"Isaw... masarap 'to, isasawsaw mo sa suka tapos sa sauce, oh dali kain," sabi ko sabay abot sa kanya ng isa.

"This looks like an intestine," sabi niya na para bang umuurong na ang dila. Ewan ko lang kung kumain siya eh sa itsura niya ngayon parang hindi kaya.

"Exactly, pero intestine naman 'yan ng manok. Try mo lang pero kung ayaw mo, okay lang," sabi ko at alam ko na nakatingin siya sa akin. Narinig ko pa na napabuntong hininga siya. I felt guilty nang kaunti pero ito ang gusto niya, hindi ba?

Sumawsaw siya sa suka tapos sa sauce. Tapos susubo na siya pero may tinanong muna bago gawin 'yon.

"Is this clean?" Ah, 'yon naman pala ang problema niya, kung malinis. Aba, kahit pa madumi 'yan, masarap naman, natawa tuloy ako sa isip ko.

"Manong kung malinis daw ang isaw mo?" tanong ko kay Manong at agad naman itong sumagot.

"Very clean, misis ko pa ang naghugas at nagtuhog n'yan," alam ko naman na malinis ito kasi halata naman kay Manong na organize siya sa gamit dito sa kanyang cart.

"Oh, kita mo na, kain na," sabi ko. Nape-pressure ko pa yata siya, my bad pero ang priceless ng expression niya kaya worth it naman.

"Erm, sure," sabi niya at sumubo na ng isaw.

"At teka, English free ka today, okay?" gusto ko talaga siyang subukan.

"Seriously?" tanong niya habang ngumunguya ng kinagat niyang isaw.

"I'm the boss, right?" tapos nginitian ko siya.

"Seege, subookan kow magtuhgulowg," sabi niya. Nakakaaliw siyang magtagalog, bakwit!

"Good," sabi ko. Hindi kaya siya napipikon sa mga pinapagawa ko sa kanya?

"Kapag nagtuhguhlowg ka reen nang buo,"

"Sige ba,"

"Ang ibeeg ko sahbeeheen ay meserap 'to,"

"Gusto mo pa? Ito oh," inabutan ko pa siya ng ilang piraso.

"Eto naman kwek-kwek, may itlog sa loob, subukan mo," tinanggap naman niya agad at isinawsaw uli sa sauce tapos suka at kinain.

Nag-enjoy kami sa pagkain ng street food dahil ayos naman pala itong si Philip, kahit mayaman, down-to-earth naman. Napahanga niya ako sa pasensiya niya sa kakulitan ko.

"Saan mo goosto poomoontung soonowd?" tanong niya.

"Sa Mcdo," automatic kong sagot tapos tumango siya at hindi na nagsalita, napagod yata at na-nosebleed.

Sumakay kami sa sasakyan at pumunta kami sa Mcdo. Mali yata ang napili kong lugar dahil ang weird kasi ng feeling na hindi ang maingay at makulit na si Cee ang kasama ko. Dito kasi kami lagi kumakain ng isang 'yon tapos nagkukuwentuhan, nagbubuwisitan din madalas.

"'Wag na kaya tayo dito?" sabi ko bigla.

"Bakeet?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Ang cute niya talaga mag-Tagalog, napapangiti tuloy ako ng wala sa oras.

Ow seege, bakeet kasee pinapaheerupan kow sya! Joke lang, Philip!

"Kumakain ka ba ng lugaw?" tanong ko.

"Dee buh 'pag may suhkit yown?"

"Oo, pero masarap din 'yon pangmeryenda," masarap ang lugaw kahit ano'ng season. Tried and tested lalo na kapag may ka-partner na Spanish bread.

"Tara do'n sa lugawan," pagyaya ko sa kanya kaya tumayo na kami at bumalik sa sasakyan.

Pumunta kami sa lugawan at um-order ng lugaw na may itlog. Pinagtitinginan si Philip ng mga tao dahil ngayon lang yata nakakita ng gwapo.

It Started with a McFLOATOnde histórias criam vida. Descubra agora