Chapter 25 (Mr&Ms Campus)

5 1 0
                                    

             Syne' Pov

Today is the day, after ng ilang araw na rehearsal practice at preparation dumating na ang araw ng pageant.

Dito natulog sa amin si Ela para matulungan nya kaming magrepare ng maaga naalala ko pa kung paano ito nakatulog sa aasikaso ng mga gagamitin namin ngayon.

-Flashbacks-

Pauwi na kami nang humabol sa amin ni Chantal si Ela.

"Dun na ako sa inyo matulog tutulungan ko kayong magrep." Presinta nito.

Nakita kong bahagyang natigilan si Savannah pero sa huli ay nagtuloy parin itong pumasok sa sasakyan ni Kenzo, bihira lang pala kami magpansinan kapag kailangan lang ganun sya kapormal.

"Oo naman malaking bagay yun Ela." Ngiting saad ni Chantal.

"Okay lang ba Keith?" Lapit nito sa akin.

ngumiti at tumango, agad naman itong naexcite at niyakap ako.

dumaan muna kami sa botique at doon namili ng mga susuotin, Lima ang kailangan naming suotin bali anim pala para incase na makapasok ka sa final may
Opening attire ayun yung pants at tshirt ng campus susuotin namin yun sa opening dance, sumunod non ang casual saglit lang susuotin yon pag rumampa lang isa isa after ng opening, yung sa talent, swimsuit at evening gown at kapag nakapasok ka naman sa final ay doon magagamit ang final gown.

Si Ela ang namili ng lahat, mula sa pagayos ng buhok sa makeup, sa gowns sa accessories at maging sa heels na gagamitin ko.

Ganon din ang ginawa nya para kay Chantal. Halos si Ela na ang nahing handler namin.  

Pagod na pagod kami nang makauwi sa bahay napakarami naming bitbitin, kaya naman nagpasya kami na magorder nalang ng pagkain.

"I would love to taste your menu syne.. kaso alam kong pagod ka at kailangan mong magpahinga." Saad ni Ela habang kumakain kami.

"Nako thank you talaga Ela at tinulungan mo kami" Pasasalamat dito ni Chantal.

"Oonga kung wala ka mangangapa kami sa mga ganto." Nakangiting sang ayon ko.

"Wala yun, sabi ko naman sa inyo kakampi ako." Ngumiti ito.

"Matapos ito kailangan na nating malaman ang mga magiging hakbang ng kalaban syne.." Biglang seryosong tono nito.

"Ilang linggo din silang nanahimik matapos yung pagtatapat natin nung huli." Saad ni Chantal.

"Wag tayong paka kampante baka nagpapalamig at bumwebwelo lang sila." tugon ko dito.

"Sigurado yan." Pagsang ayon ni Ela.

Nagpatuloy lang kaming kumain, at nang matapos kumain ay pinaakyat na ako ni Ela para magpahinga.

"Dito kana sa kwarto ko matulog Ela, hindi ko ilolock ang pinto pumasok ka nalang when you are done." Pagpapaalam ko dito.

Tinanguan lang ako nito nang hindi natingin sa akin, busy kasi ito sa pagsasalansan ng mga gamit.

Naalipungatan ako dahil nakaramdam ako nang uhaw, tumingin ako sa orasan at napansin kong pasado alas dos na, pero hindi parin naakyat si Ela kaya naman agad akong bumaba para tignan ako.

Nakita ko itong nakatulog sa may mesa at nakasalampak sa baba ng sofa, mukang nakatulugan na nito ang pagaasikaso napangiti ako nang makita ang bahagyang pagbuka ng bibig nito.
Maganda parin kahit tulog.

Euphrosyne Where stories live. Discover now