"Vain!" sigaw ko sa kanya pero pabiro lang, siyempre.
"Crush mo naman," pang-aasar niya.
"Tse! Crush ka d'yan," sagot ko.
Hindi nga ba? Hala! Ano ba 'yong konsensya ko nang-iintriga na rin? 'Pag ganito nga naman ang manliligaw mo, oo, nakaka-CEEra ng ulo.
Lumipas ang ilang oras, hindi namin namalayan, maggagabi na pala. Ang kulit kasi ni Cee. Hambog pero nakatatawa. Magkasama na rin naming kinain 'yong ginawa niyang cookies.
"Tara, kain tayo," sabi ni Cee tapos tumayo na para bang hindi kauubos lang no'ng cookies.
"Saan?" tanong ko at tumayo na rin.
"Sa lugar kung saan tayo unang nagkita," ang drama niya pramis pero gutom na rin kasi ako eh kaya okay, fine. Walang hiyang cookies, lalo akong nagutom.
"Sige, tara na," sabi ko sa kanya agad.
Um-order kami, tapos ang dami niyang in-order! Balak yata akong bundatin nito!
"Mojow, puwedeng magtanong?" nakakakaba naman 'yong tanong niya. Parang mapupunta sa isang awkward talk. Oh, please, no.
"Oo, naman, ano ba 'yon?" sabi ko naman casually.
"May nagugustuhan ka na ba sa amin ni Philip?" prangkang tanong niya.
Medyo awkward 'yong tanong niya. Sinasabi ko na nga ba pero wala namang masama sa tanong na 'yon. Doon din naman kasi ang punta ng lahat.
"Ah, eh, oo, parehas ko naman kasi kayong gusto, ang cool n'yo kaya parehas," safe kong sagot, naguguluhan pa kasi ako eh. Pero totoo naman na cool silang parehas in their own ways.
"Ah, puwede ba 'yon? Oh, well, maiba ako, palagay ko, malapit na akong magkatrabaho," sabi niya tapos ngumiti nang matamis sa akin na bakas ang excitement.
"Talaga? Wow, congrats," sincere ko namang bati sa kanya dahil alam kong excited na siya.
"Salamat, early treat ko na rin ito sa'yo," sabi pa niya at sumubo ng ilang piraso ng fries.
"Kaya naman pala ang dami mong in-order," sabi ko habang ko habang tinuturo ang mga pagkain sa lamesa.
Sa araw ng photoshoot, nasa isang hotel kami, maganda ang view rito kaya ito ang location at isa pa, kina Phoebe ito.
Anyway, ang daming staff ni Phoebe, may mga taga dala ng mga damit, may mga hair and make-up artist at fashion stylist, may mga photographers, may mga PA pa na nag-a-assist sa amin tapos may iba pang mga models. Nasa hotel suit kami ngayon at nilalapatan ng make-up.
"Mukhang magiging maganda itong photoshoot na 'to," sabi ko sa hangin.
Eh kasi mukhang mga professional talaga 'yong mga tao sa paligid namin. Weird nga kasi sa batang edad ni Phoebe, hindi ko naisip na posible pala na makapag-produce siya ng ganitong klase ng photoshoot. Mukhang nagkamali nga ako ng naisip.
"Oo naman, tayo ba naman ang model, ano nga, pre?" sabi ni Cee kay Philip.
"Yeah, that's right, dude," sagot naman ni Philip na ngumiti sa amin ni Cee.
"Ang ve-vain n'yo, suportahan na lang natin si Phoebe sa gusto niya," banat ko naman sa kanila.
"Yeah, that's what we're doing," sagot ni Philip na hindi ko mawari kung bakit hindi mapakali.
"Oo nga naman, Mojow, uy, may talent fee ba 'to?" bulong ni Cee sa amin.
"She should have funds for it, we are busy people you know," sabi ni Philip na sinang-ayunan naman ni Cee.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 31
Start from the beginning
