Chapter 41 (Sacrificed)

5 1 0
                                    

Matapos ang gabing yun ay hindi na ako pinatahimik ng katotohanan.

Lagi din akong lutang at si Kenzo lang ang nagaasikaso ng kasal namin, hindi ko rin maramdaman ang kagustuhan kong matuloy ang kasal matapos ang lahat, pero hindi na ako makakaatras.

"Hon? are you okay? lately parang ang lutang mo, is something bothering you?" Tanong sa akin ni Kenzo matapos akong mairita sa fitting room.

Isang linggo nalang at ikakasal na kami pero parang pakiramdam ko ay umaatras na ako.

"Okay lang ako." Pilit akong ngumiti dito.

"G-gusto mo bang imove ang kasal?" Maya maya ay tanong nya.

"No, it's fine masama lang pakiramdam ko ngayon, gusto ko munang umuwi."

Paalam ko dito, naguguluhan nya akong tinignan, bumuntong hininga sya at hindi na nagsalita nang iistart ang makina at ihatid ako sa bahay, hindi ko na sya kinausap pagkababa ko sa kotse, hindi ko narin sya hinintay na ipagbukas ako ng pinto basta nalang ako pumasok sa bahay.

Nagkulong akong muli sa kwarto ko, ilang araw ko naring ginagawa yon.

Naramdaman ko nanaman ang mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo, halos araw araw akong umiiyak sa pagsisisi at panghihinayang.

Alam kong mahal ko si Syne, at mahal ko parin sya pero masyado akong binulag ng galit at masyado akong nagtiwala na matututunan kong mahalin si Kenzo.

Maya maya ay bumukas ang pinto niluwa non ang aking mommy, agad akong nagpunas ng luha.

"Mom.." Pilit akong ngumiti dito.

"Anak, are you okay? can we talk?" Ramdam ang pagaalala sa boses nya.

"Yes mom, ano po yun." umupo sya sa tabi ko at pinakatitigan ako.

"I know you are not okay anak, you can tell me." Nagaalala nya akong tinignan.

Nagaalangan akong magsabi dito, pero sa huli ay tinaksil ako ng mga luha ko.

"Anak, alam mo namang pwede ka magsabi sa akin diba?" Hinawakan nya ang mga kamay ko.

"Hindi ko yata kayang ituloy to mom!" Humagulgol ako nang tuluyan.

"Anak, sana hindi mo hinayaang umabot sa ganto kung hindi mo kaya." Niyakap ako nito.

"Mahal ko parin si Syne mom! Mahal na mahal ko parin sya." Humikbi ako.

"Pero sana hindi ka gumamit ng iba para kalimutan sya anak, nasaktan mo si Syne nang iwan mo sya at ngayon sasaktan mo rin si Kenzo, you already hit two birds anak." Malumanay na paliwanag nya.

Mas lalo akong napagulgol sa sinabi ng mommy, tama sya dahil parehong may nasaktan sa ginawa ko.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko mommy!" Muling hagulgol ko.

"Anak, talk to Kenzo about how you feel and kung ano man ang magiging desisyon mo, palagi kaming susuporta sayo." Pinahiran nito ang mga luhang tumulo sa mga mata ko.

Niyakap lang ako ni mommy, walang salita basta yakap lang at katulad ng kasabihan naramdaman ko ang kakalmahan ng puso at isip ko sa simpleng yakap na yon.

Matapos ang isang linggo ay napagdesisyunan ko na magpatuloy sa kasal, dahil alam kong yun ang tama hindi man ito ang gusto ng puso ko pero yun ang tama.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ito na, ito na ang araw ng kasal ko, ang ganda ko sa gown na suot ko simple lang yon na gown at simple lang din ang naging ayos ko bagamat maganda ang ayos ko ay halata ang lungkot sa aking mga mata na kahit sikapin kong pasiglahin ay lumalabas talaga ang lumbay doon.

Euphrosyne Where stories live. Discover now