CHAPTER 33:

165 25 5
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 33:

"Ano naman ang kinalaman ni Kaiden sa Kuya niya?" Hamamichi

"Talaga ngang wala kang alam, noh?"

Agad kinuwelyuhan ni Hanamichi si Yugo. "Alam mo, naiimbyerna na ako sayo. Kung tutuusin ay sisingilin kita sa ginawa mong paghamak sa'kin. Pero masuwerte ka dahil sanay ako sa bakbakan at hindi bigdeal ang mga pasang natamo ko. Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa mong 'yun ay galit na sina Mito ngayon sa'yo?" Tanong nito sa kanya.

"Oo, alam ko." Sagot ni Yugo. Padabog siyang binitawan ni Hanamichi saka naglakad paalis.

Pero hinarangan siya ulit ni Yugo.

Muli siyang sinapak ni Hanamichi na ikinatilapon nito sa sahig. "Ano bang problema mo? Bakit mo ba ako pinipigilan? Anong motibo mo?"

"N-Nandito pa si Saiga sa school." Tumayo si Yugo.

Sa pagkakataong ito ay may estudyante nang nakakita sa kanila.

"Huwag kanang bumabag, Yugo. Masasaktan ka lang." Banta ni Hanamichi.

"Ayos lang, may kasalanan din naman ako." Sinunggaban niya si Hanamichi.

Pareho silang bumagsak sa sahig.

"Ano ba!" Sinapak ni Hanamichi si Yugo.

Nakaiwas si Yugo sa atake niya at ginantihan ng suntok si Hanamichi, natamaan ito sa mukha. Pinaibabawan ni Hanamichi si Yugo at pinagsusuntok ulit ang mukha.

"Kailangan ko 'tong isumbong sa mga Teachers." Natatakot na bulong ng mga estudyante.

"Bitawan mo na ako!" Sigaw ni Hanamichi at hineadbutt niya si Yugo.

*BLAAAG!*

Napahiga si Yugo habang hawak ang noo niyang duguan. "Hindi ka aalis!" Pigil niya kay Hanamichi.

Sakto namang dumating sina Mito. "Dito, dito! May nagkagulo!" Tawag niya sa mga kasamahan.

Namilog ang mga mata niya nang makita si Hanamichi at Yugo na nagrarambulan.

"Hanamichi! Yugo!" Agad nilang inawat ang dalawa. "Ano ba! Tama na!" Nakahawak si Mito at Ohkusu kay Hanamichi habang sina Takamiya at Noma naman kay Yugo.

"Ano bang problema niyong dalawa?" Takamiya

"Lagot, siguradong malalaman 'to ng mga Teachers." Noma

"Mito--- kayo na ang bahala sa lalakeng 'yan." Utos ni Hanamichi. Aalis na sana siya nang makita niya si Honoka na luhaan na tumatakbo palapit sa kanya.

"H-Honoka?" Gulat na bulalas ni Hanamichi. "Bakit---" hindi natuloy ang sasabihin niya ng lagpasan siyan ng dalaga.

Natigilan si Hanamichi nang makita niya si Honoka na niyakap si Yugo.

"Yugo, tama na pakiusap." Naluluhang wika nito habang nakayakap.

Ang agresibong mukha ni Yugo ay bumalik sa pagiging maaamo. "Honoka..."

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Where stories live. Discover now