Chapter 29 (Sister's Love)

5 1 2
                                    

            Selene's Pov

Kakauwi ko lang ng bahay at hinanap ko agad si Savannah, nakahinga ako nang maluwag nang malaman kong nasa bahay na ito.

Pumasok muna ako sa kwarto ko at nilapag ang espada at ang mga gamit ko.

Tinitigan ko ang mga litrato ni Syne na nasa kwarto ko.

Hindi pa dapat ito ang oras Syne pero napaaga ako.

Alam kong nagulat ang kapatid ko kanina sa ipinagtapat ko dito, pero wala na akong pagpipilian walang ibang rason para maging konektado ako sa mundo nila kundi yun.

Napakatagal na pamahon kong hinintay ang kapatid ko, napakatagal kong nagsisi at nakunsensya dahil lumaki sya sa mundong hindi alam ang awa.

Alam kong may ideya na sya sa akin dahil nung isang beses na umuwi kami galing ospital ay alam kong may pumasok at naghalughlog sa kwarto ko, at alam kong sya lang yun.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago naligo.

Matapos maligo ay nagdesisyon akong sa kwarto ni Savannah matulog para mabantayan ito, dahil alam kong nasa panganib ito.

"Oh.. Merian?" Aniya matapos akong pagbuksan ng pinto.

Hindi ko ito pinansin at nagtuloy lang sa loob.

"Dito ako matutulog." Walang ganang saad ko, at pumwesto sa kama nya.

"Bakit?" Naguguluhang sagot nito.

"Malamok sa kwarto ko." Pilosopong sagot ko.

Humugot ito ng isang buntong hininga tila pikon na pikon sa akin ay nakapkrus ang brasong humarap sa akin.

"Merian nasa kwarto mo ang pinakamalakas na aircon.", Walang pasensyang sagot nito.

Hindi ako umimik ang nagkunwareng tulog na.

Wala naman itong nagawa at nagpasyang tumabi nalang sa akin, sumiksik ito sa akin at yumakap.

"Kailan ba yung huling beses na nagawa natin to?" Tila nagiisip na tanong nito.

Hindi ako umimik.

"Hays hindi ko na matandaan." Tila suko na ito sa pagiisip.

"Merian..." Maya maya at mas sumiksik ito.

"Hmmmm?" Nakapikit paring tugon ko.

"Nasasaktan ako ngayon.." Mahinang himig nya.

Higit syang nasasktan Savannah.

Hindi ako sumagot, pinakiramdaman ko  lamang ito.

"Sabi nya sa akin nung huli kaming magkita mahal nya daw ako at may dahilan kung bakit kami nagkaganto, pero bakit parang ang layo nun sa nakita at naramdaman ko?" Tila unti unting nababasag ang boses nito

"Marahil may dahilan nga.." Sagot ko.

"Ano namang magiging dahilan nya, kitang kita ko nga kung anong ginagawa nya." Naghihinagpis na saad nya.

"Pero nakita ka rin siguro nya." Makahulugang sagot ko.

Alam kong lihim na sinusundan ni Syne si Savannah mula ng maghiwalay sila, at nakita ko pa ito isang beses nang makita nitong hinalikan ni Savannah si Kenzo sa pisngi.

"Wala naman akong ginagawa, isa pa magkaibigan lang kami ni Kenzo." Nguso nito.

"Bakit naisip mo agad si Kenzo?" Panghuhuli ko dito.

Hindi agad ito nakasagot, para bang maging sya ay naghahanap ng dahilan sa tanong ko.

"Ah basta, ayoko na yun na yung huling beses na lilingunin ko sya." Matigas na pangako nito sa sarili.

Euphrosyne Where stories live. Discover now