Maya-maya ay may tumugtog na sa stage. Pag lingon ko, may nakita akong pamilyar na mukha.
"Uy, sina Kris 'yon ah," sabi ko kay Cee. Na-excite naman ako bigla dahil first time ko silang mapanonood.
"Oo, nga ano," sabi niya at tumingin na rin sa direksyon kung nasaan ang kanyang pinsan.
Kasalukuyan silang tumutugtog ng kanta by Callalily na HKM. Magaling palang kumanta itong si Kris, parang si Cee lang. Eh di sila na nga ang nasa dugo ang musicality.
"Ikaw ha, Joan, may lihim ka," sabi ng aking konsensya. Konsensiya talaga?
"Oy, wala ah," sagot ko naman kahit hindi 'yon tanong, depensa lang ba.
Baliw lang ang peg ko? Natawa na lang ako sa isip ko.
Siya nga pala, sunod-sunod na 'yong mga kanta nina Kris at kasama sa set nila ang 'I don't wanna miss a thing' na isang lumang kantang nakalimutan ko kung sino ang kumanta at 'yong 'She was mine' ni Aj Rafael.
"Ngayon ko na lang uli napanood si Insan sa stage," halata ang paghanga sa boses.
"In fairness, magaling sila as a band at magaling si Kris na vocalist," pagpuri ko.
"Mas magaling pa sa 'kin?" tanong niya at may pagtingin pa talaga.
"Oo naman," sabi ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang mata.
Tingnan natin ang magiging reaksyon ng vain na ito sa sagot ko.
"Ah, gano'n, ha? Teka lang," bigla ba naman siyang tumayo.
"Oh, pasaan ka?" tanong ko at hawak sa kaliwang pulso niya gamit ang kanan kong kamay.
"Sa stage, kakanta, mas magaling pala, ha? Watch and learn, Mojow," sabi niya sa akin kaya binitiwan ko na ang kanyang pulso.
"Seryoso?" tanong ko pa rin dahil baka naman joke time lang ito.
"Oo," ngumiti pa siya sa akin. Hindi na naman makita 'yong mata niya sa sobrang pagngiti.
"Tampo agad, CEEra ulo?" tanong ko sa kanya nang makalakad siya nang kaunti pero bumalik din sa tabi ko.
"Hindi, ayaw mo bang kiligin ngayon?" pang-aasar niya habang magkatitigan kami. Alam ko na 'yang mga ganyang style, naku!
"Lumayas ka na nga," tinulak ko siya nang mahina palayo.
Ganyan lang kami magmahalan n'yan. Magmahalan talaga? Ooops! Erase, erase.
Ang ibig kong sabihin, ganyan lang talaga kami magturingan. 'Yon talaga ang ibig kong sabihin.
Maya-maya ay bumalik na siya kasama si Kris pati ang isa pang lalaki.
"Hi, Joan, kumusta?" bati sa akin ni Kris ng makaupo.
"Ayos naman, ang galing mo kanina," pagpuri ko sa kanya at hindi siopao 'yon dahil totoo ang sinasabi ko.
"Uy, salamat, siya nga pala, ito si Mikel, drummer namin," pakilala niya sa kasama.
"Hi, Mikel!" bati ko.
"Chicks! Hello," sabi niya sa akin at nakipagkamay sabay tawa.
Natawa na lang ako sa sinabi niya kasi ibig lang sabihin no'n, nagandahan siya sa akin. Nakatutuwa lang isipin.
"Ehem," singit naman ni Cee.
"Bro, pass ka d'yan, kay insan 'yan," sabi ni Kris kay Mikel.
BẠN ĐANG ĐỌC
It Started with a McFLOAT
Lãng mạnNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 32
Bắt đầu từ đầu
