CHAPTER 29:

152 24 9
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 29:

Pilit na kumawala si Hanamichi sa kadenang itinali sa kanya. Pagkatapos niyang ihatid kanina si Kaiden, habang pauwi siya ay sinalubong siya ng hindi kilalang grupo ng mga sanggano. Ang tanging sinabi lang nito ay ilang gabi na nilang pinagmamatyagan si Hanamichi at ngayon sila nakahanap ng tyempo.

"Pambira, napilitan pa tayong kadena ang gamiting pangtali sa kanya sa halip na lubid."

"Si Boss Leader na mismo ang nagsabi na kadena ang gamitin na'tin, halimaw daw kase ang lakas ng pulang buhok na'to kaya walang epekto ang lubid."

Umirap sa kawalan si Hanamichi dahil sa chismis ng dalawang alipores ng sinasabi nilang Boss Leader.

"Pakawalan niyo ako! Ano ba!" Piglas ni Hanamichi.

Lumapit ang isang lalake na maihahalintulad sa physique ni Hanamichi, matangkad at maskulado tulad niya. Imbes na sumagot ito ay malakas niyang sinuntok sa mukha si Hanamichi.

*BLAAG!*

Pumutok ang gilid ng labi ni Hanamichi at nagresulta ng pagdurugo.

"Hanamichi Sakuragi... Hindi kita malilimutan." Ngising sabi nito saka sinabunutan ang buhok ni Hanamichi. "Ang kapal din ng mukha mo para aligidan si Ms. Kaiden, ano?"

Tinignan ni Hanamichi ng masama ang lalake. "Kilala mo si Kaiden?"

"Oo naman, siya lang naman ang---"

"Tama na 'yan, Nijiro."

Sabay silang napatingin sa lalakeng nagsalita. Nakasuot ito ng itim na jacket at pants habang may bitbit na bakal, ang kaliwang mata nito ay may takip. Ngumisi ito nang makita si Hanamichi.

"Boss Leader!" Bati ng lahat ng Gang Members niya.

"B-Boss Leader?" Takang tanong ni Hanamichi.

"Siya ang Boss Leader namin... Siya si Saiga Sazuno." Ngising sagot ni Nijiro.

"Saiga Sazuno..." Tinignan ni Hanamichi ng masama ang taong binanggit.

Pero kalaunay namilog ang mga mata nang mapagtanto niya ang apelyido nito. "ANO! SAIGA SAZUNO!" sigaw ni Hanamichi.

Humalakhak naman si Saiga. "Mabuti naman at nakilala mo'ko."

"Ikaw ang Kuya ni Kaiden." Sagot ni Hanamichi.

"Oo, ako nga." Ngising sagot ni Saiga saka...

*BLAAAG!*

Hinampas niya ng bakal ang mukha ni Hanamichi.

Napaubo ito ng dugo sa lakas ng hampas, naub-ob siya sa sahig. Nagsitawanan naman ang mga alipores ni Saiga at isa na doon ang kanang kamay niyang si Nijiro.

"Itayo niyo siya." Utos ni Saiga.

Agad naman pinatayo ni Nijiro at ng isa pa ang nakahandusay na si Hanamichi.

"Pwehhh!" Inisa-isang tinignan ni Hanamichi ang gang members ni Saiga. "Lahat kayo laban sa isa? MGA DUWAG!" sigaw niya at muli siyang sinaktan ni Saiga sa pamamagitan ng pagtadyak sa tiyan.

*BLAAAG!*

Napaluhod si Hanamichi dahil sa sakit. Ang lakas ng pwersa, pakiramdam niya parang si Akagi ang sumusuntok sa kanya. Pilit niyang kumawala sa pagkakadena pero nahirapan siya. "Bw*sit!"

Tinadyakan siya ulit ni Saiga sa tiyan at sinuntok sa mukha. Paulit-ulit 'yun ginawa na parang punching bag kung uturing si Hanamichi.

*BLAAAG!*

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon