Chapter 30 (Revelations)

3 1 0
                                    

              Syne's Pov

Napasinghap ako nang malaman ang mga impormasyong binahagi sa akin ng ate ko, kulang iyon pero parang napunan na nito ang iilan sa mga tanong ko tugkol sa pagkataong meron ako.

"Minahal ka ni Kestra, maliliit pa lamang kayo hinahangaan ka na nya." Pagpapatuloy nito.

"Kaya sya sumunod dito para sa akin.." Dugtong ko.

"Mmmmnn.. Pnlano nya ang pagsunod na ito nang hindi nalalaman ng Prime, maaring mamatay si Kestra dahil lumabag sya sa batas at nakialam sa misyong hindi sya kasama." Malungkot na saad nito sa akin.

Bahagya akong nakaramdam ng kirot nang maalala ko ang sinabi ng mga lalaking nakalaban namin.

"Handa kang mamatay para sa kanya?"

Siguro nga ay matindi ang pagmamahal na binigay sa akin ni Ela kaya maging ang buhay nito ay sinugal nya.

"Teka.. Kung taga organisasyon ang aking Ama? Sino sya?" Muling tanong ko nang maisip kong hindi nya ito nabanggit kanina.

"Yun ang hindi ko alam Syne,.. Dahil wala pa akong isip nang ipamigay ako ng ating Ina mula sa matagal na pagtatago, sinabi lang sa amin ng Prime na taga organisasyon ang tatay mo nang subukan ka naming bawiin, pero wala na syang nabanggit sa amin noon kung sino ka." Malungkot nitong sagot.

"Kung ganon... ang prime lang ang nakakaalam.." Mahinang saad ko.

Tumango naman ito at tumingin sa akin.

"Pero bakit kayo nasa Rome noon?" Naguguluhang tanong ko, dahil kung nagpunta lang ang mga ito para bawiin ako ay hindi sila magtatagal doon.

Humugot ito ng malalim na hininga bago tumingin sa akin, hinawakan nito ang mga kamay ko.

"Dahil dating myembro ng organisasyon ang pamilya ni Savannah." Sagot nito.

"Ano!?" Napasinghap ako sa gulat nang malaman ko ito.

"Hindi na naglilingkod ang pamilya Barbieri, sa ngayon, matapos ang misyon ni Aestra.." Tinitigan nito ang mga mata ko na tila ba pilit pinaiintindi sa akin ang lahat.

Pilit kong inalala ang pangalang iyon at nasisigurado akong sya ang huli kong naging partner bago ako maparusahan!

"Hindi ko maintindihan?" Naguguluhang saad ko dito at hindi ko na napigilan ang mga luhang tumulo sa aking mga mata.

Bumuntong hininga ito at tumayo.

"Tulad mo, maaga ring naging troop si Savannah, Aestra ang totoo nyang pangalan. Kasama mo syang magensayo noon pero sa dami ninyo ay hindi kayo nagkaroon ng tyansang makilala sya
dahil si Kestra ang palagi mong kasama noon." Sagot nito.

Nanatili lang akong nakikinig dito habang hinihimay isa isa ang mga sinasabi nito.

"Naging kapareha mo si Aestra matapos mawala ni Kestra dahil sa problema nito sa pamilya, mahigit dalawang taon kayong nagsama sa misyon.." Pagpapatuloy nya.

Kaya pala hindi ko malimutan ang mukha nito!!

"at Hindi kayo basta naging magkapareha.." Napatingin ako dito nang sabihin nya iyon.

"Ano?" Tanong ko.

"Naging magkarelasyon kayo Syne.. " Duon na bumagsak ang mga luha sa mata ko.

Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko.. para itong kutsilyong paulit ulit na tumarak sa akin.

Lumapit sa akin ang ate ko gaya ko ay lumuluha narin ito.

"I'm so sorry Syne.." Malungkot ang tinig nito.

Euphrosyne Where stories live. Discover now