Chapter 28 (We finally met)

7 1 2
                                    

                 Syne's Pov

"No.." Agad akong lumayo kay Ela at sinarado ko ang nga butones ng polo na nakalas nya.

"Syne.." Muli nya ako hinila para siilin ng halik.

"Stop it Ela!" Sigaw ko at tinulak ito ng medyo malakas.

"Why Syne!? Is it because of Savannah again?!" Balik sigaw nito.

"I respect and love her.. hindi dapat nangyayare to." Mariing sagot ko.

"What?! Common syne!? Iisipin mo pa talaga si Savannah? samantalang hindi ka naman nya naiisip nung panahong kasama nya si Kenzo!" Muli nitong sigaw

"Kahit na! Mahal ko sya.. at hindi ako dapat nagpadala sayo.." Naiiling na sagot ko.

"Masasaktan sya kapag nalaman nya na natukso ako sayo.." Mahinang dugtong ko.

"Really? Iniisip mo talaga yung feelings nya? E ano Syne?! Ano ako?! Hindi ba ako nasasaktan!? Hindi ba ako nasasaktan na ako yung nandito para sayo pero iba yung hinahanap mo!" Nagsimula na itong umiyak.

"At kahit nandito ka alam mo kung sino ang mahal ko Ela, hindi kita pinilit na manatali sa tabi ko." Malamig na tugon ko.

"Hindi mo ko pinilit oo nga naman kasi pinili ko to, pero Syne hindi lang naman si Savannah ang nasa mundo hindi naman pwedeng sa kanya lang iikot ang mundo mo! kasi Syne nandito ako eh.. at Mahal kita! Mahal na Mahal kita!" Muling iyak nito.

"Pero hindi kita Mahal Ela.. at hindi ko narin kayang Magmahal pa ng iba.." Mahinang saad ko.

Mapait itong napangiti sa pagitan ng mga luhaang mata.

"I'm sorry, I'm sorry if I was expecting na makita mo ako and I'm sorry if sinisiksik at pinipilit ko ang sarili ko sayo.. at sorry kung Minahal kita." Halos bulong na sabi nito.

"Please go." Muling saad nito.

"Ela..." Pagsusumamo ko.

"Please go Syne! Kasi kung hindi mo talaga ako gusto wag mo akong bigyan ng motibo! now go!" Sigaw nito.

Napailing iling na lamang ako at lumabas sa kwartong iyon.

"Where's Sav?" tanong ko kay Chantal na mukan hinihintay ako, nasa dance floor si Luther, kaya sya nalang ang naiwan dito.

"Sinundan ka nya.."sagot nito.

"What!? Hindi ko sy— fuck!" Sigaw ko sa frustration.

"Hayaan mo muna sya Sav, siguro hindi pa talaga para sa inyo ang oras." Saad sa akin ni Chantal.

"What do you mean?" tanong ko.

"Nagdaan ang buwan na wala tayong nagagawa." Sagot niya.

"Nananahimik sila ngayon pero nasisiguro kong may pinaplano ang mga ito." Uminom ito ng alak at tumingin sa malayo.

"May nangyare ba?" Tanong ko.

"Nakita ko ang mga nakamask na yun kanina sumilip dito.." Madiin na saad nito.

Agad namang binalot ng kaba ang buong pagkatao ko.

"Si Savannah!" Sigaw ko.

"She's with Kenzo, sinundan ko sya kanina." Nakahinga naman ako ng maluwag sa tinuran nito.

"Kenzo?" Tanong ko.

"Yes, malapit lang ang bahay ni Kenzo dito, duon sya nagpunta nung nanggaling sya sa inyo.." Sagot nya.

Hindi ako nakapagsalita. Alam kong nakita kami ni Savannah at alam ko rin na nasaktan ito, kanina napansin kong sinuot nya ulit yung singsing namin kaya alam ko mahal pa ako nito.

Euphrosyne Where stories live. Discover now