Pero dumating kasi 'yong punto na iniisip na kita palagi. Tapos lagi pa akong napapatitig sa'yo. Na-weirdohan nga ako sa sarili ko. Pati sa sarili ko na-deny ko na may gusto ako sa'yo.
Tapos napansin ko na lang isang araw na tinitingnan ko na 'yong picture mo sa phone ko. Oo, may picture ka sa akin, no'ng nasa mine's view tayo.
Gusto na rin kita lagi makita dahil 'yon ang bumubuo sa araw ko. 'Yong mga ngiti mo ang isa sa nagpapasaya sa akin. Lahat ng nasa paligid natin, nahahalata na, samantalang ako, wala, ayaw kong aminin na may gusto ako sa babaeng amazona na nakapagpabago sa akin.
Inlove ka na naman sa akin, ano? Dahil kinantahan na naman kita. Ops, teka, baka magsalubong na naman 'yang kilay mo. Joke lang! HAHAHA! Mas maganda ka kapag nakangiti, Mojow, ganyan ka dapat lagi. Kinikilig na 'yan! Baka ma-inlove ka rin sa cookies na ginawa ko, ha? Mabuti 'yan. HAHAHA! Salamat din sa'yo dahil napilitan akong matutong magluto. Oh, hanggang dito na lang.
From:
ME
Eh 'di ayon nga, napapangiti na lang ako sa mga nabasa ko. May kasama pa kasing reminiscing. Alam mo 'yon, bigla tuloy akong napaisip kapag dumating na 'yong panahon na kailangan ko nang pumili sa kanilang dalawa. Siyempre hindi naman puwedeng habambuhay nanliligaw sila sa akin. Hindi ba?
"Alam mo mas malala pa ang pagka-vain mo sa sulat," sabi ko.
Tumawa lang siya at halata sa kanyang tawa na relieved siya, eh siguro dahil naparating niya sa akin ang gustong iparating.
"Pero salamat talaga sa lahat ng ginawa mo para sa akin today, napasaya mo talaga ako," sabi ko naman at totoo 'yon. Para akong reyna na talo pa ang may korona sa sobrang effort nila today.
"Sapat na 'yon galing sa'yo," sagot niya sa akin at ngumiti lang uli.
Ngumiti rin naman ako sa kanya, mukhang mga baliw.
"Teka ano'ng balak mo sa lahat ng mga bulaklak na 'yan?" tanong niya sa akin at napaisip naman ako agad.
"Hindi ko nga alam eh," pag-amin ko naman sa kanya.
"Ibenta mo, magkakapera ka pa," pagbibigay niya ng suggestion.
"CEEra, regalo sa akin 'yan, ibebenta ko? Kung ibenta ko kaya itong bracelet na 'to?"
Ang sinasabi ko ay 'yong bracelet na ibinigay niya sa akin. Aba, 50k din 'yon. Siyempre, nagbibiro lang naman ako.
"Siya nga pala, nag-text sa akin si Phoebe kanina," pagshe-share ko sa kanya.
"Oh, ano'ng sabi?" tanong naman niya na halatang curious sa sinabi ng bata sa kabilang bahay.
"Sa sabado na raw ang photoshoot para sa business niya, sabihin ko na rin daw sa'yo," sabi ko naman sa kanya. Eh kasi parehas niya kaming ini-invite para sa photoshoot. Grabe naman kasi ang paghanga no'n kay Cee, abot langit! Kaya lalong nagiging vain eh.
"Ah, sige, ayos 'yan ah, sasama ako. Baka hindi mo nalalaman Mojow, model ako," sabi niya then nagpo-pose nang random na akala mo ay model ng underwear.
"Talaga?" sige patulan natin ang CEEra ulo.
"Oo, kaya," sabi naman niya at nagpo-pose pa ng kung ano-ano. Mukha na siyang engot, pramis.
"Model ng ano?" finally tinanong ko na dahil alam ko naman na roon din ang punta ng usapan na ito.
"Model ng tocino!" sabi niya tapos bumuhakhak ba naman ng tawa. Baliw talaga!
"P'wede, bagay," pagpatol ko naman sa kalokohan niya at natawa rin talaga ako.
"Makasang-ayon ka naman d'yan. If I know, akala mo, totoo dahil mukha naman talaga akong model," bawi niya, and to be honest, akala ko nga ay may experience na siya sa modeling kasi nasa mukha naman at height.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 31
Start from the beginning
