Napagala tuloy ang mata ko sa paligid. Nakita ko si Mike, 'yong pinsan ni Philip na nandoon sa may bar at umiinom ng alak habang may kausap na babae. Nakatalikod 'yong babae kaya hindi ko alam kung sino pero mukhang seryoso ang usapan nila.

May nagse-set up na sa stage kaya malamang ay may tutugtog na maya-maya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay may dumating ng pagkain sa table namin pero hindi pa rin tapos si Cee sa kausap niya, whoever that is.

"Ma'am, pinadala po ni Sir Philip," sabi ng crew at inilapag na sa lamesa ang dalang pagkain.

"Paki sabi salamat," paalala ko naman dito.

"Sige po, Ma'am," sagot niya at ngumiti nang matamis, pagkatapos ay umalis na rin dala ang tray ng pinaglagyan ng pagkain.

Grabe gutom na ako! puwede na bang kumain? Lumingon ako kay Cee at hindi pa rin siya tapos sa kausap niya.

Napatingin na lang ako sa pagkain, Serenity stuffed burger pala ito tapos may side dish na fries with iced tea, pahingi lang ng isang fries. Gutom na talaga ako. Ang tagal naman ni Cee na bumalik.

Isusubo ko na sana 'yong isang pirasong fries kaya lang...

"Mojow, hindi mo na ako mahintay?" tanong niya at hindi ko napansin na nakabalik na pala siya sa sobrang focus sa pagkain.

"Ah, ang tagal mo kasi e," sagot ko na medyo guilty sa sitwasyon.

"Saglit lang ako nawala, na-miss mo na agad ako, ikaw talaga," pang-aasar niya.

Eh ang totoo naman ay gutom na talaga ako, 'yon naman talaga eh!

"Tse!" sigaw ko sa kanya, nakaiinis kasi! nakuha pang magbiro kitang gutom na sabi ako. Nakailang sabi na ba ako? Hindi pa ba obvious?

Umupo na uli siya sa tabi ko. Hindi pa siya mapakali pero busy ako sa pagna-napkin ng burger kaya bahala siya.

"Uy, may good news ako," sabi niya sa akin.

"Hindi ka na vain?" pambabara ko nang hindi ako nakatingin sa kanya, nilalagyan ko kasi ng ketchup 'yong burger ko.

"Ha? Labo!" sagot niya na wari ba ay naguluhan pa pero hindi naman talaga.

"Baliw!" sabi ko sabay subo ng isang piraso ng fries matapos kong isawsaw sa ketchup na nasa platito.

"May trabaho na ko," simpleng sabi niya. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya dahil busy ako.

"Buti may tumanggap sa'yo," sabi ko at tuluyan na ngang kumagat sa burger.

"Sa gwapo kong ito, malabong wala, Mojow," kaumayan! Pahingi ng atsara!

"Gutom lang 'yan, kumain ka na. Teka, saang company ba?" tumingin na ako sa kanya habang ngumunguya.

"Brilliant pages, do'n sa company na pinagtatrabahuhan ni Insan Kris," sabi niya at sumubo ng fries.

"Ah, ayos ah. Kailan daw ang start mo?" kumuha uli ako ng fries at isinawsaw sa ketchup.

"Lunes na agad," sagot niya habang nilalagyan ng ketchup ang kanyang burger.

"Nice, good luck," sabi ko naman sa kanya kahit nakabubuwisit siya.

"Salamat," halata ang sinseridad sa kanyang tono.

"Kumain muna tayo, galit-galit muna," biro ko at ngumiti naman siya.

"Sige."

Kumain na nga kami, masarap talaga ang pagkain dito sa Serenity, the best. Libre pa kaya lalong masarap.

It Started with a McFLOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon