Chapter 4 (Spade)

11 1 0
                                    

                      
A/n : Mga te wag malito chantal and leigh  are the same person tulad ni syne at keith HAHAHHAHA enjoy muaaps :*

                       Chantal's Pov

Nandito na kami ngayon sa bar at agad kaming umorder ng drinks, sinadya kong umorder ng hard drink para magkaamats si Sav at steph para sa ganon makakuha kami ng konting impormasyon sa kapatid nya. Alam kong kahibangan to pero napakalaki ng kutob ko na hindi lang basta rape ang dahilan kung bakit nagpunta sa office ng director ang kapatid ni Sav, pakiramdam ko they are more than what we think. Naramdaman ko yun nung ipinakilala sa akin si Sav ni Steph, dahil nabanggit nya na hindi nya masyadong kilala ang parents nito at ang kapatid nito ay sobrang misteryosa at napakatahimik, bagay na kabaliktaran ni Sav. Praning na yata ako pero pakiramdam ko talaga may kakaiba sa kanila.

"Cheeeeeeerrrsss whoooooaaah!" malakas na sigaw ni steph at kinampay ang alak na hawak nito, paikot ang table namin katabi ko steph at sa kabilang side ko si syne katabi nya si Sav. Hindi naman kami kaagad na malalasing si syne dahil napagaralan namin kung paano papahupain ang tama ng alak sa katawan namin, in short malakas kaming uminom.

Maingay sa bar.. malamang tss. Kabi kabilang nagsasayaw, nagiinom, at nagmemakeout ang nandoon at hindi ko gusto ang ambiance pero kung mag vVIP naman kami baka maboring kami.

"Let us have VIP room hindi natin sila makakausap ng matino dito" Bulong ni syne sa akin, dahilan para malingon ko sya nalilito at nagtatanong ang aking mata na tumingin sa kanya, akala ko ay hindi sya payag na gamitin si sav..

"Okay lang ba sa inyo mag VIP room tayo? kahit 4 lang tayo?" tanong ko sa kanila. Nagaalangan ako kasi masaya lang naman mag VIP kapag marami kayo.

"I think we're good here, mag VIP bench nalang tayo so that we can enjoy singing and dancing with them while having our personal space" Sigaw ni sav, Dahil hindi ko sya maririnig pag di sya sumigaw.

VIP Bench ayun yung nandon ka parin sa bar pero may sarili kayong space na may sofas and tables, makikita mo parin yung nagsasayaw pati ang mga tao sa bar. Hindi pako nakakakilos nakita ko na agad tumawag sa counter si Syne para magask ng VIP bench, at syempre pinili nya yung pinakamaganda at mahal, she even requested a Billionaire Vodka para iserve at inumin namin.

"Wow a Billionaire Vodka! ngayon lang ako makakatikim nito!" bulalas ni steph matapos iserve ang Vodka sa amin.

Tinitigan ko lang si Syne na inaalalayan sa pag inom si Sav.

"Hindi kaba hahanapin ng kapatid mo sav?" tanong ni steph kay sav.

"Bakit nasan ba ang kapatid mo? she can join us" tanong ni syne sa kanya,

kunware walang alam.

"She's fine there, and no she can't join us Vodka is not good for the baby" tumatawang sagot nya.

"What baby?" I asked.

"Ah diba nabanggit ko sayo buntis ang kapatid nya si Merian yung pinalitan ni Keith sa banda" Singit ni steph

"Ah okay I forgot hindi ko nabigyan ng pansin kanina" kunwaring sagot ko.

"Do you mind if we ask what happened? akala ko boyfriend ng kapatid mo yung kabanda ko narinig ko kasing pinagtatalunan nila yung dating vocalist nung sumali ako eh" Kunwareng singit ni syne.

Nakita kong humugot ng mahabang buntong hininga si Sav bago nilagok ang alak na nasa baso nya.

"Okay lang din if h——" hindi na natuloy ni syne ang sasabihin nang muling magsalita si sav.

"She was raped, and no she dont have any boyfriend dahil babae ang gusto ng kapatid ko" malungkot na sagot nito at muling Lumagok ng alak, halatang nasasaktan sa nangyare sa kanyang kapatid.

Euphrosyne Where stories live. Discover now