Chapter 26 (You are Free)

4 0 0
                                    

A/n: Please play Heartache by One Ok Rock para dama nyo huhuhu.

Syne's Pov

Pinatay ang ilaw ng buong stage, para next performance at kila Savannah yun.

Nakasuot ito dress na itim at nakayuko samantalang sa kabilang dako naman ng stage ay nandon si Kenzo na nakaitim na sando din at puting pantalon.

Nagsimulang sumalang ang tugtog na "Wedding dress" sa unang parte ng kanta ay tila nagmamakaawa si Kenzo kay Savannah habang sumasabay ito sa beat ng kanta.

Naroon ang tila pagluhod nya dito, pagyakap sa mga tuhod at pagyakap mula sa likod, habang si Savannah naman ay tila walang pakialam dito at pilit itong tinutulak palayo..

Ramdam na ramdam ko ang sakit at selos habang pinanonood ko silang sumayaw sa tugtog na iyon.

"Gusto mo bang lumabas?" Tanong sa akin ni Chantal.

"Nope, I'm fine here, hindi ako mamamanhid kung hindi ko titiisin to." Sagot ko dito na diretcho parin ang tingin sa dalawang nagpeperform.

Humarap dito si Savannah at buong pagmamahal na hinaplos ang mukha nito, sabay tumakbo sa dulo ng stage at yumuko na tila ba umiiyak, hinabol naman it ni Kenzo at niyakap mula doon, itinaas ang muka nito at dinikit ang mga noo nila sa isa't isa, hinaplos naman ni Savannah ang kamay nitong nakahawak sa kanyang muka, sabay silang tumayo at sumayaw muli sa ritmo ng kanta.

Kitang kita ko ang bawat haplos, yakap ni Kenzo kay Savannah at ni minsan hindi ko nakita na nailang dito si Savannah.

But if you believe that you belong with him
Promise me, you won't let anyone hurt you
Remember, I will always be here for you
Even if it kills me to see you in that wedding dress
Oh see you in that wedding dress
See you in that wedding dress
Oh see you in that wedding dress...

Tumakbo dito si Savannah at niyakap ito nang napakahigpit, tinignan naman sya sa mga mata ni Kenzo at hinawakan ang kanyang mga pisngi at nilapit ang mukha dito.. hindi ko na nakita ang mga sumunod na nangyare dahil may nagtakip na sa mga mata ko.

"Wag mong panoorin ang mga bagay na hindi mo kayang makita." Rinig kong saad ni Ela mula sa likuran ko.

Hinawakan ko ang kamay nitong nakatakip sa mga mata ko, at buong sakit kong pinanood kung paano halikan ng iba ang taong pinakamamahal ko.

"Ganto rin siguro ang naramdaman nya nung nakita nya akong hinalikan mo." Kunwareng biro ko kay Ela.

Hinawakan naman nito ang balikat ko at hinalikan ako sa buhok.

"I hope I can take away the pain that you feel inside syne." Bulong nito sa akin.

Hinawakan ko naman ang kamay nitong nakahawak sa balikat ko at bahagyang pinisil.

"Okay lang ako, makakayanan ko din " Ngumiti ako nang mapait at pinahid ang luhang tumulo sa mga mata ko.

Masakit ang makita si Savannah sa kamay ng iba, pero mas masakit yung makita kong masaya na sya sa iba.

Sav's Pov.

Hindi ko inaasahan ang ginawa na yun ni Kenzo ni wala yun sa pnraktis namin, pero dahil natuwa ang mga audience dito ay hindi ko na knwestyon iyon.

"Sorry kanina Savannah.. nadala lang ako" Nahihiyang paumanhin nito at napakamot sa ulo.

ngumiti naman ako dito.

"Okay lang part naman ng performance." Pagbibigay ko ng seguridad dito.

Agad namang nagliwanag ang mga mata nito at ngumiti sa akin, umupo na kami dito sa harap ng stage para mapanood ang susunod na performance si chantal ang magpeperform at kasunod nya ay si Keith na, nagsolo silang pareho.

Euphrosyne Where stories live. Discover now