"Swerte mo naman ate, ang gwapo ng boyfriend mo, afam pa," sabi ng ate sa cashier.

"Ah... 'di ko-"

"Joan?"

"Kuyang pogi, may order ka pa? 2 lugaw with egg lang in-order ng girlfriend mo eh."

"Girlfriend?" ngumiti siya sa akin.

"Ah... yeah, my girlfriend, plus 2 bottles of water," sabi niya.

Sasabihin ko sana na nag-English siya pero hinayaan ko na at baka nahiya na Tagalog way of speaking niya. Asarin ko kaya na mag-Filipino classes?

Patawa-tawa pa siya dahil sa girlfriend thing. Naku naman 'to! Akala pa nga ni ate a in a relationship kami! Nakatatawa naman dahil nakatitig siya sa amin.

"Bagay kayo ate at kuya," sabi niya.

"Ate, padala lang no'ng order namin do'n, ito ang bayad, oh," sabay abot ng saktong amount.

"Ay, may promo kami ngayon eh. Buy one, take one, dahil Valentine's day," wow! Talaga ba?

"Ah, hi-"

"Ah, thanks, let's go, babe," sabi ni Philip sabay hawak sa balikat ko papunta sa isang table.

"Babe, ha?" natawa na lang din siya sa sinabi niya.

"One is free, so, let's take it," sabi niya tapos tumawa. Natuwa na naman ako sa kanya dahil gusto rin niya ng libre. At tsaka, siya naman ang nagbayad sa street food kanina.

Well tama naman siya, wala namang mawawala kung magpapanggap kami nang kaunting oras eh araw naman ng mga puso.

"Oh, siya, sige na nga,"

Dumating na ang order namin, nabanggit niya sa akin 'yong plano ni Phoebe na gawin kaming model para sa kanyang online shop. Nakatatawa ang expressions niya habang nagkukuwento sa akin. Pagkatapos no'n ay sumakay na uli kami sa sasakyan at inihatid ako sa bahay.

"Hope you liked what we did today," sabi niya at nakalimutan na yata ang usapan namin.

"Ops, Tagalog," pagpapaalala ko sabay tawa.

"Ang sabee kow, sana natoowa ka sa mga geenawa nateen ngayoon," ang cute talaga mag-tagalog!

Ako personally, natuwa ako dahil hindi ko akalain na gano'n siya ka-game sa mga naisip kong gawin namin.

"Oo, naman," sagot ko at nginitian siya.

"Happy Valentine's day, Joan," binati uli niya ako.

"Salamat sa pagiging sport mo, Happy Valentine's day rin," sabi ko sa kanya at bumaba na ng sasakyan.

Pagpasok ko sa gate ng bahay namin ay parang may iba akong naamoy mula sa loob. Pagpasok ko ay nagtambak sa buong bahay ang bungkos-bungkos ng iba't ibang kulay ng rosas. Napangiti naman ako dahil alam ko na galing ito sa kanya. Tapos biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko agad sa bag.

"Oh, Philip?" kakahiwalay lang namin e tumawag agad siya.

(You liked the flowers?)

"Oo! Grabe ka naman, p'wede na akong magtayo ng flower shop," biro ko, tapos tumawa siya.

(They say that flowers are girls' weakness so, I'm giving you flowers.)

Ang sweet ng ginawa niya, in fairness. Pero ewan ko ba, hindi ako mahilig sa flowers. Mas weakness ko pa ang sweets. 'Yong parang cookies, aba teka, Joan, parang may favoritism ka yata.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now