay nilang sigaw, may kasama pang iritan sa dulo.
"We love you, too," sagot naman ni Mikel mula sa likuran ng drumset.
Kaya lalong nagtilian 'yong mga babae.
"Ah, may makiki-jam nga pala sa amin tonight, 'yong pinsan ko, si Cee," pakilala sa kanya ni Kris.
Eh 'di lumapit naman si Cee sa may mikropono. Nagtilian na naman 'yong mga babae nang makita ang pinsan ni Kris sa tabi nito.
"Hala, ang gwapo!"
"May girlfriend kaya siya?"
"Ang hot! Parang si Kris lang din. Grabe! It runs in their blood. Nakakabuhay ng katawang lupa."
"Tumahimik nga kayo, magsisimula na," sabi naman ng isang customer na hindi parte ng fans club nila. Malamang ay nabibingi na sa kanilang ingay, ako naman ay chill lang.
Grabe, may instant fans na agad si Cee eh ni hindi pa nga siya kumakanta. Patay kayo kapag kumanta na 'yan dahil siguradong malalaglag ang mga panty ninyo.
Based on experience? Hindi ah, naka-belt ang panty ko, ano raw? Natawa na lang ako sa isip ko. Kung ano-ano kasing naiisip. Eh 'di 'yon nga, nag-intro pa siya bago pa man kumanta.
"Hello, dine-dedicate ko nga pala itong kakantahin ko sa pinakamasungit na taong kilala ko..." sabi ni Cee tapos tumawa pa. Ang lokong ito, pinagti-trip-an na naman ako.
"Joke lang! Kahit ang sungit mo, ang taray pa eh, mahal kita," napangiti ako pero hindi ko masyadong ipinahalata pero deep inside, cirque de soleil na ang peg, whatever the spelling is.
"May girlfriend na?"
"Meron na yata, sayang naman!"
"Masungit daw eh, sa 'kin na lang s'ya, mabait ako."
Wala eh, gano'n talaga! Sorry na lang kayo pero ako 'yon. Napangiti naman ako sa pinagsasabi ni Cee, simple but sweet, I like it.
Tumugtog na ang banda at kumanta na siya. Hindi pa rin tumigil sa kaco-comment 'yong mga babaeng nasa likuran ko, medyo annoying na sila sa ingay.
"Nakaka-inlove naman ang boses niya!"
"Sinabi mo pa."
Pagkatapos kumanta ni Cee sa stage ay dumeretso siya sa table namin.
"Ano? Ayos ba?" tanong niya sa akin na seryoso ang mukha pero halata ang saya sa mata.
"Oo, naman," sagot ko sa kanyang tanong.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 32
Start from the beginning
