"Yes," sabi uli niya.

Hala! May nagawa ba talaga akong labag sa school policy? Teka parang wala naman. Dean's lister pa nga ako last sem, ah... ano kaya ang nagawa kong mali?

"Sir, ano po bang nagawa ko?" hindi ko na napigilan ang sarili ko na itanong sa kanya, kabado na ako sa isasagot niya.

"You made me fall in love with you and that is a serious offense, Ms. dela Vega," sabi niya.

"I made you fall in love lang pala e. Ha? Ano po?" umikot 'yong upuan at humarap sa akin.

"Philip?" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya sa upuan ng dean ko. Aba, ano ito? Walang hiya ka, kinabahan ako!

"Hi, Joan, happy Valentine's day!" sabi niya habang nakaupo pa rin sa upuan ng dean ko.

"Happy Valentine's day rin pero grabe ka! Tinakot mo ako," nakakainis si Philip!

"Sorry, but let's go," sabi niya at hinatak pa ako nang makatayo siya at pumunta sa tabi ko.

"May klase ako," which is a fact, kasasabi ko lang na hindi puwedeng excuse ang araw na ito para um-absent.

"You are excused, I already talked to all your professors today," what? How? Why?

Parang narinig 'yong mga tanong ko, ang weird naman! Paano naman niya napapayag ang mga prof ko eh karamihan sa kanila ay terror pa?

"We owned the school, It's just a little talk you know," Sabi niya at kumindat pa.

"Sa inyo 'to?"

Whoa! Now I know kung bakit siya nandito noon. Hindi nga sila makakaangal kung may-ari ng school ang magre-request. Got that!

"Something like that,"

Wow, siya na nga! Lahat na lang yata sila ang may-ari. Baka pati Royce, sila na rin ang may-ari.

"So, saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Hindi naman siguro kami magba-bar ano? Ang aga pa!

"You'll see," sabi niya at ngumiti pa.

"Ayan ka na naman sa you'll see mo na yan, eh," nakaloloko kasi, ang hilig man-surprise.

"You really wanna know?" Naku, nang-aasar na ang isang ito. Halata sa ngiti niya niyang makulit!

"Oo, naman," suko na ako sa kakulitan niya.

"Somewhere dark, cold and just the two of us," sabi niya nang may mapang-akit na ngiti. Napalunok ako ng laway nang wala sa oras. Ano ba 'yan? Niloloko na naman ako!

"Philip! 'Yan ka na naman!" nahampas ko siya sa braso dahil tinawanan niya ako.

"Ouch! Haha! Nah, I'm just kidding," tumawa na naman siya.

"Ikaw talaga! Tara na!" sabi ko. Naglakad na kami palabas ng school at sumakay sa kotse niya.

"Since it's Valentine's day and you're my Valentine, you are the boss today, where do you want to eat?" seryoso ba siya? Baka hindi niya masabayan ang trip ko sa pagkain.

"Sure ka na ba?" tanong ko na para bang may hindi ako magandang binabalak.

"Yeah, don't tell me we are going to..."

Good luck sa'yo amboy! Try lang, kung kumakain siya ng fishballs, kikiam, kwek-kwek, isaw at kung ano-ano pa. Ito ang lagi kong stop over bago ako umuwi, sa may tapat lang kasi ng school tapos mura pa.

"Kumakain ka nito?" tanong ko sa kanya habang pinapakita ang stick ng isaw.

"What's that?" tanong niya habang nakatingin sa pagkain na parang first time niyang makita sa buong buhay niya.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now