Chapter 11 (Meet me)

7 0 0
                                    

                Chantal's Pov

I was heading to the office of the principal when I heard a loud noise outside.

Nagtago ako sa gilid non at pinakinggang maigi ang pinaguusapan sa loob nito.

"I'm also a co-founder of this school bakit hindi man lang nakarating sa akin ang pagtanggap ninyo sa mga bagong list ng estudyante?" Mahinahon ngunit mahihimigan mo ang inis sa tono ng nagsasalita.

"Mr.Luiz hindi po kasi nais ipaalam Director dahil para saan pa daw po at hindi naman mahalaga" Mababang wika ng kausap nito.

"Mahalaga ang bawat estudyanteng pumapasok dito christian, hindi tayo dapat basta basta nagpapatransfer nang hindi chinecheck ang application form ng estudyante, katulad nyan yung babae ay makailang beses naring nagkaroon ng atraso kay Mr.Pineda na syang may malaking shares at contribution dito sa school, he wants to kick her out of the school." Paliwanag nito.

"Sir hindi naman po kasalanan nung new students ang nangyare, it is all about Mr. Kenzo masyado po kasi nyang pinipilit ligawan si Ms.Guzman" Paliwanag ng kausap nya.

"Okay then, saan nga palang school galing ang mga estudyanteng ito?" Tanong nito.

"Sa PTNU po sir."

"PTNU hmmmnn okay give me the name and I'll investigate."

Nabigla ako sa biglang pagbukas ng pinto hindi ko yon naramdaman, mabuti nalang at may naghila sa akin sa isang sulok upang itago ako. Napamulat ako nang maramdaman ko ang hininga ng taong nasa harap ko.
Napabilis ang paghinga ko nang maramdaman ko at makita kong sobrang lapit ng mukha nya sa akin sa sobrang lapit ay halos maramdaman ko na ang labi nya. Nakahawak sya sa batok ko habang nakapiling naman sa kabilang side ang ulo ko, salungat kami, nagmuka kaming naghahalikan kung titignan mo mula sa gilid.

"Tsssk youth nowadays" Narinig kong bulong ng nagsasalita kanina at napapailing na nilagpasan kami. 

Napasandal ako ng malakas sa pader ng bigla nya akong bitawan.

"Sino ka?? bakit ka nandito?" Bulong ko.

Ngayon ko lang namasdan ang kabuuan nya, Naka P.E uniform sya at nakajacket na itim.Tinignan nya lang ako ng malamig, at nakapamulsang umalis sa harap ko. Pilit ko syang hinabol ngunit sadyang napakabilis nya at nawala sya agad sa paningin ko.

Habang nagdadrive ako pauwi ng bahay ay laman parin ng isip ko ang babaeng yon, wala pa akong nakitang ganun kabilis at kalamig tumingin maliban kay syne, at parang mas malamig pa syang tumingin kaysa kay syne, hindi lang basta malamig.. Nakakatakot... Napatingin ako sa side mirror nang mapansin kong tila may nasunod sa aking sasakyan, bahagya kong binagalan ang patakbo ko para makumpirma pero agad din itong nawala sa likod ko.

Napapraning kana chantal! para kang gago!

Pabagsak kong isinara ang kotse ko nang makapasok ako sa bahay, umakyat ako sa kwarto ko upang magbihis at magpahinga agad naman akong nakatulog marahil dahil sa matinding pagod at matinding sakit ng ulo ko.

Hatinggabi na nang magising ako sa kakaibang pakiramdam, at bahagyang kaluskos na narinig ko sa ibaba. Agad kong hinagilap ang kutchilyo ko sa ilalim ng kama at dahan dahang lumabas ng kwarto, namataan kong bukas ang pintuan ng kwarto ni syne! Agad bumangon ang kaba na sa dibdib ko. Dahan dahan akong lumapit doon sinigurado kong walang maririnig na yabag na manggagaling sa mga paa ko.
Dahan dahan kong pinihit ang pinto nitong bahagyang nakabukas, ginala ko ang paningin sa paligid ng kwartong iyon, nang wala akong maramdamang tao ay binuksan ko ang pinto.
Walang tao doon, hindi rin magulo ang gamit, may napansin akong tila sulat na nakalagay sa kama ni syne agad ko iyong nilapitan.

Euphrosyne Where stories live. Discover now