Chapter 10 (5 days)

7 0 0
                                    

  Huling babala na to binabasa nyo rin naman make sure na hindi magsosolo HAHAHAHHAHAHA     

                     Syne's Pov

Nagising ako sa maliwanag na sikat ng araw na tumama sa aking balat.
Dahan dahan kong naimulat ang aking mga mata, at napangiti ako nang makita si Savannah na nakatunghay sa akin.

"Goodmorning" She greeted me with a smile and small kisses on my lips.

I smiled back, ngayon ko lang naramdaman ang magaan na paggising matapos ang mga mabibigat na impormasyon na nalaman ko.

Agad kong niyakap ang dalawang bisig sa kanya upang makulong syang muli sa akin yumakap naman sya pabalik at nakangiting tumingin sa akin.

"I never knew I would love to see mornings with you" Nakangiting wika ko habang hinahawi ang mga buhok na tumabing sa maganda nyang muka.

"Someday, we will see mornings together and we will cuddle till the sun passes by" mariing sambit at niyakap ako nang mahigpit.

"I will cook breakfast for us, take a shower first and I'll meet you at the kitchen" Nakangiting utos nya sa akin.

Hinalikan ko muna sya bago bumangon at pumasok sa bathroom para maligo, hindi ko mapigilan ang mapangiti sa mga palitan namin ng salita ni Sav.

Parang nakaramdam ako ng kapayapaan at gumaan ang pakiramdam ko dahil nakatulog ako nang nakayakap sa kanya, tanging ang presensya nya lang ang nakapag pakalma sa akin ng ganito.

Dati rati tuwing nalulungkot at nasasaktan ako ay umaabot ako ng isang linggo sa pagmumukmok at pagkukulong sa kwarto ngunit kakaiba ngayon, kahit gaano pa katindi ang sakit na naramdaman ko kaagad napawi ni Sav ang sakit na yon at napalitan ng kakaibang ginhawa.

Matapos maligo at magbihis ay tinawagan ko muna si Chantal para ipaalam sa kanya ang plano ko, batid ko naman maiintindihan nya ako..

"Syne.." Kaswal na wika nya matapos sagutin ang telepono.

"I need a break babalik ako sa linggo ng gabi, isasama ko sa Savannah" dire diretchong pahayag ko.

Tumahimik ang linya at narinig ko syang bumuntong hininga sa kabilang linya.

"Mag-iingat ka syne, kikilos ako at babalitaan kita." Sagot nya.

Hindi na ako sumagot don at binaba na agad ang telepono, muli ko pang sinulyapan ang repleksyon ko sa salamin bago magpasyang bumaba.

Amoy na amoy ko ang bango ng niluluto si Sav tulad ko hindi rin sya pumasok, nagpaalam naman daw sya sa kanyang kuya at pumayag naman daw ito nang sabihin nyang nakitulog sya sa bahay ko.

Hindi nya naramdaman ang paglapit ko at bahagya pa syang nagulat nang yakapin ko sya mula sa likod.

"Ang sarap mo naman, este ng niluluto mo pala" Bulong ko sa mga tenga nya.

Agad naman syang humarap at ngumiti sa akin, ang ngiting nakakapag pakalma ng utak ko.

"It is all yours baby, ang niluluto ko hehe" Bawi nya sabay muling binalik ang atensyon sa pagluluto.

Napanguso akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at nagtimpla ng kape. Tatawa tawa naman syang minasdan ako.

Pumunta ako sa veranda at nanigarilyo habang nagkakape at hinihintay syang magluto.

"You really like smoking in the morning while having some coffee hmm?" maya maya ay tanong nya habang naghahanda ng pagkain sa mesa.

Tango lang ang sinagot ko doon, inubos ko na ang yosi ko at marahang naglakad upang tulungan syang maghanda.

Euphrosyne Where stories live. Discover now