"Ayos na sa akin kahit pakain lang," simpleng sabi ko tapos tumawa pa ako.

"Ang takaw mo, Mojow!" pang-aasar ni Cee habang inaayos ng hair stylist ang buhok niya.

"Ipagsigawan ba?" pagsaway ko pero natatawa rin talaga.

"I'll order food," sabi naman ni Philip na wala yatang bilib sa kapatid.

"We have loads of food, don't worry, guys," sabi ni Phoebe na bigla na lang sumulpot sa kuwarto namin.

"We can't see any food here," angal ng Kuya niya na parang nagugutom na rin tulad ko.

"It's in the pool side 'ya know, kuya," sagot ni Phoebe nang pabalang.

"'Yon naman pala," sabat ko naman sa usapan nila.

"Mamaya ka na kumain, Mojow," pang-aasar pa rin ni Cee sabay tawa nang malakas.

"Makatawa ka naman wagas, hindi naman ako PG," depensa ko sa sarili ko kasi inaapi ako ng isang ito. Maka-inaapi naman wagas din? Ah, ewan!

"What is PG?" tanong ni Philip na para bang lost na lost sa usapan namin. Ay, may kasama nga pala kaming hindi well-versed sa Filipino.

"Patay gutom," sinagot ko naman agad ang tanong niya.

"Pre, she's like a beggar, walang makain," paliwanag naman ng isa sa kanya.

"May pag-explain talaga, Cee?" tanong ko kaya tumawa na naman siya. Ay, ang saya niya, oh! Insert 1000 sarcasms here.

"Tinatanong ah," depensa niya.

"Miss Phoebe, may naghahanap po kay Sir Philip sa labas," sabi ng isang staff niya na halata mo na isang mahiyaing tao.

"Who?" tanong naman ni Philip.

"Mr. Mike Pierro daw po," sagot no'ng staff.

"Mike's here?" tanong ni Philip na halatang na-surprise sa narinig na pangalan.

"Aparisyon lang?" bulong ni Cee sa akin.

"Cee, ang gulo mo, 'wag masyado maingay, aba, sssh," saway ko sa makulit na ito.

"Let him in, thanks," sabi ni Philip do'n sa staff na pumasok at nag-report.

Maya-maya ay kasama na namin 'yong pinag-uusapan nila na Mike. Tumayo pa si Philip para salubungin siya. Halata sa kilos niya na malapit sila sa isa't isa.

"Man, what's up?" bati no'ng Mike sa kanya tapos may half hug pa.

"Good, man, why are you here? You didn't tell me that you're going to visit," sagot naman ni Philip sa kausap.

Grabe! Dumudugo ang ilong ko! Pahingi ng dictionary! Belle, I need you here, pa-translate.

"It's actually a surprise, man, I can't tell you, it'll defeat the purpose. Well, honestly, I'm bored back home, so I visited you guys here," pag-amin naman ni alyas Mike kay Philip. Parang kriminal lang ang peg?

"Nice! We can hang-out then," sabi naman ni Philip na halatang napuno ng excitement.

"Introduce me to girls, man. That's the real reason of my visit," natawa naman si Philip sa kanya.

"You're crazy!" sagot naman niya rito pero mukhang seryoso rin talaga si Mike.

Naririnig ko ang palitan nila ng mga salita no'ng Mike mula sa hindi kalayuan tapos maya-maya ay lumapit na sila sa amin.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now