Epilogue

5 1 0
                                    

Syne's Pov

"Baby, gusto ko ng itim na puto chaka ng pandesal tas kwekwek yung palaman" Nagising ako sa pangangalabit ni Savannah.

Tinignan ko ang orasan at napagtano kong alas dos nanaman ng madaling araw.

"Baby.. it's 2 am." ungot ko.

Maya maya lang ay nagsimula na itong humikbi. Napabangon ako agad at inalo ito.

"Okay, wait for me ha? Bibili lang ako." Antok na antok man ay pinilit kong bumangon, pinunasan ko ang luha sa mga mata nito at hinalikan sya pati ang tyan nitong hindi pa masyadong halata.

Matapos ang kasal ay nagdesisyon kaming mag pa IVF at nakakatuwang nagsuccess agad ang result non, kaya heto at tatlong buwan nang buntis si Savannah, sobrang selan nyang magbuntis madalas syang naghahanap ng kung ano ano lalo na sa madaling araw at pag di nya nakuha yon ay iiyak sya, tapos ayaw din nya na ako ang gumagawa gusto nya binili at may resibo.

"Kingina mo naman Syne, disoras pagagawin mo ako ng puto??" Bulalas sa akin ni Kestra matapos kong katukin ito.

"Please? chaka sana kwekwek, hahanap nalang ako ng pandesal jan baka meron pa, buti nga nakabili pa ako ng pang puto chaka ng pangkwekwek." Saad ko dito.

"Alam mo kung di lang ako nagaalala sa inaanak ko di mo ko mapapabangon!" Reklamo nya habang nagsisimula nang maggawa ng mga pinapaluto ko.

"Gawan mo narin ng resibo gusto nya kasi binibili." Hiyang hiya na ako sa pangiistorbo ko dito maging kay Chantal at kahit pa sa mismong nanay ko.

"Lintek naman maglihi ni Savannah, ikaw nalang kaya sa susunod!" Asik nito.

Ngumuso lamang ako, habang unti unting nahiga sa sofa, inaantok na talaga ako at hindi kinakaya ng talukap ko halos isang buwan narin akong puyat kaka sunod sa paglilihi ng asawa ko.

"Hoy! wag kang matutulog jan lechugas ka." Sigaw nito sa akin mula kusina.

"Sige na, ilang araw na akong walang tulog, nung nakaraan sa labas ako pinatulog ni Savannah tapos pinapatay nya yung aircon sobrang init at lamok." Nguso ko nang maalala ko ng minsan mairita ito sa mukha ko at pinatulog ako sa labas.

"AHHAHAHAHAHHA hanep! oh ano kaya paba?" Tawa nya.

"Syempre naman ngayon pa ba ako susuko?" Sagot ko dito.

Maya maya lang ay, dinalaw na ako ng antok.

Nagising ako nang bahagyang may yumugyog sa akin.

"Luto na pinack ko narin, may pandesal nadin ako na bumili, may resibo at tatak kunware ng store doon sa plastik." Ngumiti sa akin si Kestra.

"Thank you Kes." Inaantok pa na saad ko at dahan dahan bumangon para kunin ang hinanda nito.

"Salamat Kes, nakikipuyat tuloy kayo sakin." Nahihiyang napakamot ako ng ulo.

"Wala yon, inaanak ko yan at magiging anak namin lahat HAHAHHAHA oh sya magingat ka." Pagpapaalam nito sa akin nang ihatid ako sa gate.

Bumisina at kumaway nalang ako dito bago umalis.

Nang dumating ako sa kwarto ay tulog na ang asawa ko, dahan dahan ko itong ginising para ibigay ang hinihinga nya.

"Thank you baby," Niyakap ako ni Savannah at masayang kumain sa harap ko.

Kahit nakakapuyat ay kumpleto ako, ang sarap pagmasdan ng asawa ko na naglilihi at unti unting lumalaki ang tyan paano pa kaya kapag lumabas na ang supling namin?

Makalipas ang ilang buwan ay unti unting lumaki ang tyan ni Savannah, nalaman din namin na babae ang pinagbubuntis nya, nahihirapan narin sya sa laki ng tyan nya mabuti nalang at nandon si mommy sa amin para tulungan sya.

Ang mommy ang nagaasikaso kay Sav, habang nag aasikaso naman ako ng mga business namin ni Chantal samantalang si Kestra naman ay pumasok bilang Doctor dito sa Pilipinas, ang kapatid ko ay bumalik sa pag aaral at kasulukuyang Third year college na ngayon.

"Syne!! bilis mo manganganak na si Savannah! tawagan mo si Kestra!!" Sigaw sa akin ni mommy nang tumawag ito.

Agad kong kinuha ang susi ko at walang pakialam sa kameeting ko, umalis agad ako at nagtungo sa bahay ni Kestra, pasado alas dos na yon ng hapon.

"Kumalma ka Syne! paano ko mapapaanak ang asawa mo kung mamamatay ako??" Sigaw sa akin ni Kestra habang minamadali ko ang pagmamaneho.

"Mamaya mapano ang asawa ko!!" Sigaw ko sa kanya.

"Ilalabas nya lang ang baby Syne jusq!!" Sigaw nya at kumapit sa headboard ng sasakyan.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay, nandoon si Savannah sa kwarto at hindi mapaliwanag ang itchura nito.

"Ang sakit ng tyan ko baby.." iyak nya.

"Buka mo." Utos dito ni Kestra.

"ikaw magpapaanak sa akin??" Mahihimigan ang disgusto sa boses nito.

"Baby please... si Kestra lang ang pinakamalapit na doctor dito.." Pakiusap ko sa kanya,

Hinanda naman ni mommy ang mga gamit ng anak ko.

"Wag kana manganak shutaka, inanakan kana nagseselos kapa!" Sigaw ni Kestra dito.

"Di ko malilimutan yung pagiging higad mo!" Balik sigaw ni Savannah habang kumukuha ng hangin.

"Baby please... ilabas mo muna si baby." Pakiusap ko sa kanya.

"Bubuka ka o aalis na ako?" Parang naiinip na saad ni Kestra.

"Eto naaa aaaaaahhh ang sakit talagaaa" iyak nya, agad naman akong lumapit dito para hawakan ang kamay nito.

"Kapag sumakit, iri gets?" Utos ni Kestra.

"Push! Common Sav, nakakapa ko na."

"Go baby push..." Sinabayan ko ang pagiri nya.

"Okay kita ko na, isang mahabang iri pa Sav." Utos muli ni Kestra.

"Ahhhhhhhh ang sakit naaaaa" Iyak na ng iyak ang asawa ko, hinalikan ang noo nito.

"Sige paaaaa kaya mo yan, one more." Utos muli ni Kestra.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" Nagpakawala ng isang pinakamahaba na iri ang asawa ko at maya maya pa ay narinig ko na ang pagiyak ng anak ko.

Naluluha akong kinuha ito mula kay Kestra..

"Ang gandang bata mana sayo ang mata" Tila hangang hanga din sa anak ko si Kestra.

"Anong pangalan nya?" Maya maya ay tanong nito.

"Aestra Elispse Santini." Nakangiting saad ko.

Agad namang inasikaso ni mama si Savannah upang linisan at bihisan, samantalang inasikaso rin ni Kestra ang anak ko.

Maya maya pa ay bumalik na ito bitbit ang anak ko na nakabihis na.

Hinawakan ko ito, maluluhang minasdan ang anak ko.. Hindi ako makapaniwala..
Grabe ang saya na naramdaman ko nang makita ko ang supling namin..

"Napakaganda nya anak...kamukhang kamukha mo." Puri ni mommy na nakatanghod narin sa apo nya.

"Baby.." Napalingon ako sa asawa ko at nakita ko kislap sa mga mata nya.

Inabot ko dito si Aestra at hinalikan ito sa noo.

"Thank you baby, for being my wife and for being the mother of our Child." Lumuluha kong pahayag dito.

"Iloveyou baby.. Mahal na mahal ko kayo ni Aestra.." Naluhang bulong ko.

"Mas mahal ka namin, sobra."

Humalik naman ito sa akin at masayang tunanghayan ang anak namin.

Napakasaya ng naging pamilya ko, bagamat puno ng sakit ang pinagdaanan namin ni Savannah ay ito naman ang naging bunga nito isang masaya kumpleto at maayos na pamilya..

       -The End-

A/n: Gage tapos na talaga ? HAHHAAHAHHA Thank you so much for reading!!! abangan ang next series HAHAHAHAHHAHAHHAHAHA Lovelots!🥰

Euphrosyne Onde histórias criam vida. Descubra agora