CHAPTER 13:

166 22 7
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 13:

Pagkaumaga ay muling nagsalubong sa main gate ng Shohoku si Kaiden at Hanamichi. Nakangiti si Hanamichi sa kanya habang si Kaiden naman ay umiwas ng tingin, ngayon niya lang narealize na ang gwapo ngumiti ng bad boy na'to.

Pero agad nagbago ang mood na 'yon nang maalala ni Kaiden ang sinabi ng Kuya niya.

"Good morning, Honey. You look beautiful always." Ngiting bati ni Hanamichi sa kanya.

Inirapan lang siya ni Kaiden at nilagpasan. "Baliw."

Tumawa naman si Hanamichi. "HAHAHAHA Talaga ngang hindi ka mahilig sa mga flowering words. Bakit, Honey?" Tanong niya.

"Kase nakakairitang pakinggan. Naiirita ako sa mga pabebeng magsalita, ubos agad ang pasensya ko sa mga ganyan." Sagot ni Kaiden

Muling tumawa si Hanamichi. "Talaga ngang katangi-tangi ka--- I mean, pareho pala kayo ni Ayako na ayaw sa ganun."

Nahinto si Kaiden sa paglalakad. "Sino naman yan?"

"Si Ayako, yung 3rd year manager namin. Shota ni Kulotskie." Sagot ni Hanamichi, pero kalaunan ay napalitan ng ngisi. "Sa tono ng tanong mong 'yan, Honey. Parang nagseselos ka?"

Naningkit ang mga mata ni Kaiden sa sinabi niya. "Yucks, bakit naman ako magseselos? Ano ba kita?"

"Future mo."

"Ewan ko sa'yo."

"Yieeee."

"Bahala kana dyan." Nagmadaling lumakad si Kaiden para iwan si Hanamichi.

"Huyyy, Honey. Biro lang ee." Habol ni Hanamichi sa kanya.

Magkasabay ang dalawa naglakad sa hallway, ang ibang estudyante ay panay ng tingin sa kanila at isa na doon si Miyagi at Rukawa.

"Aba naman talaga itong si Hanamichi. Freshmen ba naman ang tipo." Nakangising wika ni Miyagi habang nakatuon ng tingin sa dalawa.

"Child abuse." Maikling wika rin ni Rukawa.

"Hayaan mo na 'yan, Rukawa. At least, nakita na'tin na maayos na ang puso ni Hanamichi sa kabila ng nangyari sa kanya. Ang tanging magagawa na'tin ay suportahan sa gusto niya, buhay niya 'yan eh." Makatwirang sabi ulit ni Miyagi.

"Bahala siya sa buhay niya." Tanging sagot ni Rukawa at inunahan si Miyagi sa paglalakad.

Nang magsimula na ang klase ay inanunsyo ng Propesor ang tungkol sa darating na High School Week kung saan hahatiin ang year level at section sa apat na Team which is red, blue, yellow at green Team.

Nakatingin si Kaiden sa propesor. "Okay, class. Ang kulay ng magiging Team niyo ay Red Team. Kasama niyo sa Team na 'yan ang iba pang upper year level. After this class is maaari niyong puntahan ang mga third year para magpalista nang sa ganun ay may record kayo na nagparticipate kayo sa ating activities. 1 week attendance yun at isang absent lang ay may fines, medyo mahal 'yon. So better na aattend kayo. That's all." Anunsyo nito saka iniwan ang mga estudyante.

Nagtinginan naman sina Kaiden pati yung mga kaibigan niya saka nagtilian.

"O-M-G! Makakasama sa Team ang mga Senpai na'tin. Just like--- o-m-g talaga!" Kinikilig na sabi ni Mayo.

"Senpai nga, pero what if puro mga mukhang bakulaw?" Tanong ni Reiku.

"Hindi kaya lahat noh, tignan mo kaya yung Senpai-laloves ni Kaiden--- sino nga ulit 'yun? Sakurada?" Mayo

"Sakuragi." Correction ni Kaiden.

"'Yon! Ang gwapo kaya nun kahit mukhang bad boy." Mayo

"Anong mukha, bad boy talaga." Kaiden

"Si Sakuragi ba kamo? Yung pulang buhok na member ng Campus Basketball Team?" Tanong ni Reiku. "Ano, Kaiden boyfriend mo na? Pambihira ee kapapanood lang na'tin sa laban nila nung nakaraang linggo ah, jinowa mo na agad?" Maktol pa ni Reiku.

"Ano bang sinasabi mo dyan, sira ulo ka talaga. Walang kami, okay?" Sagot ni Kaiden.

Tinignan naman ni Mayo ang bintana at napatango. "Ahhh, wala palang kayo. Kaya pala ganun na lang kung makakapit sa bisig nung Sakuragi yung manager nilang kulot." Agad napatayo si Kaiden at sinilip ang bintana.

Totoo nga ang sinabi ng kaibigan niya.

"Wala ka pala, Kaidengoy ee." Pang-aasar ni Reiku pero si Kaiden ay dali-daling lumabas.

Samantala sa labas ng building ay sabay na nagkalad si Hanamichi at Ayako. Si Ayako naman ay bet na bet yung pagkapit niya sa braso ni Hanamichi.

"Ayako naman, baka sipain ako ni Kulotskie niyan." Maktol niya, pero tumawa lang si Ayako.

"Hindi 'yan, Hanamichi Sakuragi. Si Miyagi pa, seloso lang 'yun pero hindi malisyoso." Sagot nito.

"Mukhang pareho lang 'yon."

"Hindi, sira!" Iniisa-isa ni Ayako ang bawat section para hanapin ang ibang kasali sa Team nila. "Aling classroom kaya ang kasali sa Red Team?"

"Ako, red team."

Biglang napalingon si Hanamichi nang marinig niya ang pamilyar na boses na 'yon. "H-Honey?"

"Hmm..." Taray na tinignan ni Kaiden si Hanamichi.

Si Ayako naman ay pabalik-balik ng tingin sa kanilang dalawa. "Jowa mo, Hanamichi Sakuragi?" Tanong ni Ayako.

Napabitaw agad si Hanamichi sa kamay ni Ayako. "H-ha? A-ano kase... H-hindi---"

"In the future, oo." Sagot agad ni Kaiden.

Namula naman si Hanamichi nang marinig 'yon. "Ano raw?"

Tumawa si Ayako sa hitsura ni Hanamichi. "Hayyy nako." Nilapitan niya si Kaiden at nagpakilala. "Ako nga pala si Ayako, 3rd year, section 10. At ako ang nangangasiwa sa list names ng Red Team."

Medyo nagulat si Kaiden kay Ayako at agad na yumuko. Hindi niya akalain na isa palang 3rd year student si Ayako at nangahas pang magpakita ng katarayan. "Ako nga pala si Kaiden Sazuno, Class 1 section 11. Hello po." Bati niya.

Ngumiti si Ayako sa kanya. "Aba naman, class 1 section 11, diba dating classroom yan ni Rukawa, Hanamichi Sakuragi?" Tanong nito.

Umirap naman si Hanamichi, kapag tungkol talaga kay Rukawa ang usapan napipikas agad siya. "Ewan ko sa mayabang na'yon... Pero, Oo." Sagot ni Hanamichi.

Nagtaka naman si Kaiden kung sino si Rukawa, pero wala na siyang pakealam kung sino 'yon. "Ang section po namin ay kasali sa Red Team. Maaari po kayong sumunod sa'kin para makuha ang ibang names ng mga classmates ko." Nakangiting sabi ni Kaiden kay Ayako.

"Oh sige, salamat." Sabay silang naglakad papuntang first year building. "Sumama ka, Hanamichi Sakuragi! Red Team ka rin!" Sigaw niya.

"Oo na! Huwag ka nang magalit!" Mistulang tuta niyang sagot.

Si Kaiden naman ay bumusangot ang mukha sa narinig at nagsalita sa isipan. "Ano? Red Team si Sakuragi? Kung minamalas ka nga man. Ee aaligid lang 'to sa'kin ee." Tinignan niya ng masama si Hanamichi.

Nang makita ni Hanamichi ang tingin niya ay kumindat 'to.

Agad namang umiwas si Kaiden at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang tili. "Walanghiya ka, Sakuragi. Ang gwapo mo dun."

KnightAncient | Henyong Si Sakuragi

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Where stories live. Discover now