CHAPTER 44

74 5 0
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 44

MAG-AALAS SYETE ng gabi nang matapos si Kaiden sa kaniyang training sa taekwondo. Dumaan siya sa alternate main door ng gymnasium kung saan patungo ito sa railings ng ikalawang palapag. Nang makarating siya sa loob ay isang pagod na pagod na Hanamichi ang kaniyang nadatnan.

Nag-alala siya sa nobyo. "Masiyado siyang batak sa training."

Nakita niyang inabutan ni Haruko ng tubig at bimpo si Hanamichi. Masaya itong tinanggap ng nobyo niya.

"Tssk. Siya na naman."

Hindi lang si Hanamichi ang binigyan ni Haruko kundi pari rin ang ibang miyembro.

"Okay, Team. Magandang training ang ipinakita niyo ngayong araw. Aasahan ko pati bukas ay ganito rin nang sa ganoon ay mahubog kayo lalo." Nakangiting anunsyo ni Haruko sa mga players.

"Okay, Haruko!"

"Palagi naman, Haruko!"

"Asahan mo iyan, Haruko!"

"Aba siyempre! Marami pa akong moves na ipapakita sa'yo, Haruko! Sa ngayon... paisa-isa lang muna, baka kasi gayahin ni Rukawa pampa-kyut sa'yo." Mahinang wika ni Hanamichi  na kinatawa ng dalaga.

"Sa kagaya mong taong-gubat, malabo." Rukawa

"Shattap!"

Tinitigan ni Kaiden si Haruko. Mukhang malapit ang lahat ng basketball team members sa kaniya. Parang matagal nang magkakilala.

Napansin naman ni Honoka si Kaiden na nakatayo sa railings. "Kaiden!" Tawag niya rito at kumaway.

Napatingin din sa gawing iyon si Hanamichi at kumaway.  "Nariyan na pala ang aking binibini— maiwan ko na kayo mga ongo!" Paalam nito sa kaniyang kapwa players.

Mabilis na niligpit ni Hanamichi ang kaniyang mga gamit at agad lumabas. "Bukas na lang, Haruko."

***

MULING magkasabay na umuwi si Hanamichi at Kaiden, pero napansin ng binata na kanina pa tahimik ang nobya.

"Honey, may problema ba?" Tanong ni Hanamichi subalit hindi pa rin sumasagot ang dalaga. "Napansin kong kanina ka pa tahimik mula pa sa gymnasium. May nangyari ba?"

Umiling si Kaiden.

"E bakit? Kung hindi mo sasabihin paano kita madadamayan niyan?" Nag-aalang tanong ni Hanamichi.

Tumingin si Kaiden sa kaniya at ngumiti. "Wala lang ito, huwag kang mag-alala. Pagod lang ito mula sa training."

Nakahinga naman ng maluwag si Hanamichi sa kaniyang sagot. "Mainam naman kung ganoon, nag-aalala lang kasi ako. Baka naman may kasalanan akong nagawa, sabihin mo lang kung ano iyon para malaman ko."

Umiling si Kaiden sa kaniya. Ayaw niyang manghusga tungkol kay Haruko. Halata namang malapit sila sa isa't-isa at wala naman siyang nakikitang kahit anong malisiya. Parang malapit lamang na magkaibigan. Sadyang sensitive lang siya.

Hinawakan ni Kaiden ang kamay ni Hanamichi. "Totoo, pagod lang talaga ako. Gusto ko lang kasing namnamin ang katahimikan ng gabi kasama ka, Hanamichi." Ngumiti siya sa binata.

Namula si Hanamichi sa kaniyang sinabi. "O-Okay, Honey. Ako rin, gusto rin kitang makasama. Walang makapaghihiwalay sa ating dalawa."

Mas lumawak pa ang ngiti ni Kaiden at sinandal ang kaniyang ulo sa mabisig na braso ni Hanamichi. "Mahal kita palagi."

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Where stories live. Discover now