Chapter 20 (Downfall)

9 2 0
                                    

                 Sav's Pov

I stared blankly at the messages that I received, it was Steph, begging me to play, pero tila nawalan na ako ng gana sa larong dati ay kinasasabikan ko.

Ito ang huling laro ko sa school bilang Team Captain, pero parang nawala ang excitement ko dito. Matagal kong hinintay at pinaghandaan to, pero ngayon kakatwang wala akong pakialam dito kung manalo man kami o matalo.

Isang linggo narin akong hindi pumapasok, at mahigit isang linggo narin akong nag kukulong.

Tinignan ko ang sariling repleksyon sa salamin, mula sa maiitim na eyebags magulong buhok maging sa lukot na mga damit, napangiti ako ng mapait, hindi ko akalaing madudurog ako ng ganito.

"Savannah please baby.. lumabas kana jan mommy's here.." Narinig kong pagsusumamo ni mommy sa labas ng aking kwarto.

Umuwi ang mga ito nang malaman na hindi ako pumapasok at lumalabas ng kwarto, ni isa sa kanila ay walang nakakaalam kung bakit ako nagkaganito.

Naramdaman ko ang muling pagpatak ng aking mga luha nang marinig ko ang tawag na iyon, ang tawag na dati ay nakakapagpangiti sa akin.

"I wanna be alone mom, please let me have time for myself." Sagot ko.

"It's been a week anak.." Basag ang boses ni mommy nang tawagin ako nitong muli.

Katulad nang mga nagdaang araw ay hindi ko rin sya muling pinansin, umiyak lang ako ng umiyak.

Hindi maipapaliwanag ang sakit na nararamdaman ko, ang sakit na dinulot sa akin ni Keith, nakakatawang sa kabila ng mga nangyare ay parang hindi parin ako naniniwala na sadya nyang ginawa yon, na mas matimbang parin na mahal ko sya, siguro kung pupunta ito sa akin at hihingi ng tawad at makikipag ayos paniguradong yayakapin ko parin ito at papayag na mahalin nya akong muli.

Napabalikwas ako ng bangong nang maramdaman kong tumunog ang pintuan ng kwarto ko.

"Mommy I told you I wanna be alone" Wika ko habang nakatalukbong ng kumot.

"Nobody wants to be alone." Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang tinig ng kapatid ko.

"Merian..." Umupo ako sa kama at tinignan ito.

Umupo naman ito sa dulo ng kama ko, hindi parin nagbabago ang malamig na tingin nito.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya

"Maybe because you need me?" Parang nagtatanong na sagot nya.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kawalan. Namayani ang nakakabinging katahimikan sa aming dalawa.

"Loving someone with love alone is never enough." Maya maya pa ay pambabasag nya sa katahimikan.

Bahagya naman akong napatingin sa kanya, nakatingin ito sa kawalan.

"Sometimes our greatest downfall is to love someone too much to the point that we are no longer in love with ourselves."  muling saad nito.

"I give her a lot, Merian enough that I can no longer feel the love inside me." Lumuluhang wika ko.

"Because you give too much, and that is Love, na kahit pa walang matira sa atin binibigay parin natin sa taong yon." She said and handed me some cigarettes.

Tinanggap ko naman iyon at naglakad papuntang veranda, sumunod naman ito sa akin.

"Mahal ko sya Merian, mahal na mahal.." Madamdaming saad ko.

"at Mahal karin nya.." Dugtong nito.

"Hindi siguro, kasi kung mahal nya ko hindi naman nya ko magagawang lokohin." mapait na sagot ko.

Euphrosyne Where stories live. Discover now