Chapter 7 (I Think Im falling for you)

8 0 0
                                    

PAALALA: ANG CHAPTER NA ITO AY RATED SPG HAHHAHHAHAHHAA

Gaya ng aming napagusapan ay sinundo namin nila Chantal si Sav sa room nya, kasama ko parin ang tatlo naming kasama kanina.

"Hi Sav! Kamusta!" Bati ni chantal sa kanya, isa isa namang nakipag beso ang tatlong magkakaibigan sa kanya dahilan para malito ako.

"Oo te magkakakilala kami, sino bang di makakakilala sa nagiisang Savannah!" Pagmamalaki ni Luther

"Magkakasama naman kami sa Volleyball last year Keith, si Luther at Savannah nagkasama naman sila sa organization dito sa school." Paliwanag ni Christine sa akin.

Tumango lang ako at nakapamulsang naglakad, hindi ko rin alam pero parang nahihiya akong makipag usap kay Sav matapos ang mangyare sa amin nung nakaraang gabi.

Grabe ako pa talaga ang nahiya ha!

Nagulat ako nang humabol sya sa akin at sumabay maglakad.

"Amn Keith?" Tawag pansin nya sa akin.

"mmmnn?" Tugon ko.

"Pwede ba tayong mag kape mamaya?" Tanong nya, bahagya akong nagulat pero hindi ko pinahalata.

"Pwede naman wala naman ata k—

"Tayo lang dalawa sana?" Pamumutol nya sa dapat na sasabihin ko

"Ahh.. Sge" tumango ako at naglakad nang tahimik ramdam ko ang pagtingin nya sa akin habang naglalakad kami papuntang canteen.

Hindi na kami muling nagusap nang makarating kami sa canteen, umorder lang ako ng drinks samantalang umorder ng clubhouse sila chantal maging si sav.

"So Sav? Kailan pala magsstart ang training natin? balita ko balak sumali sa team ni Keith" Pambabasag ni Christine sa katahimikan.

"Talaga gusto mong sumali?" baling ni Sav sa akin. Tumingin ako sa kanya at marahang tumango.

"That's great sakto wala kaming libero, si Merian din kasi ang libero namin" Saad ni Keiley.

"What a coincidence right? Ikaw pumalit kay Merian sa banda ganun din sa Volleyball team" Malanding wika ni Luther.

"Oonga no? Hindi kaya magkapatid kayo sa nakaraang buhay?" Out of nowhere na bulalas ni Chantal na syang kinatawa nilang lahat. tss

"Infairness te matalino kalang talaga sa klase, pero basura yang humor mo HAHAHHAHAHHA" natatawang biro ni Luther.

"Ah Keith sa lunes pala magsstart na tayo ng training since next month magsisimula na ang Sportfest at tayo ang host school dahil nasa atin ang overall champion last year" Mahabang paliwanag ni Sav.

tumango lang ako at tinapos ang iniinom ko, bigla naman naging maingay paligid dahil sa muling pagdating ni Kenzo.

kinginang to walang kadala dala, hintayin mo akong mapikon sayo makikita mo talaga ang impyerno shuta ka.

"Ey looks who's here, the great cheater Savannah Kristen!" Malakas na sigaw nito sabay pumapalakpak na lumapit sa amin.

"Ay taray te hindi pa tapos ang eksena nya, pano naging cheater si Sav ni hindi ka nga pinayagan manligaw HAHAHHAHAHA" Tumatawang asar ni Luther

"Shut up gay!" Sigaw nitong muli.

"Tumigil kana Kenzo, tama naman si Luther hindi naging tayo at ni hindi kita pinayagang manligaw para tawagin mo akong manloloko." Kalmado ngunit mataas na boses ni Sav.

"HAHAHHAAHHAHA at sinong may sabi na hindi mo ako pinayagan? eh hinayaan mo nga akong magbigay ng motibo sayo!" Sigaw nito.

"Ang tanong sinagot ba nya ang motibong binagay mo?" Biglang singit ni Chantal.

Euphrosyne Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu