Chapter 22 (Trust)

5 0 0
                                    

                 Syne's Pov

Nagisig ako sa sikat ng araw na tumama sa mga mata ko, iginala ko ang paningin sa paligid at nakita ko si Chantal na nandon sa couch natutulog, habang si Ela naman ang syang naglihis ng kurtina, mukhang pareho na silang maayos.
Ilang araw ba akong walang malay?

"Thank God you are awake." Ngiting bati nito, nagising din sa ingay na iyon si Chantal at lumapit sa akin.

"You are awake.." Tinignan ni chantal ang kabuuan ako sinigurado kung maayos lang ako.

"Anong nangyare? pano ako napunta dito chaka ilang araw akong tulog?" Tanong ko.

Pakiramdam ko kasi may kung ano sa mga balang tumama sa akin maging sa mga patalim na ginamit sa amin nang gabing yon.

"Dumating si Ela nung gabing yun para iligtas tayo." Malikot ang mata ni Chantal nang sabihin yon, prente namang nakaupo si Ela sa tabi nito.

"Hindi si Ela ang nagligtas sa atin," Madiin na saad ko.

Napabuntong hininga si Chantal at tinignan si Ela na tila inaasahan nya itonf magpaliwanag.

"Ikaw? sino ka ba talaga?" Tanong ko kay Ela.

"Hindi mo pa ako pwedeng makilala sa ngayon, pero hindi mo ako kalaban Syne maging ang kasama kong nagligtas sa inyo." Nagbaba ito ng tingin.

"Kung hindi kita kalaban, hindi rin kita ituturing na kakampi Kestra hanggat hindi kita nakikilala maging ang kasama mo." Madiin na wika ko dito.

"Okay lang, malalaman mo din naman ang lahat sa ngayon kailangan kong irespeto ang sinumpaan ko at nang kaibigan ko sa isa't isa, masyado pang maaga para baliin yun." Saad nito.

Hindi ko sya pinansin, malamig lang akong tumingin sa kanya hanggang sa makalabas sya ng pintuan agad namang lumapit sa akin si Chantal.

"Nabanggit sa akin nung kaibigan nya na.. wala silang kinalaman sa misyon kundi sayo.." Maya maya ay saad nito sa akin.

"Halata naman, pero wag ka munang basta basta magtiwala, at hayaan mo sila kung kailan nila gugustuhing sabihin ang totoo." Tugon ko dito.

Dahil naisip ko rin na marahil ay katulad namin may misyon ito at maaring ako ang misyon nila, maaring may batas sila na sinusunod na bawal ipaalam ang katauhan nila.

Hindi man ako nakaramdam ng panganib ay hindi ko rin naramdamang ligtas ako, sa ngayon ang magagawa lang namin ay magpalamig at maingat na pagpaplano.

"Kailangan nating maging normal kapag pumasok na tayo, ilang araw ba akong tulog?" Tanong ko.

"Tatlong araw, may gamot ang bala at kutsilyong ginamit sa atin kaya mabilis tayong nanghina." Sagot ni Chantal.

Alam ko, at naramdaman ko na yon dahil hindi ako biro mapatumba, at kahit pa mapaulanan ako ng bala ay para akong pusa na may Syam na buhay.

"Kamusta pala ang school? tapos na ang sportfest." Mahinang wika ko.

"Oo, balita ko pumasok si Sav sa huling laro kaya nanalo parin sila kahit 1st runner up si Ela naman ay natapos nya agad ang game nya kaya wala na syang sinunod na laro, panalo din kami." Paliwanag nito.

Tumango lang ako at tumingin sa bintana. Sabado ngayon, at nasisiguro kong sa Lunes ang awarding, pumasok nanaman sa isip ko ang huling usapan namin ni Savannah.. ang mga sinumbat nya sakin, maging ang galit nito, napabuntong hininga ako nang maramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

"Mauuna na muna ako Syne.. aayusin ko lang yung mga gamit natin para makauwi na tayo mamaya" Paalam ni chantal sa akin at tinapik ako sa balikat.

Patuloy lang akong umiyak at inalala ang mga sinabi nya sa akin bago ako mapahamak, ang mga sinabi nya na sigurado akong naging dahilan bakit din ako nanghina.

Euphrosyne Where stories live. Discover now