Chapter 8 (Too much information)

13 1 0
                                    

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kaisa isang kwartong hindi pa namin napasok, nakakapagtaka na parang walang katao tao sa bahay na yon kahit si Sav ay hindi ko nakita, nakapatay din ang ilaw asa buong bahay at tanging mga tauhan lang ang nandoon na kasalukuyang nagpapahinga na.

Pinihit ko ang doorknob at hindi ako nagkamali yun lang ang kwartong nakalock, agad kong ginamit ang alam ko sa pagbubukas ng nakalock na pinto medyo nahirapan pa ako dahil sobrang tindi ng pagkakalock nito.

Dahan dahan kong binuksan ang pintong yun at pumasok sa loob ng walang kaingay ingay walang tao sa loob katulad ng mga nakaraang kwartong binuksan ko, nang masigurado kong walang tao ay binuksan ko ang ilaw nito, kulob ang kwartong iyon may bintana pero kakatwang nakasarado ito kaya nasisiguro kong hindi matatanaw sa labas kapag nakabukas ang ilaw nito. Agad akong namangha at nagulat sa nakita ko..
Bakit sya meroong mga litrato ko???? inilibot ko ang paningin sa buong kwarto, nakasabit doon ang mga litrato, at paintings ko mula pagkaba't hanggang sa kasulukuyan..
Naramdaman ko ang pagsunod ni Chantal at ang paglock nya ng pinto at tulad ko nagulat din sya sa nakita.

"Wtf???" Bulong nya.

Agad akong kumilos at nagtungo sa cabinet nya nang hindi binigyan ng pansin ang pagkabigla ko sa mga nakita. Kailangan hindi kami magtagal dahil kung umalis man sila ay paniguradong babalik din sila kaagad.

Nakalock ang cabinet nito kaya ginawan ko itong muli ng paraan, samantalang si chantal ay nagtungo sa isang Vault na nakita nya.

Tumambad sa akin ang mga litrato, sulat at dokyumento katulad ng nasa pader ay mga litrato ko rin yun ngunit may isang litratong naiiba, isang babae, babaeng buntis at nakahawak ito sa kamay ng isang batang babae habang ang kabilang kamay naman ay hawak ng isang lalaki, muka itong Family picture.. naguguluhan man ay kinuhanan ko ng litrato ang lahat ng dokyument sulat at litratong nakita ko, mamaya na namin ito hihimayin kapag nasa bahay na dahil hindi kami pwedeng magtagal dito. Bagamat nagulat ay ganun din ang ginawa ni Chantal, muli pa kaming naghanap ng mga bagay bagay sa kwartong iyon at kinuhanan namin ng pictures at nang masiguro naming sapat na ang aming nakuha ay tahimik naming binalik ang mga iyon sa dating ayos nito at umalis.

Matagumpay kaming nakauwi dala ang impormasyong nakalap namin.

"Bakit sya may mga pictures mo syne?" Tanong ni Chantal nang makauwi kami.

Nandito kami ngayon sa Study room sa secret basement nasa ilalim yon ng bahay namin at mahirap hanapin doon naming piniling maghimay ng mga impormasyong nakalap, pnrint namin lahat ng nakuha naming impormasyon at isa isang binasa yon. Nagsimula akong magbasa sa mga sulat na nakita ko.

Syne.. hindi ko alam kung nasaan kana? pakiramdam ko napakawalang kwenta kong ate dahil napabayaan kita, pakiramdam ko wala akong nagawa nung kunin ka nila sa amin.

Patawarin mo ako kung wala akong nagawa kundi ang masdan ka sa malayo, magmatyag sa malayo at tulungan ka mula sa malayo. Alam ko ang hirap ng pag eensayo at ang hirap na dinadanas mo sa bawat misyon ng organisasyon. Patawarin mo ako kung hindi kita nagawang maitakas sa masalimuot na mundo...

-Selene

Ma.. nasaan kana ba? patawarin mo ako kung hindi ko natupad ang pangako ko sayo na aalagaan at ilalayo ko si syne sa masalimuot na mundo.

Patawarin mo ako ma.. kung hindi ko naibigay ang mapayapang mundo na ipinangako ko sa kanya at sa iyo..

Pagod na pagod na akong magtago ma.. hirap na hirap na akong magtago kay Aegeria..

-Selene

Syne... napakalaki mo na at lumaki kang magandang bata, lumaki kang malakas nakakalungkot lang na lumaki kang kumikitil ng buhay hindi ko alam kung makailang ulit akong hihingi ng tawad sayo sa pagbabaya at pag iwan ko sayo..

Euphrosyne Where stories live. Discover now