Chapter 18 (Elusion)

4 0 0
                                    

Nagulat ako nang makita kong umaga na, hindi man lang ako nakatulog kahit saglit napuno nang pagiisip sa nangyare ang utak ko buong gabi, magdamag din akong halos umiyak at nasaktan dahil sa katotohanang iiwasan ko na si Savannah.

Agad akong bumangon at nagtext kay Savannah na hindi ko sya masusundo at pumasok na lang sya magisa.

Mabigat man ang loob ay sinikap kong maging maayos para pumasok.

"Ahm. Keiley pakisabi nalang na hindi na ako tutuloy magvolleyball." Mahinang pakisuyo ko keiley, nagulat naman ito at naguguluhang tumingin sa akin.

"Bakit Keith? Nakaline up kana ah sayang naman yung pinraktis mo?" Nagaalalang tugon nito.

Nagkibit balikat na lamang ako at hindi ko na sya muling pinansin. Kailangan kong maibalik ang sarili ko sa dati sa lalong madaling panahon, kung gusto kong mapasaakin si Sav ng walang kahit anong aberya o kahit sinong maaabala kailangan kong magtagumpay sa planong ito, sana mahintay nya parin ako at mahalin pagtapos nito.

"Hey!" Mahina akong napasinghap nang tapikin ni Ela ang balikat ko kung saan ako nasaksak, nandito kami nayon sa canteen at nagkasabay kami.

"Hello.." Pilit kong ngiti.

"napuyat ka yata kagabi ah? grabe ang eyebags mo HAHAHHAHA" biro nito at sumabay sa akin na kunin ang order.

"You can join us Ela, kung gusto mo." Ngiti ko dito.

"Sure," Ngiti nya.

"Hello makiki join lang hehe." Biro nito nang makaupo kami sa pwesto namin.

"Papakilala ko pa ba sila sayo?" biro ko kay Ela.

"No need kilala ko na sila HAHAHHAHAHA" She laughed.

"Congrats nga pala Ela, isa lang nilamang at nagkataong ikaw pa HAHHAHAHAH" Biro dito ni Chantal.

"Naku wala yun, deserving si Keith manalo" Sagot nito.

Nagpatuloy lang sila sa kwentuhan at nakamasid lang akong nakinig sa kanila.

"Kanina pa sya tumatawag ah hindi mo ba sasagutin?" Maya maya ay tanong ni Ela sa akin.

Nandito kami ngayon sa parke ng school sa may garden, sumama sya sa akin nag magpaalam ako kanina na magpapahangin.

"hmmmmnn.." Yun lang ang naisagot ko.

"I really admire you Keith una palang hindi dahil maganda ka, pero I sense something to you.." mahinang wika nito.

Napatingin naman ako sa kanya.

"what do you mean?" Naguguluhang tanong ko.

She chuckled. "You have a very powerful awra, You are indecibly strong." sagot nya.

at kahit hindi ko sya naiintindihan ay sinikap ko na wag ipahalata sa kanya ang paghihinala na nararamdaman ko.

"Thank you sa pagsama sa akin Ela." Paalam ko sa kanya matapos ko syang ihatid sa room nya.

Tumango naman ito sa akin at bumulong.

"Hindi ako kalaban Keith at kahit kailan hindi ako naging kalaban.." She smiled

Napasinghap naman ako sa sinabi nyang yon, at iyon ang naging laman ng isip ko hanggang makarating ako sa classroom.

"What do you have?" Bulong ni Chantal.

Nasa kalagitnaan kami ng klase kaya naman napuna ako agad ng aming guro.

"Late kana nga nagawa mo pang dumaldal Ms.Vice! get out the two of you!" Sigaw sa amin ni ma'am.

Euphrosyne Where stories live. Discover now