CHAPTER 58

338 10 3
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 58

NAGULAT si Saiga sa sinabi ni Kaiden sa kaniya. Naguguluhan siya, hindi niya maintindihan. Ano ba ang nangyari sa dalawa?

"Kaiden, bakit naman gagawin ni Sakuragi iyon sa'yo?"

Imbes na sagutin ng kapatid ang kaniyang tanong ay patuloy lang ito sa pagluha. Napayukom ng kamao si Saiga.

"Nasaan si Sakuragi ngayon? Malilintikan siya sakin—" akmang tatayo si Saiga nang pigilan siya ng kapatid.

"Kuya, huwag! Walang kasalanan si Sakuragi rito."

"Bakit ka nga niya hiniwalayan?! Sa anong dahilan?! Pagsisisihan niya ang ginawa niya sa'yo!"

"Kuya... Kung may sisihin man tayo rito... Ang tauhan iyon ni Lolo." Lumuluhang sagot ni Kaiden.

Tumaas naman ang isang kilay ni Saiga. "Tauhan ni Lolo? Anong ginawa nila?"

"Kuya, kaya ako hiniwalayan ni Sakuragi ay dahil naabutan niya kaming duguan ni Haruko noong gabing iyon. Nalaman niya kasi na pinagseselosan ko si Haruko at galit ako rito. Pero bago nangyari ang insedenteng iyon ay nagkaayos na kami ni Haruko at nagkaliwanagan na. Pero sa hindi inaasahan, dumating iyong mga tauhan ni Lolo at pinagsasaktan kami bilang banta na kapag hindi ako sisipot sa imbitasiyon. Mas malala pa daw ang gagawin nila. At ang pinakamalala sa nangyari noong gabing iyon... nagbigay galang sa akin ang mga tauhan ni Lolo bago umalis, iyon ang nakita ni Sakuragi. Inakala niya na kasamahan ko sila at pinagtulungan na'ming sinaktan si Haruko."

Hindi makapaniwala si Saiga sa pinaliwanag ng kapatid sa kaniya. Hindi niya lubos akalain na kayang-kaya iyon gawin ng tauhan ng Lolo nila.

Ang manakit ng inosente.

Ang malala pa ay estudyante at babae pa.

"Nasa malalang kalagayan ngayon si Haruko dahil sa nangyari, kaya naman, nagalit si Sakuragi sa akin dahilan ng hiwalayan na'min."

Napatingin na lang si Kaiden sa kawalan habang tumutulo pa rin ang mga luha.

"Si Haruko... Siya ang babaeng minsan nang minahal ni Sakuragi pero hindi sinuklian ang kaniyang pag-ibig dahil umiibig ito sa ibang lalake. Mabait siya at maintindihin. Kahit ako ay nagagalit sa sarili ko dahil tunay naman na kasalanan ko ang nangyari. Dinamay ko siya, nabulag ako na may problema pa akong dinadala sa pamilya na'tin. Nakalimutan kong nasa kalagitnaan tayo ng banta ni Lolo."

Pinunasan ni Kaiden ang luha niya at huminga ng malalim. Ang lungkot sa kaniyang mga mata ay nanatili.

"Ngayong lumalayo na ang loob sa akin ni Sakuragi... Hindi na siya madadamay sa problema ko. Hindi malalaman ng tauhan ni Lolo na kasintahan ko siya at walang mangyayaring masama sa kaniya tulad sa amin ni Haruko. Ang hindi ko lang matanggap ay hiniwalayan niya ako."

Hinawakan ni Saiga ang kamay ng kapatid para patahanin ito. Niyakap niya si Kaiden.

"Kaikai... Tiisin mo, tiisin mo ang lahat ng sakit ngayon. Balang-araw, malalampasan din na'tin ito. Babalik din ang lahat sa dati."

"Sana nga, Kuya... Sana may pagkakataon pa kami ni Sakuragi."

Niyakap ni Kaiden ang kaniyang Kuya at muling napaiyak.

***

KAUNTING oras na lang ay nakatakda na ang pagbisita ni Kaiden sa tahanan ng Sazuno Clan. Alas otso na ng gabi at aalis siya ng alas nuwebe. Nakarolyo ang buhok ni Kaiden at pula ang labi, nakasuot siya ng itim na yukata na binurdahan ng mga pulang cherry blossom. Ito ang tradisyonal na kasuotan ng pamilya ng Yakuza kapag pupunta sila sa mga angkan nila.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Where stories live. Discover now