EPILOGUE:

220 24 1
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

EPILOGUE: LAST CHAPTER

Sa Gymnasium ng Shohoku High School ay nagkaroon ng munting pagtitipon para sa kanilang selebrasyon sa pagkapanalo laban sa Ryonan. Ang kanilang pagkapanalo ay nagreresulta sa pagiging pangalawa sa pinakamagaling na kuponan sa Kanagawa at maglalaro muli sa Interhigh Matches.

"Congrats sa ating lahat!" Masayang wika ni Miyagi sabay taas ng canned beer.

"Congrats!" Sagot ng lahat at uminom.

Sakto namang dumating sina Honoka, Kaiden, Freya, Yugo at Saiga. Nilapitan ni Honoka si Ayako. "Ate Ayako!"

"Oh, Honoka. Hindi mo ata kasama si Hanamichi Sakuragi ngayon?" Tanong nito.

Nagtaka naman si Kaiden. "'Yon nga ang nais na'min itanong sa'yo kung maaari pero mukhang alam na na'min ang sagot."

"Bakit, Kaiden? Ano ba dapat 'yon?" Ayako

"Kase, Ate Ayako— ang buong akala kasi na'min nandito si Sakuragi. Mukhang wala rin pala." Sagot nito.

"Nakapagtataka nga'ng wala pa siya, isa siya sa mga pangunahing tauhan sa aming pagkapanalo laban sa Ryonan— pero siya pa ang wala. Loko-loko talaga."

Nakaramdam ng pagkaalanganin si Kaiden dahil hindi niya batid kung nasaan si Hanamichi. Natatakot na siya. "Nasaan naba siya? Pinagtataguan niya na ba ako pagkatapos nilang manalo? Baka naman lalaki na ang ulo niya?" Natigilan si Kaiden sa kanyang naisip at napailing. "Nako, hindi naman siguro sa ganoon— patay na patay sa'kin ang baliw na 'yon kaya imposibleng papatulan niya ang mga babaeng umaaligid sa kanya? Jusko po 'wag naman sana."

Lahat ay napatingin sa pinto ng gymnasium nang makita nila si Mito na naghahabol ng hininga.

"Mito?" Nagtagpo ang tingin ni Mito at Kaiden. "Si Sakuragi?"

Lumunok si Mito bago sumagot. "A-ang mga taga-ryonan, nandito sila!" Sagot niya.

Naibuga ni Miyagi ang iniinom n'yang beer. "Ano? Ang Ryonan nandito?"

"Oo, at kasama nila ngayon si Hanamichi!" Nanlaki ang mga mata ni Kaiden sa narinig.

Samu't-saring senaryo ang pumasok sa isipan ni Kaiden. Kasama ngayon ni Hanamichi ang kalabang kuponan, hindi kaya may ginawa silang hindi maganda rito? Nagagalit ba ang kuponan ng Ryonan sa pagkapanalo ng Shohoku Team?

"Kaikai, pinagpapawisan ka ata—" Akmang hahawakan ni Saiga si Kaiden nang agad itong tumakbo palabas ng gym.

"Kasama ni Sakuragi ang Ryonan. Magkalaban sila kaya siguradong sisingilin nila si Sakuragi sa pagkatalo!" Sagot nito hanggang sa tuluyan na s'yang nawala sa paningin ng kapatid.

Bumuntong hininga si Saiga at tiningnan si Mito. Umaayon na ang lahat sa plano. Subalit hindi kilala ni Saiga ang mga taga-ryonan. "Sigurado kaba na walang mangyayaring gulo sa pagitan ng Shohoku at Ryonan?" Natawa si Mito sa kanyang tanong.

"Wala kang dapat ipag-alala, pareng Saiga. Matalik na kaibigan ng Shohoku Team ang Ryonan Team." Sagot nito sabay kindat.

Si Miyagi naman sa gilid ay natatawang napailing. "Kolokoy talaga 'tong si Hanamichi— talagang gagawin niya na talaga." Wika nito sabay laklak ng beer. "Masaya ako para sa kanya."

Ngumiti ang buong Shohoku Team sa kanya.

***

Samantala si Kaiden ay parang nang maiiyak sa kahahanap kay Hanamichi sa paligid subalit hindi niya mahagilap.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Where stories live. Discover now