Chapter 33 (Hide and Seek)

2 1 0
                                    

               Syne's Pov

"Ano ba ibig sabihin ng Kemerut? tanginang yan." Mahihimagan ang kalasingan sa boses ni Kestra.

Nandito kami ngayon sa sala, at dahil sa susunod na araw pa ang pasok ay nagpasya kaming maginuman dahil may bagong natutunan na alak si Chantal sa ate ko.

Sanay kami sa mga alak, pero sa timplang ginagawa ng ate ko ay para bang hirap na hirap kaming kontrolin ang amats non.

Nagtimpla ito ng Emperador daw na may halong coke at grapes juice.

"HAHAHHAHAHHAHA lasing na si Ela!" Asar dito ni Chantal.

"Ate san mo ba natutunan yan!?" Tanong ko dito habang inaapuyan nito ang bote ng gin at hinahalo yun sa juice.

Gusto daw nya maging salubong ang tagay dahil minsan lang daw kami magbonding.

"Sa kanto lang." Ngisi nito.

"Kingina mo muka bang pangkanto tong ganda ko?" Bulalas dito ni Kestra, bahagya naman akong natawa dito at hinawakan ito sa bewang para mabalanse ito.

"Hindi yung ugali mo oo" Sagot ni Chantal.

"Sus! Makaganon e ikaw nga diba nung nakita mo magtimpla si Selene dun sa kanto ginaya mo din sa birthday ni Keiley!" Maingay na hayag nito.

"Ang ingay peste." Sabat ni ate at pinaikot muli ang panibagong tagay.

Napangisi ako dahil pareho na pareho ang ugali namin nito, hindi matatanggi na ate ko sya. Nagpatuloy kami sa salubong na tagay hanggang sa malapit nang maubos ito, at nagpaplano pa ang mga ito na magtimplang muli

"Ayos lang ba sayo na imbitahan ko si Aestra?" Maya maya ay tanong nito sa akin.

"Sa kanya okay, sakin hindi." Sagot dito ni Kestra na bahagya namang kinatawa namin nila Chantal.

"If she wants to." Sagot ko,

"Okay" Aniya at agad dinukot ang cellphone.

"Hindi sumasagot.." Nagaalalang humarap ito sa akin nasa tenga parin ang cellphone.

Tumingin ako sa orasan at nakita ko ang oras, masyado pang maaga kung tulog ito.

"Hindi ba sya kasama ni Kenzo?" Tanong naman dito ni Chantal.

"Wag nyo na isali yun hantagal." Sabat naman ni Kestra.

"Hindi, ang alam ko.. ang alam ko bukas pa ang lakad nila.." Nagaalalang tumingin sa akin si ate.

Agad na binalot ng kaba ang dibdib ko, dali dali kaming kumilos at nagpunta sa bahay nila, tila nawala din ang amats ni Kestra dahil sa nangyare.

Pumasok kami sa bahay at ganon na lamang ang pagkabigla namin nang maabutan namin ang mga magulang at mga tauhan nitong pare parehas na walang malay.

"Mom!!!! Dad!!! Sev!!" Lumapit agad dito ang ate ko at inalog alog ang mga ito, kanya kanya naman kami ng direksyon at naghalughog sa buong bahay, pinasok ko ang bawat kwartong nandoon at tinignan kung may tao pero wala akong natagpuan na kahit ano maging bakas.

Nanginginig ang buong kalamnan ko sa galit, takot at pagaalala.

"Ano kamusta may nakita ba kayo?" Tanong ko sa mga ito nang makababa kami.

"Wala tangina!" Mahinang mura ni Chantal.

"Tangina wala tayong alam sa nangyare kailangan nating hintaying magising ang magulang ni Sav, nasisigurado kong matapos saktan ang mga ito ay pinatakan ng kemikal ang mga sugat nito." Saad ni Kestra matapos ieksamina ang katawan ng mommy at daddy ni Savannah.

Euphrosyne Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu