CHAPTER 8:

188 21 3
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 8:

Habang naglalakad ang pito pauwi, si Hanamichi naman ay naa-awkwardan sa pagsabay niya sa dalawa na sina Kaiden at Honoka. Hindi siya makapagsalita dahil napapagitnaan siya ng dalawa habang sina Mito naman at ang tatlo ay panay pigil ang tawa.

"Tignan niyo si Hanamichi. Ikaw ba naman pagitnaan ng mga bebot, ayun hindi makaimik." Bulong ni Mito sa tatlong tropa niya.

"Hehehehe nakakainggit si Hanamichi, parang pinag-aagawan ng dalawa." Wika din ni Okhusu.

"Aba, simula nung nawala si Haruko, mas maganda pa pala ang nagsidatingan para kay Hanamichi." Siniko naman ni Noma yung winika ni Takamiya.

"Hinaan mo ang boses mo dyan, Tabachoy ka. Baka marinig pa ni Hanamichi. Iiyak ulit yan at baka magtanong pa si Honoka at Kaiden. Nako, bawas diskarte yan para kay Hanamichi." Saway niya dito.

"Oo na, oo na! Sori my mistakes." Napakamot na lang sa ulo si Takamiya.

Tinignan muna ni Hanamichi si Honoka at Kaiden saka binasag ang katahimikan. Umubo siya ng peke. "Ehem... Baka gusto niyo munang kumain? May alam akong resto ng ramen."

"Ayos lang, Sakuragi. Busog pa ako." Sagot agad ni Kaiden.

"Talaga, Sakuragi? Gusto ko yan!" Masayang sagot naman ni Honoka.

Ngumiti naman si Hanamichi habang si Kaiden naman ay napairap saka bumulong. "Panirang babaeng 'to."

"Ee, ikaw Honey? Sasama ka?" Tanong muli ni Hanamichi.

Natigilan si Kaiden habang nakatingin kay Hanamichi, nagulat siya sa itinawag nito sa kanya at harap-harapan pa sa lahat. Napairap naman ng palihim si Honoka.

"A-ah ako? S-syempre sasama!" Sagot niya.

"Akala ko ba busog ka pa?" Singit ni Honoka sa kanila.

"Ee ano ngayon? Gusto ko pang kumain."

"Ayaw mo rin magpadaig ee noh?"

"Sino kaba sa akala mo?"

Nagpatuloy sa tarayan ang dalawa nang awatin sila ni Hanamichi. Hehehehe ang hirap talaga maging pogi, pinag-aagawan. "Huy tama na yan. Baka gutom lang yang katarayan niyo." Saway nito sa dalawa.

Kanya-kanya namang iwas ng tingin sina Kaiden at Honoka. Muling napabulong sina Mito at ang tatlong extra sabay igik-ik ng tawa. Inirapan na lamang sila ni Hanamichi.

Nang makarating sila sa restong-ramen na sinasabi ni Hanamichi, habang sila'y kumakain ay napatitig nalang sila sa kung paano nilantakan ni Kaiden ang bawat yawong ng ramen habang si Honoka naman ay mahinhin na kumakain.

Hindi man aminin ni Kaiden at kain pride na rin ay hindi niya napigilan ang kanyang gutom at basta na lang nilantakan ang mainit na ramen. Napakamot na lang ng pisnge si Hanamichi habang nakatingin sa kanya.

Nagsalita sa isipan si Honoka habang nakatingin dito. "Iww, ganyan pala siya kumain? O saydang patay-gutom lang talaga?"

Samantala si Hanamichi ay namamangha sa kanya at ngiting pinagmamasdan ang maduming mukha ni Kaiden habang humihigop ng sabaw. "Hehehehe angkyut nya talaga kapag puno yung bibig niya, para siyang siopao."

"Anong tiningin-tingin niyo dyan?" Taray na tanong ni Kaiden habang ngumuya-nguya ng takuyaki na maraming sauce.

Imbes na sumagot si Hanamichi ay nilapit niya ang kamay nito sa bandang bibig ni Kaiden saka pinunas nito ang sauce na nasa gilid nito. At saka dinilapan.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon