CHAPTER 11:

158 20 5
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 11:

Nang matapos ang morning period nina Hanamichi ay nagmadali itong nagligpit ng gamit saka nagpaalam kay Mito na mauna na siyang umalis.

"Mito, bahala kana muna dyan ha? Una na'ko!" Paalam niya.

Ngumiti lang si Mito sa kanya at kumaway. "Galingan mo, Hanamichi!" Suporta niya.

"Hehehehe ako pa--- henyo ata 'to!" Mayabang nitong sagot saka umalis.

Naiwang nakangiti sa gawi ni Hanamichi si Mito, ang kanyang pag-aalala sa kaibigan ay hindi niya maiwasan. Kung tutuosin ay dapat kilala bilang Mr. Lonely itong si Hanamichi dahil limamput-isang babae na ang sumablay sa pag-ibig niya.

"Hayssss, good luck na lang para dyan, Hanamichi. Kapag nasaktan ka ulit, sa'min ka parin naman lalanding at iiyak. Hayssss." Bumuntong ng hininga si Mito at pinagmasdan ang labas.

Pababa palang sa building ng second year nang makasalubong ni Hanamichi si Rukawa. Nahinto sila pareho.

Magkaribal silang nagtinginan.

"Ampanget mo." Hanamichi

"Tssk. Gunggong." Rukawa

"Tumabi ka nga, panira ka ng araw kang soro ka!" Binangga ni Hanamichi si Rukawa para lagpasan. Pero bago ito tuluyang makalayo ay nagsalita si Rukawa.

"Kanina, sinabi ni Ayako sa'kin na darating mamaya ang Ryonan Team pero hindi binanggit kung may practice game." Wika nito.

Natigilan si Hanamichi doon. "Kung ganun... Magpapakita ang Boy Hair gel na si Sendoh."

"Pwede ring hindi kana pumunta." Rukawa

Tinignan naman siya ng masama ni Hanamichi. "Grrrrrrr--- Rukawa! Shattap! Gusto mo lang solohin si Sendoh ee! Hindi ako papayag!"

Inirapan lang siya ni Rukawa. "Pssh, gunggong." Tanging sagot nito saka iniwan si Hanamichi.

Bumusangot tuloy ang mukha nito dahil ang kanyang magandang araw sana ay nabahidan ng pang-aasar ni Rukawa. "Soro talaga kahit kailan. Pwehh!" Inayos ni Hanamichi ang kanyang sarili saka lumabas ng building.

Pagkalabas niya ay saktong nakita niya si Kaiden na nakikipag-usap kay Honoka. Hindi niya batid kung ano ang pinag-uusapan nito dahil sa seryosong expresiyon ni Honoka. Nilapitan niya ang dalawa.

"Sakuragi." Sambit ni Honoka sa kanya.

"Oh, close na pala kayo? Kung sa bagay, hindi maiwasang magkausap kayong dalawa lalo na sa nangyari noong nakaraang gabi.--- Ano ba ang pinag-usapan niyo?" Curious na tanong ni Hanamichi.

"Ahh, wala naman. Kinamusta ko lang si Sazuno. Sige, mauna na ako." Naglakad ito paalis, pero huminto muna saglit. "Nga pala, Sakuragi. Pinapasabi ni Captain Miyagi na huwag kang pahuhuli mamaya dahil darating daw ang Ryonan mamaya sa gym." Dagdag pa nito saka tuluyang umalis.

"Paki sabi kay Kulot, oo." Pahabol ni Hanamichi.

Si Kaiden naman sa kanyang harapan ay nakatingin. "Ryonan? Ano yun?"

"Ryonan, honey. Sila yung Team na nakalaban namin sa District Tournament last year." Sagot ni Hanamichi.

"Ahhh." Kaiden

"Ishi-share ko sayo ang ibang detalye kapag nasa canteen tayo." Nakangiting aya ni Hanamichi.

Ngumiti rin si Kaiden sa kanya saka sabay silang naglakad.

Nang makarating sila sa canteen ay binahagi niya kay Kaiden ang tungkol sa labanan nila sa Ryonan.

"Ang Ryonan Team, nung first year pa ako ay sila ang kauna-unahang Team na nakaharap ko sa game practice at nanalo lamang sila ng isang point sa'min. Sa lagay na'yon ay wala pa sina Mitchi at Kulot. Pero nung Actual Game ng Division Tournament ay natalo namin sila at nakilala bilang pangalawa sa pinakamagaling na Basketball Team dito sa Kanagawa Prefecture hanggang sa taong ito." Kwento ni Hanamichi kay Kaiden habang kumakain.

"Ahh, kung kayo ang pangalawa. Ee anong Team ang ibang kasali sa Best 4? Anong Team ang namumuno dito sa Kanagawa?" Kaiden.

"Tungkol naman dyan, ang nangungunang Team sa Distrito ay ang kuponan ng Kainan Team, halos 18 years na silang defending champion sa Kanagawa at kahit kami ay hindi namin sila matalo-talo. Lalo na sa Star Player nilang si Lolo--- I mean, si Maki! Naging pangatlo naman ang Ryonan at pang-apat ang Shoyo Team." Kwento pa ni Hanamichi.

"Ang lakas naman ng Kainan." Tinignan ni Kaiden ang wall clock ng canteen at napagtanto niyang 15 minutes na lang at magsisimula na ang afternoon period.

"Malapit na pala magsimula ang afternoon class, tara na." Pinunasan ni Kaiden ang bibig niya saka naunang tumayo at naglakad.

Dali-dali namang nag-ayos si Hanamichi at sinundan ang dalaga. "Sandali lang, honey. Masyado kang nagmamadali."

"Aba, dapat lang kase malapit nang magsimula ang klase." Sagot nito.

"Edi, ihahatid na kita sa classroom mo." Natahimik ng ilang segundo si Kaiden bago ito sumagot.

"Ikaw bahala." Sagot niya at naglakad.

Napangiti si Hanamichi, mukhang wala siyang nakikitang problema sa pasimpleng paligaw niya.

Nang makarating sila sa building ng first year ay sinabihan siya ni Kaiden na hanggang dito na lang siya. Magpapaalam na sana ito nang magsalita si Hanamichi. "Sandali lang, honey..."

"Bakit?" Tanong ni Kaiden.

"Uhmm, kase ano--- kase..." Kinamot ni Hanamichi ang batok niya. "Kase..."

"Ano ba, sabihin mo na. Madali akong napipikon kapag binibitin ako." Medyo iritang tonong wika ni Kaiden sa kanya.

"Sorry na--- kase ang totoo. May aamin ako sayo. Alam mo, Honey. Gustong-gusto talaga kita--- I mean, mas higit pa sa gusto! Nung una palang kita nakita ay nakaramdam na ako ng pagtatangi sayo. Lalo na nung nalaman ko na pareho pala tayong paaralan na pinapasukan. Naging desperado ako nung mga oras na iyon sa kahahanap sa'yo. At nung dumating yung pagkakataon na nakita kita sa wakas, ay mas lalong lumakas ang paghanga ko sayo--- apektado pati ang puso ko." Yumuko si Hanamichi kay Kaiden dahil parang nanghihina ang tuhod niya sa kanyang pag-amin.

"S-Sakuragi, a-ano ang ibig mong sabihin?" Kahit si Kaiden ay nagtataka sa kanya. Kinakabahan ang dalaga sa maaaring ipahiwatig ng mga salita niya. "Sakuragi?"

"Kaiden Sazuno! Gusto kita! Maaari bang--- maaari ba na... Ligawan kita?!" Matapang na wika ni Hanamichi sa dalaga habang nakayuko.

Nagulat si Kaiden sa mga sinabi niya. "H-Ha?"

"Mahal kita, Kaiden!" Hanamichi

KnightAncient | Henyong Si Sakuragi

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Où les histoires vivent. Découvrez maintenant