Nang makaupo siya sa driver's seat ay binuksan niya ang makina ng sasakyan at pinatakbo na niya. Maya-maya ay nakarating na kami sa school na pinapasukan ko.
"Uy, susunduin kita mamaya, ha?" Sabi niya.
"Oh, sige," sagot ko tapos bababa na dapat ako ng sasakyan pero hinawakan niya ako sa braso.
"Wait, Mojow," tawag niya kaya napaharap uli ako sa kanya.
"Oh, bakit?" may kinuha siya sa backseat niya tapos inabot sa akin na kahon.
"Ano 'to?" tanong ko habang inililipat ang tingin sa kanya at sa hawak ko.
Heart shaped 'yong kahon tapos may ribbon pa na red sa ibabaw.
"Cookies,"
"Gawa mo?"
"Siyempre," how sweet! Grabe naman sa effort si Cee, nahiya ako bigla dahil wala akong regalo.
"Happy Valentine's, Mojow! Mabuti nang mauna ako kesa maunahan pa 'ko," sambit niya tapos kumindat ba naman ang loko.
"Uy, salamat! Happy Valentine's day rin, Cee, nag-abala ka pa," sabi ko at wini-wish na hindi namumula ang pisngi ko kasi lalo akong mahihiya.
"Hindi ako nag-abala, hindi ka abala at hindi ka magiging abala sa akin," sus! ang arte! Wait, parang ako 'yong maarte?
"Aww... halika nga rito," sabi ko tapos niyakap ko siya. 'Yong tipo ng yakap na pasasalamat. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko sa kanya. Ang hilig niya kasing pangitiin ako. I was grateful.
"Salamat dito, ikaw talaga, CEEra ulo ka, napasaya mo na naman ako," parang naiiyak na ako bigla. Ano bang nangyayari sa akin?
"Walang anuman," bulong niya sa akin, nakayakap pa rin ako sa kanya. Nakatutuwa 'yong mga ganitong tao, sana hindi siya magbago.
"Mojow, t'yansing ka na naman sa akin, huh?" sabi niya uli kaya binitiwan ko na siya.
"Heh! Pasalamat ka, Valentine's day ngayon, mukhang masarap itong cookies kung hindi..." pinutol pa niya 'yong dapat ay sasabihin ko.
"Kung hindi, ano?"
"Wala kang h-hug."
"Ay, anong oras na? Baka ma-late na ako," sabi ko pag-iiba ng usapan.
"Sige, mamaya, ha?"
"Sige, salamat uli,"
Hindi niya hinayaan na bumaba sa kotse niya na hindi hawak ang kamay ko dahil tinulungan niya akong lumabas. Sumosobra na ang Cee na ito sa sweetness!
Dumeretso na ako sa room namin ng first subject, buti at sakto, kararating lang ng prof namin.
"Good morning, Ma'am," sabi namin ng mga kaklase ko.
"Ah, Ms. dela Vega, pinapatawag ka ng dean n'yo sa dean's office,"
"Ma'am, bakit daw po kaya?" tanong ko at biglang kinabahan.
"Hindi sinabi, urgent daw, you may go," sabi niya.
Nagkatinginan 'yong mga kaklase ko kaya napaisip din ako. Bakit kaya? Pero 'yon nga, pumunta pa rin ako. Aba! dean 'yon, hindi dapat pinaghihintay nang matagal.
Pagdating ko sa deans' office ay mukhang busy si Sir sa computer.
"Good morning po, pinatawag n'yo raw po ako?" panimula ko. May nagawa kaya akong mali?
"Yes," sabi niya.
"May problema po ba sa akin?" kinakabahan na talaga ako pero wala akong maisip na posibleng violation ko.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 30
Start from the beginning
