Chapter 2 (The day you said goodnight)

16 4 0
                                    

                            Sav's Pov

Take me as you are
Push me off the road
The sadness
I need this time to be with you
I'm freezing in the sun
I'm burning in the rain
The silence
I'm screaming, calling out your name..

Napahinto ako sa paglalakad at napaharap sa madamdaming kumakanta ng kantang iyon.

It's her again, hindi ko alam bakit pakiramdam ko kilala ko na sya dati, or baka masyado lang ako naistastruck sa ganda nya at sa mga mata nyang malalim at malamig kung tumingin na ani mo dadalin ka sa kawalan.

To be is all I gotta be
And all that I see
And all that I need this time
To me the life you gave me
The day you said goodnight

Muli akong napatitig sa nagmamay ari ng boses na iyon, sya ang bagong Lead Vocalist ng banda na sinalihan dati ng kapatid ko. Napakaganda ng boses nya bagamat husky ang dating at garalgal ay tila kaysarap nito pakinggan at bumabagay sa kantang napili nya damang dama mo ang emosyon na tila ba malaya nyang kinekwento sayo ang nangyari sa kanya, she was wearing a white blouse with black tie, siguro costume nila yon kaya ganon yung datingan, wala syang kaayos ayos ni makeup pero napakaganda at aninag ang ganda nya sa dim na liwanag. Napapitlag ako nang magtama ang mata naming dalawa, at mukang ganon din sya. Naramdaman ko ang bilis na tibok ng puso ko sa titig na yon, pakiramdam ko hinahalukay ako, pakiramdam ko nasasaktan ako at ang mga matang yun lang ang makakapag pakalma sa akin. Sumaglit ko pa syang tinitigan bago nagbawi ng tingin. Hindi ko kaya, Hindi ko kayang patagalin.

"Sav! common dito ang table natin pakikilala kita kay Leigh! yung gwapo na bago hihihi pero akin sya girl kaya umatras ha HAHAHHAHAHA" kinikilig na saad ni Steph nang hilahin ako papunta sa mesa nila.

Tumama ang paningin ko sa lalaking tinutukoy nya, gwapo as in gwapo. Pero hindi nito nakuha ang atensyon ko.

"Leigh this is Savannah kristen Guzman, my best friend the queenbee at ang captain ng volleyball team ng school" may himig ng pagmamalaki sa boses ni steph

"Hi Sav nalang" bati ko at ngumiti nang bahagya, naglahad ng kamay..

Tumingin sya sa akin na ani mo gulat na gulat at nagtataka..

"Ah bakit?" muling tanong ko, dahilan para matauhan sya.
ngumiti ito at kinuha ang kamay ko.

"P-please to meet you pasensya kana sobrang nagandahan lang ako sayo kaya ano, nagloading ako" aniya at ngumiti pagkabawi, ngumiti rin ako at kaagad binawe ang kamay ko, hindi ako sanay pakiramdam ko kasi may mata nakamatyag sa akin.

"Okay lang nasan nga pala yung kasama mong transferree?" kunwaring tanong ko kahit alam ko naman na nasa likod sya at nagrerehearsal, usually kasi hindi sila umaalis don hanggat hindi tapos ang pagtugtog nila. Hindi ko rin alam bakit pakiramdam ko gusto ko uli syang makita kahit pa ganon ang epekto nya sa akin.

"Ah eh part kasi sya ng banda kaya nasa likod sila mamaya pa sya makakasama satin, matutuwa yon pag nakilala ka" nakangiting tugon nya.

"Bakit naman? kilala nya ba ako?" naguguluhang tugon ko.

"Ah hindi ano kasi, mahilig magvolleyball yon baka malay mo sumali sya sa team this year" aniya habang ang mata ay di mapakali. Alam kong may mali at nagsisinungaling sya, pero hindi ko rin makuha yung sagot kung bakit naman nya gagawin yon?

Euphrosyne Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang